CHAPTER 23

1.5K 52 6
                                    


CHAPTER 23

NATHAN'S POV

"Salamat sa paghatid, Sige umuwe kana para makapahinga kana."

"Dito muna ako sa inyo." Pagpilit ko sa kanya.

"Hindi na umuwe kana."

"My Loves wag kana kasi magalit sakin." Kahit ayaw nya ay hinawakan ko ang kamay nya at pumasok kami sa loob.

Ayokong mag-aksaya ng oras o kahit segundo na hindi kami magbabati ni My Loves at hindi kona talaga uulitin yung nangyari kagabi.

.........................FLASHBACK........................

"Pre sama ka samin ni Anjo?" Yaya sakin ng katrabaho ko sing Raymond.

"Saan naman?"

"Sa Bar, Maraming chicababes don hindi ka maboboring. Siguradong mag-iinit ka."

"Hindi na kayo nalang, Medyo napagod din kasi ako kailangan kong magpahinga."

"Saglit lang to Pre, Kahit sumama kalang tapos konting tagay.". -Raymond

"Oo nga Nathan, Hindi naman malalaman to ng Girlfriend mo." -Anjo

"Pasensya na talaga kayo nalang."

"Ang KJ mo Pre, Wag masyadong magpaka under sa Girlfriend mo dapat minsan mag enjoy kadin, Ano tara?"

Mag-sasalita pa sana ako pero hinila na ako ng dalawa.

Dinala nila ako sa isang Bar medyo malayo sa Building namin. Huli kong punta sa ganitong lugar ay nung Teenager ako (Pasaway pa ako) at hindi kopa nakikilala si Dex non.

"Nathan, Tutunganga kana lang ba dyan?"

Pumasok kami sa loob at madaming tao (Malamang) maingay at madaming mga Babae.

"Ang daming sexy mukhang makaka jackpot tayo dito." Pabirong sabi ni Raymond.

Hind ko nalang sya pinansin at humanap na kami ng mapupwestuhan.

Agad naman kaming nag-order nang alak, Wala talaga akong balak na uminom dahil kapag nalaman to ni Dex mayayari ako nito.
Habang umiinom kami ay may lumapit saming Babae.

"Hi mga Pogi?"

"Oh hi Miss" agad na tumayo si Raymond at hinawakan sa bewang Yung Babae pero tinanggal agad nito yung kamay nya.

"Sorry pero hindi ikaw ang gusto ko."

Ngumuso sakin yung Babae pero wala lang sakin yon. Siniko ako ni Anjo at sabay bulong.

"Pre mukhang ikaw ata ang type."

Ngumiti Lang ako at tumabi sakin yung Babae.

"Hi Ako nga pala si Clarrise and you are?"

"Nathan."

Nakipag kamay sakin yung Babae at nag stay nadin sya sa tabi ko.

Habang tumatagal ay napapansin kong panay hawak ng Babae sa hita ko kaya nag-paalam na ako na aalis na.

"Anjo, Raymond mauna nako. salamat nalang."

Tatayo na sana ako pero hinila ako pabalik nung Babae.

"Aalis ka agad? Ayaw moba ako makasama?"

"Oo nga Pre, Ubusin nalang muna natin to."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon