DEX'S POV"Wow mukhang ready na talaga ang mga anak ko ha."
Masayang sabi samin ni Ate. Dahil nga sa hindi kona sya nasamahan ay binilhan nya nalang ako mabuti nalang at magaling sya mamili.
"Mommy okay lang ba suot ko?"
"Oo naman Dex."
"Ako ang pumili nyan." Sabat ni ate.
"Ay haha salamat ate pasensya kana pala hindi kita nasamahan."
"Okay Lang."
"Isama nyo kaya ang kuya nyo para may escort kayo."
"Nako mommy si kuya? Di sasama yon mas gugustuhin nya pang matulog."
"Oh sya sige na mag-ayos na kayo baka mahuli pa kayo."
Nagpahatid kami ni ate sa driver dahil hindi talaga namin napilit si kuya na sumama pag dating namin sa venue ay ang daming tao lahat ang gaganda ng suot. Humawak ako kay ate dahil medyo nanliliit ako.
"May problema ba?"
"Ah eh naiilang ako."
"Masasanay kadin at sanayin mo nadin ang sarili mo sa mga bagay na tulad nito dahil ganito sa mundong Ginagalawan natin."
Habang nag-uusap kami ni ate ay dumating yung daddy ni Raymond.
"Dex?"
"Ah hello po? Happy birthday po pala."
"Thank you."
"I am Andrea Montes. Happy birthday din po."
"Magkapatid pala kayo?"
Tumango nalang ako sa kanya.
"Buti pumunta ka, Ano pumapayag kana ba sa napagkasunduan natin?"
"Ah sir? Pasensya napo pero hindi po talaga pwede eh."
"Oh mukhang hindi talaga kita mapipilit pero since nandito kana welcome to my party."
"Thank you po pala sa pag invite."
"Always welcome Mr. Montes"
Pag katapos non ay iniwan na nya kami ni Ate.
"Anong sinasabi nya?"
"Ah wala yon ate tara na hanap na tayo ng pwesto."
Umupo nalang kami ni Ate at inantay mag-umpisa ang party. Ganito talaga pag mayaman bongga ang handaan pati venue haha.
Pinagmasdan ko ang paligid lahat nag eenjoy ako lang ata hindi haha.
Mayamaya ay umakyat na sa stage yung daddy ni Raymond at may kasamang babae asawa nya ata nandon din si Raymond pati lola nya.Nag speech pa sila tapos binati nila yung daddy ni Raymond bigla ko tuloy naalala ang papa ko sa birthday nya ay paghahandaan ko din.
Pero sa lahat ng sinabi nila ito ang guminbal sakin."Gusto ko din pala ipakilala sa inyo ang pinakamamahal ng anak ko walang iba kundi si Dex Montes."
Tumuro sakin yung Daddy ni Raymond at natuon sakin ang atensyon ng lahat.
Yung iba nagulat at nagbubulungan.
Bumaba si Raymond at lumapit sakin ako naman ay gulat na gulat sa nangyayari."Dex please wag mo ako ipahiya ngayon."
Inabot ni Raymond yung kamay nya pero nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko yon, lumingon muna ako kay Ate pero hinawakan na ni Raymond ang kamay ko at sinama paakyat sa stage.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...