DEX'S POV
"Dex mauna kana sa sasakyan mukhang naiwan ko ata yung bag ko sa loob."
"Gusto mo samahan na kita?"
"Hindi na kaya kona mag-isa antayin mo nalang ako don."
"Sige ate ikaw bahala."
Binalikan ni ate yung bag nya sa loob tapos ako naglakad na papuntang sasakyan.
"Hey you, Ikaw yung nagsabotahe sakin."
Napalingon agad ako sa babaeng nagsalita. Sheilla lang pala.
"Wala akong sinabotahe."
"Oh really? Eh anong tawag mo sa ginawa mo kay Misis Sandoval."
"Tumulong ako at wala akong ibang intensyon don."
"Alam mo unang kita ko palang sayo kumukulo na ang dugo ko sayo, siguro dahil sa magkapatid kayo ni Andrea Kaya pareho kayong nakakaasar."
"Excuse lang ha? Pero mauna na ako sayo, Kung may nagawa man sayo ang ate ko ako na ang magsosorry at kung ano man yon dapat pag-usapan nyo yon ng maayos."
Tatalikod na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso, Madiin na madiin na parang ayaw nya akong pakawalan.
"Ano ba nasasaktan ako."
"Alam mo bastos kadin noh? Kinakausap pa kita tapos tatalikudan mo ako, Hindi ba itinuro sayo ng ate mo ang good manners and right conduct?"
Hindi ko alam kung anong meron pero napapansin ko lapitin ako ng away, Wala naman akong ginagawang masama pero lagi nilang na misinterpret.
"Bakit ba galit na galit ka? Wala naman akong ginawa sayo."
"Ikaw wala pero yung ate mo madami."
"Kaya nga ako na ang nagsosorry."
Alam kong maldita ang ate ko kaya sigury madami ang nagagalit sa kanya pero nagbabago naman na sya.
"Hindi ako madadalasa sorry, Alam mo kung anong magpapagaan sa loob ko? Ay yung saktan ang pinakamamahal na kapatid ng mortal enemy ko."
Nakita ko kung pano ibinuwelo ni Sheilla yung kamay nya at ano mang oras ay tatama na sakin. Napapikit nalang ako at nag-antay ng tatama sakin pero walang tumama.
"Subukan mong saktan ang kapatid ko at pupulutin ka sa kangkungan."
Bago pa man ako masampal ni sheilla ay napigilan na sya ni ate, Pinilipit ni ate yung kamay ni Sheilla kaya nabitawan nya din ako.
"Ano ba Andrea nasasaktan ako."
"Masakit ba? Pwes mas masakit to."
Lalo pang Pinilipit ni ate yung braso ni Sheilla kaya mas lalo itong nasaktan.
"Andrea bitawan mona ako!"
Binitawan naman ni ate si Sheilla yung nga lang tinulak nya ito kaya napasalampak ito sa sahig.
"Wag na wag mona ulit gagalawin ang kapatid ko, Dahil hindi lang yan ang aabutin mo sakin."
Pagkasabi non ni Ate ay hinawakan nya ako sa kamay at pumasok na kami sa sasakyan.
Naawa ako kay Sheilla pero at the same time ang saya ko kasi pinagtanggol ako ng ate ko. Masaya pala kapag may kapatid na nagtatanggol sayo.
"Ate salamat sa pagtatanggol mo sakin." Agad na sabi ko sa kanya pagkaupo napagkaupo namin.
"Syempre ipatatanggol kita, Kapatid kita eh pero syempre dapat matuto kadin ipagtanggol ang sarili mo."
"Kaya ko naman,Pero babae sya at sa mata ng lahat ako padin ang may mali pagpinatulan ko sya."
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...