DEX'S POVSa Condo na ako ni Andrew nagpalipas ng gabi pero nagpaalam din naman ako sa kanya agad kinabukasan, Nakakahiya naman kasi kung magsstay pa ako ng matagal.
"Andrew salamat pala sa pagpapatuloy mo sakin."
"Wala yon masaya nga ako na nakatulong ako sa iba. Pero kung kailangan mo ng makakausap o matutuluyan tawagan mo lang ako. here's my calling card."
Inabot sakin ni Andrew yung calling card nya kineme tapos non ay umalis na ako. Mabait naman pala talaga sya ako lang to ang masyado ang iniisip, pagkamalan koba namang sindikato hahaha. Tama nga ang kasabihan never judge a book by it's cover.
Sa totoo lang hindi ko alam kung uuwe ako o magliliwaliw muna sobrang dami nang messages ang natanggap ko mula kay Nathan at sa pamilya ko pero ayaw ko silang replyan.
Paglabas ko sa Condo ni Andrew ay naghanap agad ng masasakyan kaso ang problema wala pala akong dalang cash pinambayad kona pala lahat don sa taxi.
Dahil sa wala akong pera ay naglakad nalang ako sa initan, Bahala na si Batman kung saan ako makarating.
"Kuya pahingi po ng pambiling pagkain, Nagugutom napo kasi ako."
Lumapit sakin yung dalawang bata habang hawak hawak yung kanilang mga tiyan. Naawa tuloy ako bigla kasi sobrang hirap ang magutom dahil mahihirapan kang gawin yung mga dapat na kailangan dahil wala kang lakas.
Kaya lang naalala ko ulit wala pala akong Cash, Anong gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng iwan nalang tong mga bata nato.
"Ah eh mga be tara sama nalang kayo sakin papakainin ko kayo."
"Talaga po??? Salamat po." Kita ko sa mga mata nila yung saya ng malaman nilang makakakain sila.
Humanap agad kami ng pinaka malapit na kainan. At may nadaanan kami na isang maliit na Canteen.
Nag-order agad ako ng makakain ng dalawang bata, Dahil alam kong nagugutom na sila.Nang maihain na ang pagkain ay agad nila itong nilantakan na parang hindi sila nakakain ng ilang araw.
"Dahan dahan lang mga bata baka mabulunan kayo."
"Sorry po, Gutom na gutom lang po talaga kami."
"Sige lang kumain kayo ng madami"
Sobrang nakakaawa silang tingnan. Nakakalungkot lang na isipin na habang yung iba nagpapakasasa sa kanilang mga yaman ay may mga taong nagugutom at walang makain.
"Salamat po, Nabusog po kami." Sabay nilang sabi sakin makatapos silang kumain.
"Walang anuman."
Lumapit na ako sa medyo matandang babae para malaman kung magkano ang babayaran ko.
"Ate magkano po lahat?"
"165 lang po" sagot nya sakin.
"Tumatanggap po ba kayo ng Card? Naubusan napo kasi ako ng Cash eh."
"Nako hindi po, Maliit na karindirya lang po ito. Cash lang po ang pwede."
Paktay tayo dyan mukha pa naman syang masungit. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh naawa lang talaga ako sa mga bata hindi ko naman silan pwedeng basta basta iwan.
"Ate pwede po ba balikan ko nalang? Mag wiwithdraw lang po ako."
"Nako hindi po pwede mamaya hindi na kayo bumalik alam nyo naman na karindirya ang kinainan nyo tapos magtatanong kayo kung pwede ang Card, bayaran nyo nalang po ang lahat ng inorder nyo."
Hala nagsungit na sya. Anong gagawin ko eh wala naman akong dalang Cash.
"Manang ako napo ang magbabayad."
Napalingon agad ako sa lalaking nagsalita.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...