Chapter 13

2.2K 106 24
                                    

“Alex!” ang narinig niyang hiyaw mula kay Summer bago pa tumama ang bola sa mukha niya. Malakas ang pagkakatama sa kanya nito at natamaan pa ang kanyang kanang mata. Agad siyang napahawak sa mata, niya, at dahil sa hindi nasalo ang bola ay lumabas iyun sa court.
    Agad na tumawag ng time out ang coach nila ng makitang hinawakan niya ang kanyang kanang mata at ininda napangiwi siya sa sakit.
     Agad siyang nilapitan ng mga ka team mate at inalalayan na makalapit sa bench para matingnan ang kanyang mata. Lumapit din ang nag-aalalang girlfriend nito na si Jacel.
     Tiningnan ang kanyang mata, medyo nagkapasa lang ng kaunti pero bumalik na sa dati ang nagdoble niyang paningin. Pero alam niyang hindi pa lumiliwanag ang nagdilim niyang paningin, at hindi na magliliwanag pa hanggat nakikita niya sina Summer at Espinosa na magkasama. Bakit silang dalawa lang? Bakit wala si Clarissa? At bakit magkahawak na sila ng kamay?! Ang mga ngitngit niya sa sarili.
     “OK ka na Carpio?” ang tanong ng coach nila nang saglit na malapatan na siya ng ice pack. Hindi, hindi, ako OK! Ang gusto niya sanang isagot.
     Pero hindi niya nasabi at hindi siya nakapagsalita, kaya tumangu-tango na lang siya bilang sagot. At saka muling naglakad pabalik sa loob ng court para simulan muli ang laro.
     He tried everything to focus his mind on the game, pero paano kung, parang tukso ang dalawa na nakaupo pa sa may harapan.
     Ilang sandali pang naging mas intense ang laban, halos magkadikit din ang score ng dalawang team, pero hindi katulad ng laban noon ng team nila Christian na San Luis at Villa Elena.
     At nang sa isang pagkakataon ay nasilat ng kateam mate nila ang bola na dinidribol ng kalaban, pero papunta iyun sa direksyon nina Summer, at papunta ang bola at ang players sa direksyon nito. Tatamaan ni Summer ng bola, ang sabi ni Alex sa sarili, pero kitang-kita niya kung papaanong inakbayan ni Christian si Summer at kinabig nito si Summer papalapit sa dibdib nito at tinakpan ng isa pa nitong braso para di tamaan si Summer ng bola o ng mga player na mukhang magpapakamataysa bola.
     At mas lalo pang umusok ang ilong ni Alex, panay ang tsansing ng mokong na iyun kay Summer! Ang sigaw ng kalooban ni Alex. Hanggang sa makuha ulit nila ang bola at maipasok ito sa basket para na naman sa kanilang puntos. Hanggang sa tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang second quarter at ang second half ng laro. Binigyan muna sila ng panahon para makapagpahinga.
     Pagkatunog na pagkatunog ng buzzer ay hindi sa bench nila lumapit si Alex kundi sa direksyon nila Summer. Halos manlaki ang mga mata ni Summer habang pinagmamasdan ang papalapit na si Alex, na para bang toro na galit na galit at handa silang suwagin na dalawa ni Christian. Pero bakit?
     “Summer” ang mariin na pagtawag nito sa kanyang pangalan at pasalampak ito na naupo sa kanyang tabi.
     “Alex” ang simpleng sagot niya.
     “Nasaan si Clarissa?” ang tanong nito habang nakaupo sa kanyang tabi at kunot ang noo na nakatingin sa kanya.
     “M-masakit daw ang ulo niya kaya hindi siya nakapunta” ang sagot niya at napasulyap siya kay Jacel na masama na ang tingin sa kanya.
     “Hindi mo ba natanggap ang text? Pinatext kita kay Jacel” ang sabi ni Alex sa kanya.
     Siya ang nagpatext kay Jacel?  Sa kanya bang message yun? Kaya ba parang galit ito na makita siya dito sa court? O baka naman si Jacel ang ayaw na makakita sa kanya rito? Hindi na niya alam, nalilito na siya.
     “N-natanggap ko”-
     “Tapos hindi mo sinunod?” ang mariing sabi ni Alex. Hindi ba ang sinabi niya sa text na sumakay ng tricycle papunta rito? At hindi umangkas kay Christian!
     “Sinundo ko siya Carpio” ang sagot ni Christian para sa kanya.
     Tiningnan lang ni Alex si Christian, at muling ibinalik ang atensyon nito kay Summer. Malapit na naman na magsimula ang laban kaya, kahit gusto na niyang kausapin si Summer ay nagdesisyun siya na mamaya na lang pagkatapos ng laro.
     “Summer, kakausapin kita mamaya” ang mahinang sabi ni Alex sa kanya.
     Hindi siya nakasagot at napasulyap na naman siya kay Jacel na masama na ang tingin sa kanya. Ayaw niya ng away, at ayaw din niya na mag-away ang dalawa ng dahil sa kanya. Dapat siguro siya na ng iiwas. Hindi na lang siya sumagot at nanatili na lang siya na nakayuko at tiim ang bibig.

     Napansin ni Alex na parang umiwas sa kanya ng tingin si Summer, ni hindi siya sinagot nito. May problema ba si Summer? Mag nobyo na ba sila ni Espinosa at pinagbabawalan na itong makipag kaibigan sa kanya? Ang galit na sabi ng kalooban ni Alex. Bakit hindi niya matanggap na may nobyo na si Summer? Sobra na ba ang pagiging protective niya rito? Ang tanong niya sa sarili.
    Kasalanan ito ng Christian na ito, ang ngitngit ni Alex sa sarili. Kung bakit kasi masyadong mapapel ito eh! Ang galit na sabi ni Alex.
    “Alex!” ang malakas na pagtawag sa kanya ni Jacel, “come here!” ang sabi nito.
    Napabuntong-hininga na lang si Alex, “mamaya na ulit, kailangan talaga kitang makausap” ang sabi nito bago ito muling tumayo.
    “Galingan nyo Carpio, para tayo ang magtatapat sa championship” ang sabi ni Christian bago pa siya makalakad papalayo.
    Oo magtatapat talaga tayo at gusto ko ng basagin mukha mo, ang galit na sabi ni Alex sa sarili, “ipanalo nyo muna ang laban niyo bukas, para magtapat tayo sa championship” ang sabi ni Alex.
    “Sigurado na yan” ang mayabang na sagot ni Christian, sabay ngiti nito na gustong burahin ni Alex sa hilaw na Hapon na pagmumukha nito.
     Mabagal na tumangu-tango si Alex, saka ito tumalikod at naglakad pabalik sa bench nito, na agad na sinalubong ng girlfriend nito. Napasulyap na naman si Summer kay Jacel, at isang mataray na tingin ang ibinigay sa kanya nito. Mabilis niyang iniiwas ang kanyang mga mata.
     Maya-maya pa ay tumunog na ang buzzer hudyat na magsisimula na ang second half, at nagsipag pwesto na ang mga manlalaro sa loob ng court. Isang sulyap pa muna ang ibinigay sa kanya ni Alex at kinindatan siya nito na naging dahilan ng pagkapula ng kanyang mukha.
     Tila ba nagbago na ang laro ni Alex, bumalik na ang MVP player ng mga sumunod na mga sandali. Nagsunod-sunod na ang mga pakawala nitong pagshoot ng bola sa basket at ni isa ay walang pumalya sa mga shoot nito.
     Maya-maya pa ay naging dikit ang laban, nasilat ng kateam ni Alex ang bola na dinidribol ng kalaban, pero nawala ang bola sa kamay nito at papunta na naman sa direksyon ni Summer, agad iyung hinabol ni Alex at natapik niya ang bola pabalik sa loob ng court bago siya napahiga sa tabi mismo ni Summer.
    “Alex OK ka lang?” ang alalang tanong niya rito na nakahiga sa sahig at nakaangat ang ulo, tumingala ito sa kanya at ngumuti ng matamis.
     “OK na” ang sagot nito sa kanya at mabilis na tumayo at tumakbo pabalik ng court.
     Bumilis na naman ang pintig ng puso ni Summer at napalunok siya. Ano bang ginagawa sa kanya ni Alex? Ang takang tanong niya. Kakaiba ang kilig na idinudulot nito sa kanya.
    Maya-maya pa ay naramdaman niyang nag vibrate ang kanyang phone sa kanyang bulsa, agad niyang dinukot iyun at nakita na naman niya ang numero na nagtext sa kanya kanina. Si Jacel.
     Nag-aalangan man ay binasa niya ang text, “kapag hindi mo sinunod ang sinabi ko sa iyo, ay sasabihan ko ang daddy na kumuha na lang sa iba ng kakanin na paninda, saan kaya kayo pupulutin na mag-lola?” ang banta nito. Halos manlambot ang buong katawan niya at napatingin siya sa direksyon ni Jacel at nagtama ang kanilang mga mata.
     Hindi na kailangan pa ng diksyunaryo para mabasa ang nasa mukha nito. Seryoso ito sa pagbabanta nito sa kanya.
     Napabuntong-hininga si Summer at nilunok niya ang matinding emosyon na namuo sa kanyang lalamunan. Bakit ba siya babantaan ni Jacel? Magkaibigan lang naman sila ni Alex? Naging kumplikado na ang lahat sa kanya ng makilala at makalapit niya ito. Kailangan na niyang umiwas. Ayaw niyang mahirapan pa ng husto ang lola niya.
     Nang malapit na matapos ang laban at natambakan na ng Villa Elena ang San Vicente ay nagpasya ng umuwi si Summer. Hindi na niya kaya pang ibigay kay Alex ang pagkakataon na makausap siya nito. Hindi sa ganung sandali na gipit na nga sila ay mas lalo pa silang magigipit ng dahil lang sa kanya. Hindi niya pahihirapan ang lola, kaya niya ang magsakripisyo.
    “Ahm, Christian, mauuna na akong umuwi” ang mahinang sabi niya kay Christian.
    “Ha? Ah, hindi mo na tatapusin?” ang takang tanong ni Christian sa kanya.
    “Oo, ahm, halos dalawang minuto na lang naman matatapos na” ang sagot niya, “hindi mo na ako kailangan na ihatid sakay na lang ako ng bus” ang sabi niya pa rito.
     “Naku hindi, sinundo kita sa inyo, ihahatid kita, tara, halata naman na panalo na sina Carpio” ang sagot nito sabay tayo nito ng mabilis at hinawakan siya nito sa braso para tulungan siyang makatayo. At dali-dali silang lumabas ng court.
     Agad naman na nakita sila ni Alex at parang pinunit na naman ang kanyang dibdib ng makitang papaalis na si Summer. Hindi pa siya pwedeng umalis at ilang segundo na lang ay matatapos na.
    Hindi! Summer, huwag mong gawin ulit sa akin ito! Ang sigaw ng kalooban niya. Pero wala siyang nagawa kundi ang hintayin ang nalalabing minuto para matapos ang laro. At parang ilang oras para sa kanya ang isang minuto pa na lumipas at nang tumunog ang buzzer ay agad na tumakbo si Alex papalapit kay Jacel.
    “Hon! Congrats! Ang galing mo talaga! Cmon let’s celebrate muna bago ako lumuwas pa Manila” ang masaya at malambing na sabi ni Jacel sa kanya.
     “Sorry Jace, kailangan ko ng umalis, call me kapag nasa Manila ka na OK?” ang mabilis na sabi nito sabay halik sa pisngi ng girlfriend. Na naiwan na nakanganga at nanggigigil sa galit.
  
     “Shit!” ang mahinang sabi ni Alex, habang pasakay siya ng kanyang motor. Pagkasuot ng helmet ay mabilis niyang isinuot ang helmet at pinaharurot ang kanyang motor.
      Mabilis ang pintig ng kanyang puso, hindi niya alam kung bakit. Gusto niyang magpaliwanag kay Summer, gusto niyang humingi ng paumanhin dito sa mga nangyari. Gusto niya ng assurance na magkaibigan pa rin sila.
     At biglang nagliwanag ang kanyang mukha ng makita niya ang motorsiklo ni Christian. Alalay lang ang takbo nito kaya kaya pa niyang abutan. Binilisan pa niya ang takbo ng kanyang motor hanggang sa magkatapat na ang mga motor nila.
     Iniangat niya ang cover ng kanyang helmet, at nakita niya ang gulat na mukha ni Summer, dahil sa hindi tinted ang cover ng helmet na suot nito, kaya kita niya ang nanlaking mga mata nito.
     “Summer!” ang malakas niyang pagtawag dito.
     Umiwas ng tingin si Summer at si Christian naman ang napalingon kay Alex.
     Pinaandar ni Christian ng mabilis ang kanyang motor.
     "Grrr" ang gigil na sabi ni Alex, saka binilisan na muli ang takbo ng kanyang motor. Hanggang sa magkatapat na naman ang kanilang motor.
     "Summer! Bumaba ka diyan!" ang malakas na sigaw ni Alex.
     Ano bang nangyayari kay Alex? Ang takang sabi ni Summer sa sarili.
     "Alex! Delikado yang ginagawa mo!" ang pasigaw na sagot ni Christian.
     "Ihinto mo! Ako na ang maghahatid kay Summer!" ang sigaw niya kay Christian.
     "Alex, huwag na si Christian na ang maghahatid sa akin!" ang tanggi ni Summer.
     Binilisan pa muli ni Christian ang takbo.
     "Christian natatakot na ako" ang sabi niya rito.
     Wala ng nagawa si Christian kundi pabagalin ang takbo ng kanilang motor.
     "Summer! Hindi ba mag-uusap tayo?!" ang sigaw ni Alex.
     Hindi na alam ni Summer ang gagawin, naguguluhan na siya. Ang puso niya ay gusto siyang kausapin pero ang isip naman niya ay sinasabi at ipinapaalala sa kanya ang mga banta ni Jacel.
    Ano ba itong pinasok niya? Ang naguguluhan na isip ni Summer.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon