DEX'S POVPagkatapos ng nangyari ay nagkulong lag ako sa kwarto ko ayaw kong makita nila Mama at Papa lalo ni kyline ang sakit na nararamdaman ko.
Kaya mas mabuti pang ganito nalang kaya lang mukhang napansin nila Mama na parang hindi ako okay."Ma gusto ko muna mapag-isa."
Wala akong kasalanan
Wala akong niloko
Ang mali kolang ay hindi man lang pinigilan sila Raymond na ipakilala ako.
Alam kong mali ako, maraming beses na pwede akong magsalita pero naging tikom ang bibig ko.
"Sige anak, Pero nandito lang kami ng Papa mo ha? Kung kailangan mo ng makakausap."
Bumalik na naman ako sa panahon na tanging ang unan kolang ang nakakaramdam ng sakit, Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Kahit anong tawag at text ko kay Nathan ay hindi nya ako sinasagot.
MARK'S POV
Sobra talaga ang kaba ko dahil sa naging panaginip ko feeling ko talaga may hindi magandang nangyari kay Dex at wag naman sana mangyari yon.
Nandito nako sa tapat ng bahay nila at handa ng kumatok.
"Mark?"
"Miles?"
"Anong ginagawa mo dito Mark?"
"Bibisitahin kolang sana si Dex tagal kona din kasi hindi nadadalaw ang kaibigan natin. Ikaw?"
"Dadalawin ko din sya kasi nag text sakin si Tita at ayaw daw lumabas ng kwarto ni Dex ni hindi nga daw kumakain."
"Ano???!"
Gulat kong sagot sa kanya.
"Oo kaya nga ako nandito eh."
Hindi nako nagdalawang isip at agad ko kinatok ang gate nila Dex at pinagbuksan naman kami agad ng Papa nya.
"Magandang araw po tito, Si Dex po?"
"Nasa kwarto nya. Ayaw nga magpapasok eh nag-aalala na nga kami ng mama nya sa kanya."
"Ano po bang nangyari?"
"Hindi rin namin alam, Ayaw nyang magsalita samin ang sabi nya gusto nyang mapag-isa."
"Si Nathan po alam po ba nya ang nangyayari kay Dex????"
"Mas mabuti pa siguro na kay Dex ka nalang magtanong dahil sya ang nakakaalam ng lahat."
Tumango nalang ako at pumasok na kami ni Miles sa loob ng bahay nila at agad na dumiretso sa tapat ng kwarto nya.
Agad akong kumatok at nakailang katok ako bago sya nagsalita.
"Gusto ko muna mapag-isa Ma? "
"Dex si Mark to at kasama ko din si Miles."
"Anong ginagawa nyo dito????"
"Pumunta kami dito kasi nag-aalala na kami sayo."
Ilang segundo lang kami naghintay at binuksan nadin ni Dex ang pintuan ng kwarto nya.
Sobrang namamaga ang mata nya at ang gulo gulo ng buhok nya kahit yung suot nya kusot kusot nadin.
Lumapit agad si Miles sa kanya at niyakap sya."Dex anong nangyari sayo????"
"Eto ang sakit sobrang sakit"
Humawak si Dex sa dibdib nya at tumulo ang luha sa mga mata nya. Sa nakita kong itsura ni DEX ay nasaktan din ako hindi kopa alam ang totoong mangyari pero alam kong may kinalaman si Nathan dito.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...