CHAPTER 36

1.7K 65 10
                                    


DEX'S POV

Kahit papaano ay hindi naging stress ang araw ko ngayon unang una dahil sa makulit kong kapatid at pangalawa dahil bumisita si Miles at si kuya samin.

Kailangan ko matulog ng maaga ngayon dahil nandon sila Mommy at Daddy bukas kaya dapat mas maaga ako don.

Pagkahiga ko sa higaan ko ay agad kong pinikit ang mga mata ko. Pero ilang minuto palang ay may narinig na akong kumakatok sa may gate namin.

Medyo kinabahan ako kasi sunod sunod yung katok nya na Parang gusto na pagbuksan sya agad.
Sino bayang makakatok na parang gusto nang sirain ang gate ng bahay namin.

Kahit antok na ako ay pinilit ko padin bumangon para silipin kung sino yon.
Nakakahiya pati sa mga kapitbahay atsaka baka magalit si papa.
Pagbukas ko ng gate ay si Nathan ang una kong nakita lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"My loves bakit dimo sinasagot ang mga texts at tawag ko? Hindi moba alam kanina pa ako nag-aalala sayo kahit nasa trabaho iniisip kita kasi hindi ako sanay na hindi ka nag-a update sakin."

"My loves sorry nakalimutan kong i charge nandito kasi sila kuya kanina kaya nawala sa isip ko."

"My loves naman eh alam mobang pinag-alala mo ako? Sa susunod wag mona ulit gagawin yon."

"Sorry sorry nawala talaga sa isip ko ang dami ko kasing ginagawa kanina tapos nandito nga sila kuya diba? Kumain kana ba? Tara na muna sa loob. "

"Hindi pa nga eh iniisip kasi kita kaya hindi ako makapag concentrate." -Nathan

"Ganon ba? Tara na pumasok na muna tayo sa loob."

Niyaya kona papasok si Nathan, Kawawa naman ang my loves ko hindi pa kumakain naguguilty tuloy ako. Nakalimutan ko kasing i charge ang phone ko.

Pinaupo ko muna sya at inayos yung mga gamit nya at kinuhaan sya ng makakain.

"My loves nandito ang kuya mo kanina?" -Nathan

"Oo at kasama nya si Miles, Dito din sila kumain kanina."

"Sayang diko sila naabutan."

"Hayaan mona marami pa namang next time, kumain kana muna dyan."

Habang kumakain si Nathan ay pinagpapatuloy ko naman ayusin yung mga gamit nya.

"My loves sabayan mo ako kumain."

"Hindi na, Kumain na ako kanina ikaw nalang."

"My loves dito pala ako matutulog ngayon ha? Gusto kita makasama." -Nathan

"Nathan maaga ako bukas wag mo ako kulitin ngayon patulugin mo ako."

"My loves napapansin ko nitong mga nakaraang araw hindi kana masyado nagtetext sakin." -Nathan

"Busy lang ako sa work ang dami kong kailangan tapusin at madami pa akong kailangan matututunan."

"Pwede mo naman aralin paunti unti wa mo masyadong estresen ang sarli mo. Baka nakakalimutan mo may fiancé kana." -Nathan

"Kaya nga ako nagtrabaho para satin din diba? Ayaw ko naman na ikaw lang ang gumagalaw habang ako nakatunganga."

"Masaya nga ako dahil don pero kasi napapansin ko nawawalan kana ng time sakin katulad kanina pinatayan mo ako ng tawag dati naman dika ganon." -Nathan

"Big deal bayon? Nathan naman, sabi ko naman sayo kanina busy ako diba?"

"Busy din ako My loves pero nagawa padin kitang tawagan."

"Ayokong makipagtalo ngayon Nathan maaga pa ako bukas kaya kailangan maayos akong makatulog. Pagkatapos mo dyan palagay nalang sa lababo tapos sumunod ka nalang sa kwarto ko ha? Matutulog nako."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon