CHAPTER 44

1.4K 57 7
                                    


DEX'S POV

Pagkatapos naming ayusin ni ate ang mga dapat naming ayusin ay umalis na kami dahil nga daw ay mamimili kami ng susuotin para sa Birthday ng kaisa isang anak ni mrs. Sandoval.

Pagdating namin sa loob ng mall ay naka received agad ako ng tawag mula kay Nathan hindi ko nalang yon pinansin pero di padin sya tumigil.

"Sino bayang tawag ng tawag sayo sagutin mona kaya."

"Si Nathan ate sagutin kolang."

"Sige baka importante yan."

Lumayo ako ng konti kay ate bago sagutin ag tawag ni Nathan.

'oh Nathan ba't ka napatawag?'

'Asan ka ngayon?'

'Kasama ko si Ate ngayon bakit?'

'Asan ka ngayon?'

'Nasa mall sinamahan ko si Ate.'

'Saang mall yan?'

'bakit?'

'Saang mall yan itext mo nalang sakin pupuntahan kita may kailangan tayong pag-usapan.'

Sasagot pa sana ako pero pinatayan nako ni Nathan. Hindi ko alam kung anong meron pero kinakabahan ako para kasing galit sya eh.

"Ano daw sabi?"

"Wala naman, Nagtanong lang kung nasan ako."

Habang namimili kami ni ate nb susuotin ay lutang ako kasi iniisip ko si Nathan kung bakit ganon ang pananalita at kung anong pag-uusapan namin.

Siguro mga almost 1hr pa bago nakadating si Nathan pero hindi maganda ang bungad nya sakin na ikinataka ko hindi man lang nya ako binati oh kahit na si ate.

Bigla nya nalang hinawakan ang kamay ko at hinila naiwan tuloy namin si ate.

Dinala ako ni Nathan sa parteng wala masyadong tao.

"Nathan ano ba nasasaktan ako."

Diko alam kung anong meron pero itong si Nathan bigla nalang ako hinila at parang gusto pang manakit.

"Isang tanong isang sagot may lalaki kaba?"

Kita sa mga mata ni Nathan yung galit. Ako naman ay kinabahan hindi dahil sa tanong nya kundi dahil sa reaksyon nya.

"Ha? Saan naman galing yang tanong nayan?"

"My loves yung tanong ko ang sagutin mo!"

Medyo tumataas na yung boses ni Nathan mabuti nalang at walang tao sa pinagdalhan nya sakin.

"Wait lang ha? Bakit mo naman na tanong yan?"

"May lalaki kaba o wala?!"

"Wala!"

Napataas nadin ang boses ko kasi hindi naman totoo yung sinasabi nya at ayoko sa lahat yung pinagdududahan ako.

"My loves magsabi ka sakin ng totoo kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nalaman kong may iba ka."

"Sino ba kasi ang nagsabi sayo nyan? At pano mo naman na isip namay lalaki ako?"

"May nagsabi sakin at may ibedensya sya nakita ko namay kayakap kang lalaki at sumakay kapa sa sasakyan nya."

"Ano??? Wala akong lalaki okay."

Ako may kasamang lalaki??


Wait....... Si Raymond lang naman ang buntot ng buntot sakin pero hindi ko sya lalaki at sino naman ang nagsumbong kay Nathan.

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon