Chapter 10

2.5K 110 11
                                    

Pagkatapos nilang magdrive sa tabing dagat ay dumiretso sila sa kanila munang bahay, gusto daw kasi muna na dalawin ni Jacel ang mama niya. Habang nagdidrive siya pabalik sa bahay, ay hindi pa rin nawawala ang bigat sa kanyang dibdib. Nasa isip pa rin niya ang mukha ni Summer na alam niyang nagtatakip lang ng nadarama nito. Pakiramdam kasi niya na nabalewala niya ang dalaga.
    Ilang oras din na namalagi si Jacel sa kanilang bahay they stayed in his room for a while, doing naughty things to each other. Pero hanggang kissing and touching lang sila ni Jacel. He didn’t want to go any further kahit pa more than willing ang girlfriend niya na magsex sila. Minsan nga ito pa ang nag initiate pero tumatanggi siya.
    Mukhang naaasar na nga sa kanya ito kapag tumatanggi siya rito, pero, ayaw pa muna niya. Hindi pa kasi fully invested ang kanyang feelings sa relasyon nila ni Summer.
     Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang coach. Nagpasabi ito ng biglaan na practice dahil naurong ang game nila bukas at makakatapat nila ang taga San Vicente kaya kailangan muna nila ng practice kahit pa isang game lang.
     “Uuwi ka na ba Jace? May practice game kami katatawag lang ni coach, ihahatid na muna kita sa inyo” ang sabi niya rito.
     “I’ll watch your game this time, ang tagal ko ng di nakakapanood ng practice game nyo, kailan ba ang laban ninyo?” ang tanong ng girlfriend sa kanya.
     “Bukas na, kayo ang kalaban namin bukas” ang nakangiting sagot ni Alex. Lumapit si Jacel sa kanya at inilingkis ang mga braso nito sa kanyang leeg at idinikit ang katawan sa kanya. Nadama niya ang malulusog na dibdib nito na idinidiin sa kanyang dibdib. Inilapit nito ang mga labi sa kanya saka nagsalita.
     “Magagaling talaga kaming taga San Vicente” ang bulong nito sa kanyang bibig bago siya nito siniil ng halik. Naging mapusok ang mga halik nito sa kanya at kinuha nito ang kanyang kamay at ipinasok sa loob ng t-shirt nito. Sinimulan naman niyang lamasin ang dibdib nito at isang mahinang ungol ang lumabas sa bibig ni Jacel.
     “Take me to bed Alex, I need you” ang sabi ni Jacel sa kanya. Inihiga niya si Jacel sa kama, at hindi na ito naghintay na hubarin ni Alex ang damit nito. Si Jacel na mismo ang nagtanggal ng sarili nitong mga damit. Hanggang sa nakahiga na ito sa kanyang kama ng walang saplot.
    “Babe, please, just this once I need you” ang tila pagmamakaawa nito sa kanya. But he didn’t want to have an unprotected sex. He’s not ready to get Jacel pregnant. Pumwesto siya sa ibabaw ni Jacel at ibinaba niya ang kanyang ulo sa pagkababae nito at niromansa niya ito gamit ang kanyang bibig.
     Napapaigtad at halos mamilipit si Jacel sa kanyang ginagawa hanggang sa makatapos na ito. Agad siyang nagpunta sa banyo para maglinis at paglabas niya ay nanatili si Jacel an nakahiga sa kama.
    “You’re still dressed?” ang takang tanong ni Jacel sa kanya.
    “Jace, I really need to go to this practice game, I’m sorry” ang sagot niya sa girlfriend.
    Jacel sighed at inis na dinampot ang mga damit nito, he felt guilty na hindi pa niya maibigay sa girlfriend ang hinihiling nito. Tumabi siya rito at inakbayan niya ang girlfriend.
    “Pwede mo bang iregalo na lang ang first lovemaking natin sa birthday ko?” ang malambing na sabi niya rito. Kahit pa hindi siya sigurado sa kanyang sinabi.
     Muli namang bumalik ang ngiti sa magandang mukha nito, “OK, I can wait till your birthday” ang sabi sa kanya nito.
  
    At pagkarating nga nila sa court ay naroon na ang iba pa niyang ka team mate at ang coach nila. Nagsimula na silang mag warm-up ng mapansin niya na nabaling ang mga tingin ng ka grupo niya sa bandang labas ng court. Lumingon siya para sundan ng tingin ang nakakuha ng atensyon ng mga ito. At parang sinampal siya sa mukha sa kanyang nakita. Si Summer ay nakaangkas sa motor ni Christian at nakakapit ang mga kamay nito sa bandang tiyan ni Christian at halos nakadikit na ang harapan na bahagi ng katawan nito sa likod ng lalaki.
    Parang umusok ang ulo at ilong niya sa nakita niyang iyun at hindi niya inalis ang kanyang tingin sa tatlo mula sa pagtulong ni Christian kay Summer na bumaba, hanggang sa pagpasok ng mga ito sa loob ng court hanggang sa makaupo ang mga ito sa bench na katapat ng bench nila. Naupo pa si Christian sa tabi ni Summer. At nakita niya ang palitan ng mga ngiti ng dalawa, na nagpangilo sa kanyang mga ngipin. Lalo na ng may sinabi si Christian na nagpatawa ng malakas kay Summer. Hindi na niya napigilan ang sarili na maglakad papalapit sa mga ito.
     “Summer!” ang bati niya rito at tatlong pares ng mata ang tumingin sa kanya.
     “May practice pala kayo” ang sabi ni Clarissa kay Alex na may bahid ng pagaakusa na di man lang sila sinabihan nito.
     “Oo biglaan, pasensiya na kung di ko kayo nasabihan” ang sagot ni Alex na ang mga mata ay na kay Summer, “delikado ang pag-angkas mo ng ganun Summer, tatlo kayo sa motor?” ang galit na sabi ni Alex.
     “Kaya ng tatlo yan Carpio, saka alalay lang ang takbo namin” ang sagot ni Christian, “pwede bang manuod?” ang tanong nito.
     Gusto niya sana na sagutin na hindi at hindi pwede na makipag kaibigan siya kay Summer at hindi pwedeng iangkas na naman niya ito na nakahawak si Summer sa tiyan nito. Hindi pwede.
     “Oo naman” ang sagot niya na sa ilong lumabas ang kanyang sinabi.
     “Hindi mo naman kami kasi kailangan na sabihan Alex, kasi nandiyan ang jowa mo” ang mataray na sabi ni Clarissa. Siniko ni Summer ang kaibigan, para sawayin na ito.
     “Hindi naman sa ganun Clarissa” ang sagot ni Alex na nasaktan sa sinabi nito, “biglaan lang talaga ang practice namin” ang paliwanag niya.
     “Sige na Alex, OK lang yun” ang mabilis na sagot ni Summer.
     “Sige na magpunta ka na dun at may taga bitbit ka na ng bag mo” ang dugtong pa ni Clarissa.
     Napabuntong-hininga si Alex at magpapaliwanag pa sana ito kaso tinawag na ito ng coach nila.
     “Clarissa hindi sa ganun, Summer pwede ba kitang makausap mamaya?” ang tanong ni Alex na naghihintay ng sagot nito kahit pa paulit-ulit nang tinawag ng coach nila ang pangalan niya.
     “Sige na Alex, tinatawag ka na nila” ang tanging isinagot ni Summer. Para kasing nakaramdam ng kung ano si Summer, tama ba si Clarissa? Na hindi na sila tinawagan o sinabihan nito dahil nandyan naman na ang girlfriend nito? Lalo siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang dibdib.
     Bumagsak ang mga balikat ni Alex sa naging sagot ni Summer, para kasi walang gana itong kausapin siya. Masisisi niya ba ito? E kung pinabayaan niya itong umuwi na mag-isa at ngayon ay mukhang kinaligtaan pa niyang sabihan ang mga ito na may practice game sila. Tapos kinuha pa ng hilaw na hapon na iyun ang atensyon ni Summer. Akala niya, magiging masaya ang araw na iyun para sa kanya, pero hindi pala.
    Matamlay siyang bumalik sa mga ka team niya at nakinig sa sinasabi ng coach, ilang sandali pa ay nagsimula na ang laban. At parang wala sa sarili si Alex, nang mga sandaling iyun, dalawang beses na siyang naagawan ng bola, tatlong beses na nasupalpal, at limang beses na hindi pumasok ang pinakawalan nitong shots.
    Nang mag time out ay agad na lumapit si Alex kay Jacel, inasikaso naman ito ng husto ng girlfriend, pinunasan ng pawis at binigyan ng tubig. Habang si Summer ay nakamasid sa dalawa.
    “Time out pa naman, bibili ako ng makakain natin, anong gusto mong kainin Summer?” ang tanong ni Christian.
     “Ay naku, huwag na nakakahiya naman sa iyo” ang sagot ni Summer.
    “Sige na, gutom na rin ako” ang pamimilit ni Christian.
     “Akin na Christian ang pambili ako na ang bibili” ang sabat ni Clarissa, na tiningnan ni Summer ng masama, pero balewala lang iyun sa kaibigan.
     “Okey lang ba sa iyo Clarissa?” ang nakangiting tanong ni Christian na mukhang natuwa sa idea ng kaibigan.
    “Oo naman basta ba libre mo” ang sagot ni Clarissa.
    “Siyempre, ako pa galante ako” ang natatawang sagot ni Christian sabay abot ng bente pesos kay Clarissa na kumunot ang noo nang abutan siya ng bente pesos ni Christian, at di na nila napigilan ang magtawanan ng malakas, na nakakuha na naman ng atensyon ni Alex.
     Umalis na si Clarissa para bumili ng makakain nila, na dinagdagan naman ni Christian ang pambili. Naiwan sina Summer at Christian sa may upuan. Tahimik na nag-uusap ang dalawa at panaka-naka ang tawanan ng dalawa, na nagpapagigil ng husto kay Alex.
     “May problema ba Alex? Parang wala ka sa sarili mo? Nahihiya ka bang maglaro habang nanunuod si Jacel o dahil nandiyan si Espinosa?” ang tanong ng coach nito.
    Gusto niya sanang sagutin ang coach na wala sa dalawang pagpipilian ang sagot, ang sagot ay letter c. C Summer, na kung bakit sobrang apektado siya ng makita ang lungkot sa mga mata nito kanina. Sobrang apektado siya nang makita niyang angkas ito ni Espinosa, at sobrang apektado niya ng makita niyang hindi siya ang nagpapatawa rito kundi iba.
    “Pagod lang ako coach” ang matipid niyang sagot sa coach niya.
     “Pinagod yata ni Jacel bago pumunta rito eh” ang panloloko ng isa sa mga ka team niya.
    “Wellll” ang matipid at malaman na sagot ni Jacel na nagpatawa sa mga ka grupo niya maliban sa kanya.
    “Sandali lang coach, sandali lang po talaga” ang mabilis na sabi ni Alex at muli siyang lumapit kina Summer at Christian na nagkukuwentuhan.
    “Summer” ang muling pagtawag niya rito at tiningnan naman siya ng dalawa.
    “Pwede ba kitang kausapin?” ang tanong niya kay Summer.
    “Ngayon na ba? Pwede bang mamaya na lang?” ang sagot ni Summer, nakakahiya naman kasi kay Christian kung iiwan niya itong mag-isa. Hindi naman kasi siya katulad ng ginawa ni Alex kanina, pero siya naman ang tumanggi kanina hindi ba?
     Napabuntong-hininga si Alex, at halata na nagtitimpi ito, pero bakit naman ito magagalit sa kanya kung tanggihan niya itong kausapin? Ang takang tanong ni Summer. Hindi nga niya alam kung bakit kailangan pa siyang kausapin nito ng silang dalawa lang. Nakonsensiya ba ito sa nangyari kanina?
     “Kung gusto mong humingi ng sorry o dispensa sa nangyari kanina, balewala lang iyun Alex, hindi mo naman ako kailangan na ihatid sa bahay namin, dapat lang na unahin mo ang girlfriend mo, saka kung hindi mo man kami nasabihan ni Clarissa tungkol dito sa practice game ninyo, wala namang problema sa amin, pasensiya ka na sa sinabi ni Clarissa kanina pero alam mo naman ang bibig nun may pagkataklesa, pero OK lang iyun sa amin, sige na bumalik ka na sa grupo mo at magsisimula na yata kayo” ang sagot ni Summer at pilit na ngumiti kay Alex. Nabigla din siya sa kanyang nasabi, dati at ay tumatahimik na lang siya at hinahayaan ang lahat o minsan sumusunod na lang siya pero nang mga sandaling iyun. Sinabi niya ang gusto niyang sabihin.
    Tumikom ang mga labi ni Alex, babalik na siya sa kanyang kagrupo pero muli itong nagsalita, “kakausapin kita mamaya” ang mariin na sabi nito sa kanya bago ito tumalikod at naglakad pabalik sa bench nila.
     “Masinsinan yata na usapan ang gagawin ninyo ah” ang sabi ni Christian.
     “Naku, hindi, takot lang na mawalan ng PA yun” ang biro niyang sagot kay Christian.
     “Mabuti nga at hindi ka niya girlfriend” ang biglang sabi ni Christian.
     “Ha? Bakit naman?” ang takang tanong niya.
     “Kasi hindi kita makakasama ngayon” ang mahinang sagot ni Christian. Namula naman ang mga pisngi ni Summer, hindi niya kasi akalain na makukuha niya ang atensyon ng isang katulad ni Christian.
      “Ehem nakakaistorbo ba ako?” ang biro ni Clarissa na may bitbit na chicharon at palamig. Isang malakas na tawanan na naman ang narinig sa kanilang tatlo na kumuha na naman ng atensyon ni Alex, para bang pinipitik ang mga tenga nito.
    May improvement man sa laro ni Alex nang mga huling sandali ng practice ay hindi pa rin naging maganda ang performance niya at pagkatapos nga ng laro ay sinabihan siya ng coach niya na dapat bukas ay nasa condition na siya kundi ilalampaso sila ng San Vicente. Tanging pagtangu-tango lang ang isinagot ni Alex dahil ang mga mata niya ay na kanila Summer at papaalis na ang mga ito. Akmang hahabulin na sana niya ang tatlo ng tawagin siya ni Jacel, at doon lang niya naalala na kasama nga pala niya ito.
    “Alex? Where are you going? Hindi ba dapat ihahatid mo ako sa amin?” ang paalala ni Jacel sa kanya. Napabuntong-hininga si Alex, hindi niya alam ang gagawin. Pero wala na siyang nagawa kundi ang sundan na lang ng tingin si Summer. Lumingon lang ito sa kanya ng sandali at panandalian na nagtama ang kanilang mga mata, pero mabilis din na iniiwas ni Summer ang mga mata nito sa kanya, at muling umangkas sa motor ni Christian hanggang sa makaalis ito.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon