Nagulat din si Alex nang makita na nakatayo sa tabi ng kanyang motorsiklo si Jacel, hindi niya inakala na uuwi ito sa bahay nito sa Sna Vicente. At nagpasabi na rin kasi ito na hindi ito uuwi. Kaya nagulat siya ng makita ito.
Agad na binitiwan ni Alex ang kamay ni Summer na hawak niya at masayang lumapit sa kanyang girlfriend na malapad ang pagkakangiti ng makita siya.
“Surprised?!” ang masayang tanong nito sabay yakap at halik sa mga labi ni Alex.
“I am” ang masayang sagot ni Alex, “akala ko hindi ka uuwi sa inyo?” ang tanong ni Alex.
“I wanted to surprise you, na late lang ako ng uwi kasi late na ako nasundo ni daddy, dumiretso ako sa inyo at sabi ng mama mo na nag test drive ka, and someone saw you na papunta ka nga rito kaya itinuro ka” ang sagot ni Jacel, sabay tingin nito sa bandang likuran ni Alex sa direksyon ni Summer na nanatiling nakatayo sa may pinto ng parola.
Napansin ni Alex kung saan nakatingin si Jacel, lumingon siya kay Summer at tinawag niya si Summer na para bang napako sa pagkakatayo nito.Tiningnan ni Summer si Alex na masayang lumapit sa girlfriend nito, pinagmasdan niya kung paano ito sinalubong ng mahigpit na yakap at halik sa mga labi si Alex. At isang kirot sa kanyang dibdib ang kanyang maramdaman.
Nakita niya na tumingin sa kanya ang girlfriend nito kasunod ang paglingon ni Alex, saka niya narinig ang malakas na pagtawag ni Alex ng kanyang pangalan at sinenyasan siya nito na lumapit sa kanila.
Nag-aalangan man ay lumapit siya sa mga ito, kahit pa nanlalamig ang mga kamay niya sa kadahilanan na hindi niya mawari. O, baka natatakot siya na baka mahalata ng girlfriend ni Alex na may gusto siya sa boyfriend nito.
Pagkalapit niya sa mga ito ay inilapat ni Alex ang kamay nito sa kanyang balikat, at bahagya siyang nahiya sa ginawa nito.
“Jacel, ipakikilala ko sa iyo ang kaibigan kong si Summer, anak siya ni nanay Ising, Summer si Jacel girlfriend ko” ang sabi nito.
Kumaway ito sa kanya at binati siya, “hello Summer, kilala namin si nanay Ising, sa kanya kami kumukuha ng mga kakanin sa pasalubong na tindahan namin” ang sabi sa kanya nito.
“Salamat kung ganun, at natutuwa akong makilala ka” ang nahihiyang sagot ni Summer, mas maganda pala ito sa malapitan. Napakakinis ng maputing balat nito, may pagkasingkit ang mga mata nito, matangakad ito at mahaba ang diretso nitong buhok pero sa tingin niya ay sobrang lambot nito dahil napakakintab ng buhok nito. Siya? Hindi na lang niya isipin, ang sabi ni Summer sa sarili.
“Paano ka nakapunta? Ginamit mo ba ang kotse ninyo?” ang tanong ni Alex.
“Hindi, nag tricycle lang ako, alam ko kasi na bibilhan ka ng mama mo ng motor, sikreto namin sa iyo, eh akala ko maaabutan kita sa bahay ninyo” ang sagot nito, “tara itest drive na natin yan, hanggang sa San Vicente, ihatid mo ako sa amin, may pasalubong ako sa iyo nasa kwarto ko” ang malambing na sabi ni Jacel kay Alex at yumakap pa ito.
“Ahm” ang sabi ni Alex sabay tingin kay Summer.
“Okey lang ako Alex, sige na, magtatagal pa ako rito ng kaunti, enjoy kayong dalawa, nice meeting you Jacel” ang sabi ni Summer saka siya tumalikod at muling naglakad pabalik sa loob ng lighthouse. Hihintayin na muna niyang makaalis ang mga ito bago siya aalis. Hindi na niya nakita ang paghabol ng tingin sa kanya ni Alex, na nakadama ng kirot sa dibdib. Dama niya na nabalewala niya si Summer nang mga sandaling iyun.Nadinig ni Summer ang tunog ng papaalis na motorsiklo at ang malakas na hiyaw ni Jacel kasunod ang malakas na tawa ni Alex.
Tumanaw siya muli sa kalayuan, sa malawak na dagat. Isang kabaliwan, isang kabaliwan ang umasa na magkakagusto sa kanya ang katulad ni Alex.
Napaka ganda ng girlfriend nito at halatang mahal nila ang isa’t isa. At hindi lang yun, bagay na bagay sila hindi lang sa hitsura kundi ganun na rin sa katayuan sa buhay.
Hindi niya namalayan na may pumatak na pala na luha sa kanyang mga mata, sa mga sandali na iyun kasi ay nakaramdam siya ng panliliit at awa sa sarili. Para siyang namamalimos ng atensyon ni Alex. Nagpapakatanga na ba siya? Hindi naman niya masisi si Alex dahil simula pa lang naman ay alam na niyang may girlfriend na ito at nagpahiwatig na ito na hindi siya nito magugustuhan, ang sabi niya sa sarili.
Pinahid niya ang luha sa mata at pisngi, huminga siya ng malalim at matunog niya iyung ibinuga sa bibig. Nagpasya na siyang bumaba ng lighthouse at bagtasin ang daan pababa, pero bago pa siyang tuluyan maglakad patungo sa sementadong kalsada at dumaan muna siya sa puno ng narra. Saglit niya itong binati, at nang umihip na ang hangin at gumalaw ang mga dahon nito ay mabilis na niyang binagtas ang madamong daan patungo sa kalsada.
Ilang minuto rin siyang naglakad, at pilit niyang binubura sa isipan ang ang mga nakita niya kanina. Siguro, dapat ay lumugar na ang kanyang damdamin. Paulit-ulit naman na sinabi sa kanya ni Alex na isang batang kaibigan lang ang turing nito sa kanya at mukhang kahit kailan ay di siya makikita nito bilang isang dalaga na nagmamahal sa rito ng totoo.
Kung natuturuan lang sana ang puso na wag magmahal at magmahal ng iba, baka ginawa na niya ng mga sandaling iyun, ang sabi ni Summer sa sarili. Ilang sandali pa ay natanaw na ni Summer ang kanilang bahay, at kumunot ang kanyang kilay nang may makita siyang isang motorsiklo na nakaparada sa harap ng kanilang bahay. Hindi iyun motor ni Alex dahil itim ang kay Alex, ang nasa harapan ng bahay nila ay kulay pula.
Habang naglalakad siya papalapit ay unti-unti na niyang naririnig ang malakas na boses ng kanyang kaibigan na si Clarissa. May motor na si Clarissa? Ang takang tanong niya sa sarili. Pero may isa pang boses siyang naririnig, at nang makalapit na siya ng husto at pagpasok niya sa bakuran ng bahay nila ay nakita na niya kung sino ang naghihintay sa kanya na nakaupo sa mahabang upuan nila sa ilalim ng punong mangga. Naroon sina Clarissa at Christian Espinosa. Hindi makapaniwala si Summer, naghihintay sa kanya ang mga ito? Ang tanong niya sa sarili.
“Summer?!” ang malakas na tawag ni Clarissa habang naglalakad siya papalapit, nakita naman niya si Christian na tumayo sa pagkakaupo nito nang makita siyang papalapit.
Ang gwapo talaga ni Christian, lalong lumitaw ang puti nito sa suot na kulay itim na shirt at gray na maong shorts. Hindi nakagel ang buhok nito ngayon kaya medyo bumabagsag ang buhok nito sa noo kaya lalong nadagdagan ang cuteness nito.
“O anong ginagawa nyo rito?” ang masayang tanong niya.
“Obvious ba hinihintay ka namin, tinawagan ako ni Christian sabi na papunta siya rito sa atin kaya hinintay ko siya” ang paliwanag ni Clarissa na nagniningning ang mga mata.
“Ah, ganun ba, sinama kasi ako ni Alex itest drive yung motor niya” ang nahihiyang sagot niya.
“Sabi nga ni lola, e sandali lang, bakit naglalakad ka na lang hindi ka na ba niya inihatid?” ang tanong ni Clarissa magkasalubong ang kilay.
“Ah, dumating kasi yung girlfriend niya kaya hindi na niya ako naihatid may… may pinuntahan pa sila” ang nahihiyang sabi ni Summer. Nakita niyang napailing si Christian nang marinig ang kanyang sinabi, tila ba di nito nagustuhan ang narinig nito, pero si Clarissa ang nagsalita ng disgusto nito.
“Ano? E saan ka pa nanggaling?” ang inis na tanong nito sa kanya.
“Sa lighthouse” ang sagot niya, at nakita niyang napairap ang kaibigan.
“Ang layo ng nilakad mo Summer, sinundo ka niya rito tapos pinauwi kang mag-isa? Nakuuu makakatikim talaga sa akin yang Alex na yan eh!” ang inis na sabi ni Clarissa.
“Ako naman ang tumanggi Clarissa, nakakahiya naman dun sa dalawa” ang sagot niya at ipinagtanggol niya si Alex.
“Hayaan na natin yun, ang importante nandito na si Summer” ang sabat ni Christian.
“Oo nga, mabuti pa si Christian” ang sagot naman ni Clarissa.
“Ahm, Summer, hiningi ko pala kay Clarissa ang number mo, wag ka sanang magagalit sa kanya at sa akin, gusto ko lang talaga na makatext at makausap ka” ang pagpapaalam ni Christian sa kanya.
“OK lang iyun, wala namang masama dun” ang mabilis niyang sagot, makukuha ba niyang magalit rito kung mula sa San Luis at sinadya pa silang dalawin nito ni Clarissa.
“Ano nga pala ang sadya ninyo bukod sa akin?” ang tanong niya.
“Yayayain ka namin sa bayan, gala tayo” ang sagot ni Clarissa, “ipinagpaalam ka na namin kay lola” ang sagot ni Clarissa, “in demand ang ganda mo ngayon teh, pero sana mas nauna kami, baka mas masaya ka pa” ang dugtong pa ni Clarissa na mukhang napansin ang lungkot sa kanyang mga mata. Kaya pilit siyang ngumiti para pagtakpan ang lungkot niya.
“Maglalakad ba tayo?” ang tanong niya habang nakatingin sa motorsiklo ni Christian.
Umiling si Christian, “angkas ko kayo” ang sagot nito.
“Ha? Delikado yun diba?” ang alalang tanong niya.
“Alalay lang ang takbo natin saka sa bayan lang tayo ng Villa Elena, malapit lang” ang sagot ni Christian.
“May tiwala ako kay Christian” ang mabilis na sagot ni Clarissa.
Magtiwala lang, ang naalala niyang sabi ni Alex sa kanya muli na naman siyang nakadama ng kirot sa dibdib, “eh kaya nga hindi ako sumakay kanina sa motor ni Alex kasi tatlo na kami” ang sagot niya.
“Kaya ng tatlo ito Summer, kaya nga nagtaka ako kung bakit hindi ka pa niya inihatid” ang sagot ni Christian, “tara na!” ang yaya nito.
Sumakay na sa motor si Christian, siya naman ang pinasunod ni Clarissa kaya nakadikit siya sa likuran ni Christian, habang nasa likod niya ni Clarissa.
At tulad ng sinabi ni Christian alalay nga ang takbo nila, pero napakapit siya ng husto sa dibdib ni Christian at hindi niya iyun namalayan. Pagdating nila sa bayan ay kumain sila ng fishball at naupo sila sa plasa. Nakaramdam ng saya si Summer sa piling ng kaibigan at bagong kaibigan na si Christian. Masaya palang kasama si Christian palabiro at may pagkakwela rin, walang mga sandali na hindi sila nagtatawanan, para bang matagal na silang magkakabarkada. At hindi na rin maiwasan na pagtinginan sila dahil sa kilala na rin si Christian sa kanilang lugar.
Hapon na ng nagpasya silang umuwi, at muli silang umangkas sa motor ni Christian, nang mapadaan sila sa basketball court ay napansin nila na naroon ang grupo nila Alex.
“May practice game yata” ang sabi ni Christian.
Napalingon si Summer kay Clarissa, dahil wala naman sinabi si Alex na may practice ngayon. Hindi ba sila nasabihan ni Clarissa? Ang takang tanong niya sa sarili.
“Gusto nyo bang manuod muna?” ang tanong ni Christian.
“Hindi ka ba nagmamadali?” ang tanong niya rito.
“Hindi, kasama naman kita” ang sagot ni Christian na ikinapula ng kanyang mga pisngi. Minaniubra ni Christian ang motor patungo sa basketball court, at dahil nga sa kilala na si Christian, natuon ang atensyon ng mga tao sa court sa kanila. At nakita niya na nandoon na rin si Alex, nakatingin ito sa kanila at magkasalubong ang mga kilay nito. Pero nandoon din ang girlfriend nito na nakaupo sa bench nila habang kausap ang ibang girlfriend ng ka team mates ni Alex.
Bumaba na si Clarissa at inalalayan naman siya ni Christian pababa, ipinarada ni Christian ang motor sa tabi, at hinintay pa muna nila ito para sabay-sabay sila na pumasok sa loob ng court. Ni hindi man lang nakitaan ng intimidation si Christian kahit pa dayo siya sa lugar at tinitingnan siya ng mga kalaban nitong grupo.
Naupo sila sa kabilang side ng mga upuan sa harapan ng bench ng team nila Alex.
"Kaya pala hindi na tayo naalala, nandiyan ang ang jowa niya" ang galit na sabi ni Clarissa.
Pasimpleng tumingin si Summer at nakita nga niya na nakatingin pa rin sa kanila si Alex.
"Hindi naman siguro" ang sagot si Summer.
"Yun pala ang girlfriend ni Alex?" ang interisadong tanong ni Christian.
"Oo yung maputlang kawayan" ang sagot ni Clarissa.
"Clarissa ako ka ba?" ang saway ni Summer sa kaibigan.
"Totoo naman Summer, maputi lang yung babae, e ikaw, iba ang ganda mo" ang sabi ni Christian na ikinapula ng mga pisngi ni Summer.
"Ahm, excuse me nandito pa po ako" ang sabat ni Clarissa.
"Siyempre mas maganda si Clarissa" ang biglang kambiyo ni Christian.
"Naku Christian talagang magkakasundo tayo!" ang malakas na sabi ni Clarissa na nagpatawa sa kanilang tatlo.
Parang nagpantig ang mga tenga ni Alex, lalo na ng makita niya na masaya si Summer na kasama si Espinosa.
Sandaling napatingin si Summer kay Alex, maya-maya pa ay nakita na nila si Alex na naglalakad papalapit sa kanila.
Magkasalubong ang mga kilay nito at nakakunot ang noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/203644556-288-k636417.jpg)
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...