DEX'S POV'Oh ba't napatawag ka?'
'Yan talaga ang bungad mo sakin my loves? Dimo man lang ako kakamustahin?'
'Magkasama lang tayo kahapon diba? Bakit ka nga napatawag?'
'Yayayain sana kita mag date mamaya.'
'Di ako pwede ngayon sorry, Marami pa akong kailangan tapusin.'
'My loves naman eh di na nga tayo masyado nagkakasama simula nang pumasok ka dyan nawawalan kana ng time sakin.'
'My loves? Syempre trabaho to. Yung date nayan pwede naman nating gawin sa ibang araw wag lang ngayon.'
'Hindi natin pwede gawin to sa ibang araw'
'Bakit naman???' takang tanong ko sa kanya.
'Basta dadaanan kita dyan sa inyo mamaya.'
'Pero Nathan---???'
Hindi kona natapos ang sasabihin ko kasi pinatayan na nya ako. Loko talaga tong lalaki nato eh alam nya naman na busy ako tapos isisingit nya pa yung gusto nya. Hindi ba mahigpit sa trabaho nya at mayat maya sya tawag ng tawag sakin.
Hayss bahala na nga sya.
"O bakit mukhang stress kana naman?" Tanong sakin ni Mama.
"Si Nathan kasi Ma, Alam naman nyang busy ako tapos yayayain ako makipag date."
"Oh ano naman? Boyfriend mo naman sya anong masama don?"
"Ma? Ang dami ko kasing ginagawa."
"Makinig ka sakin Dex ayokong maging dahilan to ng pag-aaway nyong dalawa. Natural lang Yan habang nagmamature ang isang tao mas nahahati yung oras nya sa maraming bagay pero isipin mo din na hindi ka naman siguro papasok sa ganoong sitwasyon kung hindi mo kayang i handle diba?" -Mama
Madalas man kaming mag-asaran ni Mama pero sa mga ganitong sitwasyon maaasahan ko ang mga salita nya.
"Salamat Ma."
"Sige na tapusin mona yan kung ano man ang ginagawa mo at pupuntahan kolang ang kapatid mo. Pero pag-isipan mo ang mga sinabi ko sayo."
Ngiti lang ang sinagot ko kay Mama at pagkatapos ay pinagpatuloy kona ang ginagawa ko.
MILE'S POV
"Anak baka naman isuko mo agad ang perlas mo ha?"
"Ma naman! Diko pa nga sinasagot si Samuel eh, atsaka wala naman akong balak isuko ang perlas ko haha."
"Nagpapaalala lang ako. Kailan moba kasi balak sagutin yang si Samuel? Mukhang seryoso naman sya sayo atsaka mabait na bata naman sya."
Simula kasi ng magpaalam si Samuel na liligawan nya ako ay madalas na sya dito sa bahay.
Minsan nga naaawa ako sa kanya kasi alam mo yung hindi sya sanay sa klase ng pamumuhay na meron kami, Hindi ko naman sya masisisi kasi galing sya sa mayaman na Pamilya. Pero natutuwa ako kasi nakikita ko talaga yung kagustuhan nya na mapalapit sa mga magulang ko at maranasan ang buhay na meron kami.
"Ma, Alis napo ako."
"Sige ingat ka."
May lakad kami ngayon ni Samuel at ngayon araw nadin nato ay balak kona syang sagutin.
Oo sasagutin kona sya kasi kahit sa maikling panahon ay nakita ko ang determinasyon nya at totoong pagmamahal nya sakin.
"Miles ano palang gusto mong sabihin sakin. Mukhang napaka importante." Tanong nya sakin ng magkita kami.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...