DEX'S POV
"My loves sino ba kasi yung babae nayon??" takang tanong sakin ni Nathan.
"Wala yon My Loves, Wag mo nalang yon pansinin."
"Kung wala yon eh bakit mo ako hinila palabas?" -Nathan
"Okay, Siya si Andrea. Medyo hindi naging maganda ang una naming pagkikita at ewan koba parang lagi kaming pinagtatagpo at sa tuwing nagkikita naman kami ay ang init ng dugo nya sakin."
"Baka pinagtitripan kalang non My Loves." -Nathan
"Trip? Lakas naman ng Trip nya."
"So pano yan? Saan ang punta natin nito?" -Nathan
Napaisip tuloy agad ako kung saan maganda pumunta, Kaso hindi kasi ako kagala kaya wala ako masyadong alam na lugar.
"My Loves kain nalang tayo."
"Saan naman?" -Nathan
"Basta magmaneho kalang ituturo ko sayo yung daan."
Sumunod naman agad sakin si Nathan, Medyo malayo din yung lugar nayon pero keri lang mas matagal ang byahe mas masaya dahil makakasama ko si My Loves ng matagal.
"Ba't dito mo naisip na kumain eh marami namang mas malapit na kainan?" -Nathan
"Kasi memorable tong lugar nato sakin."
"Pano naman naging memorable?" -Nathan
"Hindi mo bato naalala?"
Kainis tong si Nathan kabata bata pa ulyanin na, Dito nya kaya ako tahasang pinakain ng sandamakmak na pagkain tapos nagsusungit pa sakin.
So ayon na nga sinimulan konang mag kwento dahil baka abutin kami ng hating gabi hindi pa tapos ang kwento ko hahaha char! Iiksian kolang promise.
.........................FLASHBACK........................
"Nathan san ba kasi tayo pupunta? May klase pa kaya tayo. Baka malaman to ni Tita"
"So?" -Nathan
"Anong so? So sowin ko kaya mukha mo dyan, Bigla bigla mo akong hinila palabas tapos sasabihin mo sakin so?"
Minsan talaga may topak din si Nathan eh paiba iba yung nasa utak, Pektusan ko kaya to? Para tumino haha. Gutom na ako nito pero ang hyper padin ng utak ko si Nathan kasi eh yung feeling na kahit may sakit kana tatayo ka talaga kasi nakakainis.
"Pwede ba sumakay ka nalang" -Nathan
Ang yaman talaga nitong si Nathan laging may pang taxi ahaha ako nga jeep lang ang afford ko.
"Ayoko nga"
"Papasok ka o itutulak kita sa loob?" -Nathan
"Syempre papasok! Tinatanong pa ba yon?"
Dali dali akong pumasok sa loob ng taxi at sumunod nadin sya, Kahit kelan talaga tong si Nathan feeling boss! Tapos yung mga gamit namin ay naiwan na naman sa school.
Akala nya may katulong sya!
Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ako at inaalala ang mga nangyari kahapon.
Kamusta na kaya si Mark? Galit kaya sya sakin dahil sa ginawa kong pag amin?
Magkaibigan parin kaya kami?
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...