CHAPTER 7

1.7K 57 0
                                    


DEX'S POV

"Sir san po ba tayo pupunta?" Tanong sakin ng driver.

"Sa Lugar po na malayo sa lahat, Sa lugar na tahimik at walang ibang taong makakakita sakin."

Napakamot nalang sa ulo si manong driver dahil sa sagot ko.

"Meron po ba non?" Tanong nya ulit.

"Sige po ipagpatuloy nyo lang yung pagmamaneho, Wag kayo mag-alala magbabayad naman po ako."

Sobrang gulo lang talaga ng pag-iisip ko ngayon, Hindi ko alam kung pano tatanggapin na hindi ako anak nila mama at papa at ang pinakamasakit sa lahat ay buong buhay ko at pagkatao ay isang malaking kasinungalingan dahil hindi pala ako si Dex, May iba pa pala akong katauhan at ibang Pamilya.

Nakailang missed calls na sakin si My Loves at Miles pero hindi ko sila sinagot pareho, Dahil gusto ko muna mapag-isa, Gusto ko muna mag sink in sa utak ko yung mga rebelasyong nalaman ko.

"Sir medyo malayo layo napo tayo hindi nyo padin po ba alam kung saan kayo bababa?"

Tiningnan ko muna ang paligid madilim na at nasa isang lugar kami at may mahabang tuloy na onti lang ang dumadaang sasakyan.

"Sige manong pahinto nalang po sa gilid"

Bago ako be bumaba ay nagbayad na muna ako at humingi ng pasensya dahil sa naging abala ko.

Napayakap nalang ako sa sarili ko ng dumampi sakin ang malamig na simoy ng hangin.

Habang naglalakad ako ay inaalala ko yung mga panahong bata pa ako at masaya kami nila Mama at Papa.

Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa isang tulay, Tiningan ko ang ibaba at tubig ang nakita.

Malalim siguro yan sabi ko nalang sa sarili ko. Parang may part sa utak ko na nagsasabi na tumalon ako para matapos na ang lahat ng gumugulo sa utak ko.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko (Yung parang sa Titanic haha) at muling dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.

Ang sarap sa pakiramdam parang narerefresh ako.
Habang nasa ganong moment ako ay may narinig akong bumusina, Nilingon ko yung likuran ko at may nakahintong sasakyan sa tapat ko.
Dedma ko lang yon dahil baka hindi ako ang binubusinahan nya.

Pero nagbusina ulit sya ng malakas.
Problema non?

Tanong ko sa sarili ko, Pampam sya?

Diba nya alam na nag eemote ako dito mag-isa?

Hindi ko ulit sya pinansin at back to position ako, Pinikit ko nalang ang mga mata ko at nag wish na umalis na yung kotseng yon.

Pero ilang segundo lang ang lumipas ay may naramdaman akong kumapit sa dalawang kamay ko at hinila ako palayo sa tuloy.

"SANDALI BITAWAN MO NGA AKO! Sino kaba?!"

Sigaw ko para marinig ng lahat haha baka mamaya sindikato sya na nangunguha ng kidney huhuhu.

"Sshh relax i am not a bad person, Gusto lang kita tulungan" Sabi nya sakin kaya napakalma ako.

"Tulungan bakit?" Takang tanong ko sa kanya.

"Kung may problema ka pwede mo akong kausapin hindi mona kailangan pang tumalon dyan dahil hindi mawawala akong problema mo sa gagawin mo."

Lah pampam sya? Ba't naman ako tatalaon ano ako baliw?

"Sino bang nagsabing tatalon ako?"

"Diba kaya ka nga nandyan para tumalon?"

"Excuse me lang ha? Mahal kopa ang buhay ko kaya never akong tatalon dyan."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon