CHAPTER 13

1.7K 69 2
                                    


DEX'S POV

"Sir Dex may bisita po kayo."

"Ha? Sino po?"

"Diko po kilala eh, Puntahan nyo nalang po nasa labas sya."

"Sige po salamat."

Sino kaya yon?

Bakit nya ako kailangan?

Lumabas agad ako para tingnan kung sino yon, Tanghaling tapat saka sya bibisita hindi ba sya naiinitan? Haha.

Pagbukas ko nang gate ay may taong nakasakay sa motor at naka helmet kaya hindi ko nakilala kung sino sya, Pero pag tanggal nya nang helmet si Nathan lang pala.

"Hi My Loves"

"Nathan??"

Itinabi nya muna yung Motor nya sabay lapit sakin at hinalikan ako sa may Noo.

"Seryoso ka pala sa sinabi mo na pupunta ka?"

"Oo naman, Alam ko naman kasi na na mimiss mo ako dinalhan nga kita ng mga paborito mo, Kwek-kwek at fishballs." -Nathan

"Hindi kaya."

"Talaga ba? Pero bakit ganyan ang ngiti mo?" - Nathan

"Secret"

"Ah sige uuwe nalang ako, Dimo pala ako na mimiss. Itatapon ko nalang tong binili ko"

Tumalikod si Nathan at maglalakad na sana pero hinawakan ko sya sa braso para mapigilan. Masyadong pabebe haha.

"Oo na. Namimiss na kita, Kainis to parang isip bata haha hindi mabiro."
"Isip bata? Pero Mahal mo?" -Nathan

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Nathan dahil hanggang ngayon kahit matagal na kami hindi ko padin maiwasan ang hindi kiligin sa mga banat nya sakin.

"Hindi mo ba papapasukin ang bisita mo?".

Napalingon agad ako sa nagsalita sa likod namin, Pagtingin ko si kuya samuel lang pala.

"Sino sya My Loves?" Tanong sakin ni Nathan.

"Ah sya pala si Kuya Samuel."

"Samuel Montes, Brother ni Dex and you?" Inabot ni kuya Samuel yung kamay nya kay Nathan.

"I'm Nathan Fernandez, Boyfriend ako ni Dex"

Nagkamayan silang dalawa, Ako naman medyo kinakabahan kasi dirediretso agad yung pagkasabi ni Nathan na Boyfriend ko sya.

"Ba't di mo sya nakwento samin?" -Samuel

"Ah eh kasi, Humahanap lang ako nang tyempo."

"Doon kaya tayo mag-usap sa loob." Yaya ni kuya samin.

Akala ko magagalit sya eh pero mukhang hindi naman.
Sumunod kami ni Nathan kay kuya at pinaupo kami sa may sala.

"Oh may bisita pala tayo."

Mayamaya si Mommy naman ang dumating, Tumayo agad si Nathan at nakipag kamay kay Mommy.

"Magandang tanghali po tita." -Nathan

"Dex ba't dimo sinabi na pupunta pala ang Boyfriend mo edi sana nakapag handa tayo." -Mom

"Biglaan lang po kasi."

"Mommy kilala nyo na sya?" Takang tanong ni kuya samuel

"Hindi pa masyado, Pero nagkakilala na kami before. Diba Nathan?"

Tumango lang si Nathan bilang pagsagot, Nahihiya din siguro ang loko haha.

"So Nathan,gaano na pala kayo katagal ng kapatid ko?"

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon