CHAPTER 4

2.1K 74 1
                                    


DEX'S POV

"Kuya Dex oh"

Inabot sakin ni Kyline yung isang tatlong piraso ng Chocolate.

"San galing to?"

Tanong ko sa kanya pero tumakbo sya palayo. San kaya nakuha ng kapatid ko to? 

Hay nako bahala na nga si Batman, Mukhang masarap eh haha.

Binuksan kona yung isa at tinikman, Masarap sya ayon lang ang macocomment ko haha.

"Ito pa kuya."

May inabot naman sakin si Kyline na tatlong pirasong bulaklak na rosas.

"San galing to??"

Tumakbo ulit sya at hindi ako sinagot. Saan naman kaya galing to??? Nako baka binunot nya yung tanim ni Mama na rosas haha lagot sya kapag nalaman ni Mama yon.

Nilapag ko muna saglit yung mga rosas at nilantakan ulit yung tsokolate.

"Kuya Dex para sayo."

Inabot sakin ni kyline yung isang pamilyar na Teddy Bear.

Tinitigan ko ng maigi yung Teddy Bear at siya si Nathan! May nakadikit na papel sa kanya at binasa ko yung nakasulat.

"Mommy wag ka nang malungkot, Nalulungkot din si Daddy eh. Dapat lagi kalang happy hindi kami sana na ganyan ka."

Ewan koba parang may kirot sa puso ko pagkatapos kong basahin yon.

"Kyline san ba galing ang mga to???"

"Sakin My Loves."

Napalingon agad ako sa boses na nagsalita, Si Kyline naman tumakbo palapit kay kuya Nathan nya.

"Nagustuhan moba My Loves??"
Lumapit sakin si Nathan at tumabi sakin.

"Bakit may paganito? Monthsary ba natin?" takang tanong ko.

"Hindi, Pero gusto lang kita pasayahin, Napansin ko kasi parang may pinagdadaanan ka." -Nathan

Napaiyak nalang ako bigla sabay yakap kay Nathan.

"Salamat My Loves."

"Walang ano man My Loves basta ikaw, Malakas ka sakin eh." -Nathan

"Kuya Dex punta po na muna ako kala Mama." -Ky

"Sige Baby."

"Dex pwede kobang malaman kung ano ang gumugulo sayo??" -Nathan
Napatingin ako kay Nathan at naging seryoso.

"Nathan anong gagawin mo kung biglang may dumating at sinabi sayo na alam nya yung tunay mong pagkatao?."

"Syempre aalamin ko kung anong totoo para walang gugulo sa utak ko." -Nathan

"Kahit kapalit nito posibleng mawala yung pamilyang nakagisnan mo?"

"Alam mo My Loves ang tunay na Pamilya magkahiwalay man kayo, Magiba man ng landas ang isa inyo mananatili pa din kayong Pamilya dahil pinatibay na nang panahon ang ugnayan nyo sa isa't isa. Bakit My Loves may lumapit ba sayo at sinabing alam nya ang tungkol sayo??" -Nathan

Boyfriend ko si Nathan at sigurado akong mapagkakatiwalaan ko sya.

"My Loves nito kasing mga nagdaang araw may lumapit sakin isang lalaki at pilit nyang sinasabi na alam nya daw ang tungkol sakin at hinahanap daw ako ng mga Montes."

"Sya ba yung lalaking nakita ko sa school ni Kyline at yung lalaking sabi mo nagtatanong sayo ng direksyon??" -Nathan

"Oo My Loves sya yon, Si Miguel isang Private investigator daw ng mga Montes."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon