DEX'S POV"My Loves anong ginagawa mo? Alas Tres palang nang umaga Ba't gising kana?"
Lumapit sakin si Nathan at tiningnan yung ginagawa ko.
"Nagsusulat ka? Para san?" Muling tanong nya sakin.
"Para kala Mama at Papa, Sa sulat nalang ako magpapaalam sa kanila."
"Bakit san kaba pupunta?" -Nathan
"Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo My Loves. Doon na kasi ako titira sa mga Montes, Babalik na ako sa tunay kong Pamilya."
"Alam ba nila Mama at Papa ang tungkol dito?" -Nathan
"Si Mama alam nya pero si Papa hindi. Pero pareho nilang hindi alam na ngayon ako aalis."
"Bakit ba hindi ka nalang magpaalam sa kanila." -Nathan
"Ayon nga ang ayaw ko eh ang mag paalam sa kanila ng harapan kasi baka kapag nakita ko silang nalulungkot ay mas lalo lang akong mahirapan umalis."
"Kung ano man ang desisyon mo My Loves susuportahan kita." -Nathan
"Salamat dahil nandyan ka isa ka sa mga pinagkukunan ko ng lakas."
Hinalikan ko sa noo si Nathan at pinagpatuloy ang pagsulat ko.
Ma, Pa.
Sana maintindihan nyo ako sa ginawa kong pag-alis. Ginawa ko to para sa ikabubuti nating lahat, Ayokong may mapahamak pa ng dahil sakin dahil hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung isa sa inyo ang masaktan.Mahal na Mahal na Mahal ko po kayo, Sobrang hirap man na iwan ang Pamilyang napaMahal na sakin ay kailangan kong gawin dahil ito ang Tama.
Ma, Pa lagi nyo pong aalagaan ang mga sarili nyo at kahit wala ako sa tabi nyo ay nandyan naman ako sa puso nyo at lagi ko din pong babaunin ang mga aral na itinuro nyo sakin.
Alagaan nyo din po si Kyline at pakisabi nalang na nagtatrabaho nako ayokong sa murang edad nya palang ay mag-isip na sya nang kung ano-ano.
Ma, Pa babalik ako at ipinapangako ko sa inyo na sa pagbabalik ko ay mabubuo na tayo at magsasama sama tayo ng masaya.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO, HANGGANG SA MULI.
Pagkatapos kong sulatin ang mga nais kong sabihin kala Mama at Pap ay pinunasan kona ang mga luha sa mata ko, Habang nagsusulat pala ako ay umiiyak na ako.
"My Loves, Pwede mong hindi ituloy kung nahihirapan ka." -Nathan
Ngiti lang ang isinagot ko kay Nathan at tumayo na ako para makapag bihis at maihanda yung mga importante kong gamit.
Tinulong din naman nya ako at nagbihis nadin, Sya na daw ang maghahatid sakin sa bahay ng mga Montes.
After nang ilang minutong pag-aayos ay lumabas na kami ng kwarto ni Nathan pero dumiretso muna ako sa kwarto nila Mama.
Pinagmasdan ko sila at parehong mahimbing ang tulog lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa mga noo at iniwan ang sulat na ginawa ko sa table na malapit sa higaan nila at lumabas nadin.
"Nathan tara na baka magising pa sila."
Nagmadali agad kami ni Nathan na lumabas at sumakay sa sasakyan nya.
At habang nasa byahe ako ay ang bigat bigat ng pakiramdam ko parang ayaw kong umalis at pakiramdam ko ay naiwan ang kalahati ng pagkatao ko."My Loves?? Kung gusto mo pwede kitang samahan doon" -Nathan
"Salamat Nathan pero kaya kona to, Atsaka hindi kopa sila gaanong kilala."
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...