DEX'S POV"Uii be pahingi ako."
Biglang kinuha ni Miles yung isang manggang babalatan ko.
"Akin yan, kumuha ka nalang nang sayo."
"Ay ano buntis Lang? Naglilihi? Ang dami kaya nyan dimo mauubos yan."
"Mauubos ko kaya."
"Isa lang naman, grabe ka." -Miles
"Oo na sige na umalis kana."
Pinaalis ko muna si Miles dahil baka kumuha pasya at wala nang matira sakin haha.
"Hi Dex? Mukhang masarap yan ha? Saan galing yan?" -Jasmine
"Sa puno, Haha charot! Kinuha ko to kanina may nadaanan kasi kaming puno ng mangga."
"Ikaw ang kumuha?" Takang tanong ni Jasmine sakin.
"Oo, Alam mo naman si Nathan laking mayaman kaya di marunong umakyat. Hagdan lang kaya nya haha."
"Sana maulit ulit tong bonding natin nato." -Jasmine
"Oo nga eh, Parang bumalik ulit ako sa pagkabata."
"Sinabi mopa, Lalo na si Miles at Dave nako baka sila magkatuluyan." -Jasmine
Para sakin kahit sino ang makatuluyan ni Miles, Pero syempre gusto ko yung mamahalin at ipagtanggol din sya.
Mabait naman si Dave madalas nga lang mapang-asar at si Kuya Sam naman masyadong tahimik nako baka maunahan pa sya.
"Kamusta na pala si Ana? Wala na kasi akong balita sa kanya." Pag-iibako sa usapan.
"Ayon busy sa work, pero sabi nya uuwe din sya dito." -jasmine
"Sabihin mo ako kapag nakabalik na sya para naman madalaw namin sya ni Nathan."
"Sige sasabihin ko sa kanya."
////
Kinagabihan ay nagkakayaan silang mag-inom dahil bukas ng tanghali ay uuwe na kami, Hindi kasi kami pwede magtagal lahat dahil meron pang trabaho ang iba at sila Mark at Tyrone may mga anak na dapat balikan.
"Dex tagay ka kahit Isa lang." Pangtutukso ni Dave sakin.
"Hoy wag mo nga turuan ang kaibigan ko nang mga kasamaan mo." Sabat ni Miles
"Inggit kalang kasi walang nag-aaya sayo." -Dave
"Ayan na naman kayong dalawa, Salamat nalang Dave pero ayaw ko talaga."
Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas para magpahangin pag dating ko sa labas ay Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig na ihip ng hangin.
"Ang lamig dito noh?"
"Oh Dan? Bakit lumabas ka?"
"Wala kasi akong gana uminom." -Dan
"Ganon ba?"
Hindi ko talaga alam kung paano kakausapin si Dan ng maayos, Medyo naiilang padin ako sa kanya.
"Kamusta naman ang pagiging Montes mo?" -Dan
"Masaya dahil nakilala kona yung totoo kong Pamilya, Pero ang hirap pala noh? Yung sa tagal ng panahon na wala ka, nasanay sila na sila-sila lang ang magkakasama."
"Bakit hindi kaba nila Tanggap?" -Dan
"Tanggap naman, kaya lang ang hirap makibagay kasi iba yung klase ng pamumuhay na meron sila."
"Nabalitaan ko pala yung nangyaring gulo sa Birthday ni Tita aurora." -Dan
"Yun ba? Wala yon, Medyo hindi lang kami nagkaintindihan ni Andrea."
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...