CHAPTER 19

1.5K 54 2
                                    


ANDREA'S POV

Kasalanan kobang nalunod sya?

Eh in the first place hindi nya naman sinabi sakin na Hindi sya marunong lumangoy.

Siguro plano nya to, Para magmukha na naman syang kawawa at palabasin na ako ang may kasalanan.

"Andrea magsabi ka nga sakin ng totoo, Aksidente lang ba talaga ang nangyari kay Dex? Alam kong may galit ka sa kanya, Pero kailangan bang umabot pa sa ganito? Muntik monang mapatay ang sarili mong kapatid."

"Kapatid? Hindi ko sya kapatid at kahit kailan hinding hindi ko sya ituturing na kapatid."

"Kapatid mo sya, Siya si Caliv Montes."

"Hindi sya si Caliv, Dahil matagal ng patay si Caliv. Matagal kona syang pinatay sa isip at puso ko!"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko hindi ko akalain na gagawin sakin yon ni Mommy.

"Anong nangyayari sayo Andrea? Sarili mong kapatid gusto mo mawala? Ganyan ba kita pinalaki?"

"Oo na! Ako na ang masama sa Pamilyang to! Ako na ang palaging mali! At si Dex nayan ang laging Tama, Kasi sya naman talaga ang Paborito mo diba? Saming tatlo sya lang Mahal mo!"

Hindi kona napigilan ang sarili ko na ilabas ang sama ng loob, Ilang years kodin kinimkim to and finally nailabas kodin.

"Hindi totoo yan, Pantay-pantay lang pag-mamahal ko sa inyo pare-pareho ko kayong mga anak. Siguro minsan napapagalitan kita kasi mali na ang mga ginagawa mo, Pero kaya ko yon ginagawa kasi Mahal kita at gusto kong itama ang mga mali mo."

"Kaya ako nagkaganito kasi pinaramdam nyo sakin ni Daddy na kahit anong gawin ko laging may kulang na hindi ako enough na pasayahin kayo kasi nga sinisisi nyo ako kung bakit nawala ang pinakamamahal nyong anak!"

"That's not true, You're more than enough. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo kayo ng kuya be mo, kayong tatlo."

Gusto kong maniwala sa mga sinasabi ni Mommy pero may part sa isip ko na sinasabi na kaya lang nya to ginagawa ay para hindi ako magalit.

"To end this fight, Aalis nalang ako. Dahil hanggat isa samin ni Dex ang nandito at palaging nagkukrus ang landas namin ay hindi matatahimik ang Pamilyang ito."

"Hindi mo kailangan gawin to Andrea, Pwede pa naman nating ayusin to."

Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit at nagsimula nading pumatak ang mga luha sa mata ko.

"Sige Mommy mamili ka, Ako ang aalis o papaalisin natin si Dex???"

Napabitaw si Mommy sakin at tumingin sa mga mata ko at parang gusto nyang sabihin na bakit?, Bakit ko kailangang mamili.

"Ako napo ang aalis, Tutal nagsimula lang naman ang gulo sa Pamilyang ito nang dumating ako, Kaya ako nalang po ang aalis."

Napalingon kami bigla sa pinanggalingan nang boses, Si Dex gising na pala.


DEX'S POV

Nagising nalang ako nang maramdaman kong may nakapatong na mabigat sakin, Pag-tingin ko ay si Nathan pala.

Hinimas ko yung buhok nya at nagising agad naman sya.

"My Loves??  Gising kana? Okay kana ba? Wala bang masakit sayo?"

"Oo My Loves okay na ako."

"Ano ba kasi nangyari? Nag-away ba kayo ng ate mo? Tinulak kaba nya?"

Biglang bumalik sa isip ko yung nangyari kanina, Nalunod ako kasi tinulak ako ni Andrea. Pero hindi naman nya alam na hindi ako marunong lumangoy, Siguro kung alam nya ang tungkol don hindi nya ako itutulak.

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon