CHAPTER 31

1.6K 55 0
                                    


MILE'S POV

"Samuel bakit ka nga pala nagpunta dito? May napag usapan ba tayo na aalis tayo?"

"Wala naman, Gusto lang kita puntahan kasi may gusto akong sabihin sayo."

"Ano naman?"

Nakakatense naman tong si Samuel parang kinakabahan ako sa sasabihin nya.

"Diko alam kung saan at pano ko uumpisahan pero simula kasi nang nakita kita, Parang nasabi ko sa sarili ko na itong Babaeng ito ang gusto ko.  Pero syempre natotorpe pa ako non, Akala ko nga hindi na kita makikita pero sadyang tadhana na ang naglalapit sating dalawa akalain mo yon kaibigan kapa ng kapatid ko."

Habang nagsasalita si Samuel ay grabe na yung pintig ng puso ko.

Alam kona kung saan papunta itong usapan nato pero kailangan kopa din maging kalmado.

"Ah eh Samuel? Ano ba ang ibig mong sabihin? Pwede ba diretsahin mona ako."

"Kaya ako pumunta dito ay dahil gusto kong sabihin sayo ng personal na gusto kitang ligawan."

Pagkasabi palang nya ng salitang LIGAWAN ay parang gusto konang sumigaw sa sobrang tuwa at gusto kong maglumpasay sa sobrang kilig.
Totoo ba talaga ang mga sinabi nya?


Hindi ba ako nabibingi????


"Seryoso kaba Samuel?"

"Oo Miles seryoso ako sayo."

"Baka naguguluhan kalang."

"Seryoso ako Miles, Kaya nga ko nga sinasabi sayo to personally at kung gusto mo magpapaalam pa ako sa Parents mo. Ayaw moba?"

"Hindi naman sa ayaw ko kaya lang yung mundo natin magkaiba, Mayaman ka habang ako eto isang simpleng Babae lang."

"Eh ano? Wala naman sa estado ng Pamumuhay yan, Nasa nagmamahalan yan. At kung iniisip ang Pamilya ko?  Wag kang mag-alala Mababait sila."

"Pero si Andrea?" Bigla kong sabi sa kanya.

Hindi pa man nagsasabi sakin si Samuel na liligawan nya ako ay ang init na ng dugo sakin ng Babaeng bruha nayon. Pano pa kaya kapag naging kami na ng kuya nya? Ed rambulan na to char!! Haha

"Akong bahala kay Andrea. Ano payag kana?"

Kunwari nag-isip ako (Kunwari lang talaga haha) tapos tumango.

"Silence means Yes." Sabi ni Samuel at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Samuel pumapayag palang ako na ligawan mo ako hindi pa kita sinasagot."

Napabitaw naman sya dahil sa sinabi ko.

"Sorry natuwa lang ako."

"Ayos lang."

My Gosh!  Parang panaginip lang ang lahat ng ito.

"Sabihin naba natin sa Parents mo?"
Tumayo si Samuel pero pinigilan mo sya.

"Samuel sandali lang."

"Bakit may problema ba?"

"Wala naman, Kinakabahan lang kasi ako."

"Wag kang kabahan nandito lang ako, Ako ang bahala sayo."

Hinawakan ni Samuel ang kamay ko pagkatapos ay lumabas na kami. Kinakabahan talaga ako sa gagawin nya Parang masasakal ata nila Mama at Papa.
Tamang tama nanonood sila ng balita.

"Ma? Pa may sasabihin po kami sa inyo."

"Ano? Na Boyfriend mo sya? Ayos lang yun Miles basta siguraduhin molang na hindi ka papaiyakin ng lalaki nayan at napag-usapan na namin ng Papa mo ang tungkol dyan."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon