DEX'S POV"Dex!! Gising."
Nagising ako sa mala lindol na alog sakin ni Mama. Ganyan talaga sya kahit noong nag-aaral palang ako haha magrarap payan.
"Ma bakit na naman? Maaga pa eh."
"Basta bumangon kana dyan."
"Five minutes lang Ma."
"Anak pinalaki kita ng maayos, Kaya diko akalain na makakagawa ka ng isang kasalanan."
Pipikit pa sana ako kaso nagtaka ako sa sinabi ni Mama, Kasalanan??
"Ma ano bang sinasabi mo? Anong kasalanan?"
"Akala koba Mahal mo si Nathan? Pero bakit??"
"Pinagtitripan moba ako Ma?"
"Mama mo ako kaya pwede mo sakin sabihin ang lahat, Kung nagkaproblema kayo ni Nathan pwede mo akong sabihan."
Lakas ng trip ni Mama noh? Anong problemang pinagsasabi nya.
"Ma diretsohin mona nga ako ano bang pinagsasabi mo??"
"Merong lalaki sa labas, Kanina kapa inaantay at sabi nya sya daw ang Boyfriend mo. Ayoko maniwala pero Boyfriend mo daw talaga sya."
"Ano!!!!!"
Nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni Mama. Bumangon agad ako para puntahan si Raymond alam kong sya ang tinutukoy ni Mama sabi ko na nga ba eh dapat hindi na ako nagpahatid sa kanya.
Paglabas ko ay nakita ko si Raymond na nakaupo at ngiting ngiti ng makita ako.
"Good Morning Mahal."
"Anong ginagawa mo dito??????"
"Diba nga sabi ko sayo hindi ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na maging Boyfriend mo ako."
"Hindi nga pwede, kaya pwede ba umalis kana?"
"Grabe ka naman sakin Mahal papaalisin mo agad ako?"
"At isa pa, wag mo ako matawag tawag na Mahal."
"Eh anong gusto mo? Babe? Love?"
"Ang gusto ko ay umalis kana."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay at hinila palabas ayoko naman aana maging bastos pero pinipilit nya ako.
"Wag kana ulit babalik okay?" Babala ko sa kanya.
"Mahal naman eh."
"Sige na umalis kana bye!"
Sinarhan kona sya ng gate dahil kukulitin lang naman nya ako.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakaabang na sakin si mama alam mo yung parang tumakas ka sa gabi tapos inumaga kana ng uwe haha."Sino Yung lalaki nayon? At bakit nya sinasabing boyfriend mo daw sya? Hiwalay naba kayo ni Nathan? Kabit moba yon?"
"Ma?!?! Ano bang mga tanong yan?? Sasagutin ko yan lahat wait lang."
Bumalik ako sa kwarto ko dahil hindi man lang ako nakapaghilamos dahil sa pagdating ni Raymond.
Pagtapos kong maghilamos ay lumabas agad ako para sagutin ang mga katanungan ni Mama.
"So sino nga ang lalaki nayon?"
"Si Raymond yon. Apo sya ng kliyente namin."
"Oh tapos?"
"Ayon nga, Magulo ang pangyayari nakipag meet lang ako kay Miles non tapos paglabas namin ay bigla nya nalang sinabing Boyfriend ko daw sya."
"Yun lang yon?? Ano sya baliw?"
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...