DEX'S POV"Caliv anak???"
Lumapit agad sakin si Mrs. Montes at niyakap ako ng mahigpit, pero saglit lang yon dahil kumawala agad ako sa yakap nya.
Nagpatulong nga pala ako kay Miguel para malaman kung saan ko makakausap si Mrs. Montes.
"Ma'am hindi po ako nagpunta dito para sumama sa inyo nandito ako dahil may gusto lang po sana ako ipakausap"
"At ano naman yon?"
"Ako naman po ang kailangan nyo diba? Ako naman ba ang gusto nyo diba? Nakikiusap po ako bilang anak nyo. Pakawalan nyo napo ang Nanay ko."
Kung kinakailangan lumuhod ako sa harap nya at halikan ang mga paa nya gagawin ko basta makalaya lang nanay ko.
"Sige pumapayag na ako, Pero sa isang kundisyon." - Mrs. Montes
"Ano pong kundisyon??"
"Lalayo ka na sa Pamilyang yon, Hindi kana makikipag kita o Lalapit sa kanila. kailanman." - Mrs. Montes
Parang ito na ata ang pinakamahirap na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko. Yung Pamilyang kinalakihan ko? Yung Pamilyang Minahal ko, Iiwanan at lalayuan ko nalang?????
"Hindi kopo kaya yang pinapagawa nyo, Pamilya ko pa din sila."
"Kami ang totoo mong Pamilya hindi sila at ako ang mommy mo. Pero kung hindi mo gagawin yon, Mabubulok sa kulungan ang Nanay mo na nagpalaki sayo, Gusto mo ba yon??" - Mrs. Montes
Gusto kong umiyak sa harap nya pero hindi ko magawa dahil gusto kong maging matapang para sa Pamilya ko at ayokong magpakita ng kahit na anumang kahinaan.
Mahal ko ang mga Magulang ko at ayaw kong silang iwan, Pero mas hindi ko maaatim kung makukulong ang Mama ko. Pano nalang si Papa at Kyline kung wala si Mama.
"Sige po, Pumapayag napo ako. Pero may isa po akong gustong mangyari."
"Sige ano bayon?" - Mrs. Montes
"Gusto kolang po makita ang Mama ko sa huling pagkakataon. Pagkatapos non hindi na ako makikipag kita sa kanila."
"Hindi naman ako masamang tao kaya papayagan kita, Pero sasama ako." - Mrs. Montes
Kahit isakripisyo kopa ang sarili kong kasiyahan ay gagawin ko basta masiguro kolang na maayos ang Pamilya ko bago ako umalis.
Marivick's Pov
Ayoko na dito sa kulungan nato, Gusto konang lumabas. Gusto konang makita ang Asawa't mga Anak ko, Lalong lalo na kay Dex dahil gusto kong magsorry sa kanya sa lahat ng kasinungalingan na nagawa ko.
"Mrs. Vasquez Laya napo kayo."
Napatayo agad ako nang marinig ang sinabi ng Police binuksan nya ang Selda at lumabas agad ako. Parang kahapon lang sinabi ng abogado ni Ate Emman na mahihirapan ako makalabas dahil malakas ang ebidensya laban sakin, Pano nangyari yon?
"Mamang Police sino po ang nagpyansa sakin? abswelto napo ba ako?"
"Inurong na ni Mrs. Montes ang kaso nya laban sayo. Pasalamat ka naawa pa sya dahil kung hindi mabubulok kana dito." Sagot nya sakin at pagkatapos non ay umalis nadin.
Totoo bang inurong na nya ang kaso?
Pero bakit???"Masarap ba sa loob ng bilangguan? Magnanakaw ng anak." - Aurora
Napalingon agad ako sa babaeng nagsalita.
"Totoo bang inurong mona ang kaso? Anong dahilan?"
"Wag kana maraming tanong, Dapat nga magpasalamat kapa eh dahil kung ako lang? Hindi hindi kona hahayaan na makalaya kapa." -Aurora
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...