CHAPTER 47

1.5K 55 11
                                    


JASMINE'S POV

"ahhhhhhh!!!!!!!!"

"Oh Ana???? Bakit nagwawala ka??"

Nagulat nalang kasi ako pagdating na pagdating nya sa condo ay sumigaw sya tapos tinapon yung gamit nya.
Dahil magkaibigan kami ni Ana at ako nadin ang personal designer nya ay dito nya nadin ako pinatuloy sa condo nya.

"That Dex!!!! Hindi pako tapos sa kanya !! Yung ginagawa ko?? Patikim palang yon!"

"Si Dex pano naman nadamay si DEX dito? At anong ginawa mo sa kanya."

Tumingin lang sya sakin ng masama at hindi nako pinansin.

Ano kayang nangyari? Bakit galit na galit sya??? At anong ginawa nya kay Dex??

Pumasok ako sa cr para tawagan si Dex at mukhang matutulog naman na si Ana.

Agad kong na dial ang number ni Dex kaya lang out of coverage sya, Sinubukan ko padin syang i contact pero ayaw padin.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Ana nag-aayos mukhang may pupuntahan na naman ata.

"Kakadating mo lang ah? Aalis ka agad?"

"May aasikasuhin lang ako ikaw na muna bahala dito, Bye."

Parang may mali sa ikinikilos ngayon ni Ana, Paglabas nya ay sinundan ko sya dahil pakiramdam ko dapat ko syang sundan.

Pagsakay nya ng sasakyan nya ay agad akong pumara nang taxi para sundan sya.

"Manong pasundan nalang po yung kulay black na sasakyan."

Tumango lang si manong at nag focus na sa pagmamaneho.

Ewan koba grabe yung kaba ko ngayon feeling ko may mangyayaring hindi maganda.

Huminto yung sasakyan ni Ana sa isang bakanteng lote bumaba naman ako agad at sinundan si Ana meron din isang sasakyan at lumabas don ang isang lalaki nagtago ako sa isag gilid at pinakinggan ang pag-uusapan nila.

"Bakit mo ako tinawagan? At dito mopa talaga ako Pinapunta sa isang kadiring lugar nato? Ano ba kasing sasabihin mo?"

"Ana sabihin na natin kala Dex ang totoo, Na pinlano natin to lahat para mapaghiwalay sila   hindi na kaya ng konsensya ko sobrang naaawa nako sa kanila."

"At ikaw, dika ba naawa sakin? Sinaktan din nila ako! Binabalik kolang yung sakit na naranasan ko dahil sa ginawa nila."

"Pero alam mo naman sa umpisa na mahal nila ang isat-isa at ikaw isang malaking pagkakamali kalang!"

Nakita ko kung pano sampalin ni Ana yung lalaki dahil sa sinabi nito. Pero diko padin maintindihan kung bakit nila pinagplanuhan na paghiwalayin si Dex at Nathan.

"Nandito na tayo, Kaya tapusin na natin to at pagkatapos nito ay hindi na kita kakailanganin."

Lalo akong kinabahan sa mga sinabi ni Ana mukhang may gagawin pa syang masama kala Dex at kailangan kong mabalaan si Dex.

Agad akong tumayo sa kinatataguan ko kaya lang may natapakan na isang maingay na bagay dahilan para makita ako nila Ana.

"Jasmine????"

Napalingon ako sa kanila at agad na tumakbo.

Kailangan ko magtago dahil sigurado ako na pipigilin ako ni Ana na sabihin kay Dex ang totoo.

Pumasok ako sa lumang bahay ata to o tindahan basta nataranta nako at nagtago nalang.

"Jasmine?? Magpakita ka sakin."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon