Epilogue

5K 229 121
                                    

"Come honey, kaya mo pa ba?" ang nakangiting tanong ni Alex kay Summer na nakasunod na umaakyat ng hagdan.
"Alex, kapag ako ay.. napaanak ng di oras dahil sa... minamadali mo ako, makikita mo talaga! Ihuhulog kita.. sa view deck... ng lighthouse!" ang hinihingal na sagot ni Summer, habang papaakyat ng spiral staircase ng lighthouse.
Nakagawian na nilang umakyat sa lighthouse tuwing umaga. Napakalaking bahagi kasi ito ng kanilang buhay, kaya naman halos araw-araw ay umaakyat sila rito.
At ngayon nga na siyam na buwan siyang buntis at kabuwanan na ay hindi pa rin sila tumigil sa pag-akyat rito.
"Gusto mo bang buhatin na kita?" ang natatawang tanong ni Alex, habang hawak sa braso at inalalayan si Summer at dalawang hakbang na lang at nasa landing na sila.
Inirapan lang siya ni Summer at saka muling humakbang paakyat.
"Kaso kapag kinarga kita, tatlo na kayong buhat ko, gagawin nyo akong forklif?" ang biro muli ni Alex, at ang tinutukoy nito ay si Summer, ang baby boy sa tiyan nito, at ang nasa carrier na karga niya, ang kanilang panganay na baby girl na si Hope, na one year old pa lang.
Sobrang saya nila ng dumating si Hope sa kanilang buhay, nag-alala man si Summer na baka nakuha nito ang kanyang sakit pero pinawing lahat ni Alex ang mga agam-agam niya.
Hindi na bale kahit na makuha ng mga magiging anak nila ang kanyang naging sakit, ang importante ay naroon silang dalawa para gabayan at suportahan ang mga anak.
At awa ng Diyos ay negative ang results ng test ni Hope, nang itest ang dugo nito.

Narating din nila ang view deck at napabuntong-hininga si Summer nang dumampi na sa kanyang mukha at katawan ang malamig at banayad na hangin.
Ang mga magulang ni Alex ay tuwang-tuwa sa kanilang apo, at maliit pa lang ay mukhang naiispoil na. Ang papa naman ni Summer ay nagbabakasyon ng anim na buwan sa kanila, para alagaan ang una nitong apo, at nagkakaselosan na ang mga grandparents kaya, nakaisip daw ng magandang ideya si Alex at wala pang ilang buwan na pagkapanganak niya ay buntis na naman siya.
Pero OK lang para kay Summer, balak talaga nilang bumuo ng malaking pamilya, isang basketball team nga raw ang balak ni Alex, basketball team para sa mens basketball at woman's basketball.
Inakbayan siya ni Alex habang nakatanaw sila sa malawak na karagatan at sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"I love you" ang sabi ni Alex at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Summer.
"Alam ko, ilang beses mo ng sinabi sa akin iyan hindi ba?" ang biro ni Summer, pero gustong-gusto niya sa tuwing sinasabi at ipinapakita ni Alex kung gaano siya nito kamahal. Walang araw o sandali na pumalya ito.
"Nangako kasi ako Summer" ang sagot ni Alex at hinagkan nito ang kanyang noo, na kumunot ng marinig ang sinabi ni Alex dahil wala naman siyang natatandaan na nangako ito sa kanya.
"Nangako? Wala ka namang ipinangako sa akin" ang takang tanong niya sa asawa habang tinitingnan niya ito na puno ng pagmamahal.
Humarap si Alex sa kanya para tingnan siya sa mga mata at kitang-kita niya ang labis na pagmamahal doon na halos ikalunod niya.
"Pinagbigyan ng Diyos ang panalangin ko, noong umagang hindi ka kumilos nang gisingin kita at itinakbo kita sa hospital o inilipad ka patungo ng hospital. Hiniling ko sa Kanya na bigyan Niya pa ako, kahit ISANG araw lang, isang araw lang na makapiling at makasama kang muli. Isang araw lang, para maipadama ko kung gaano kita kamahal at paulit-ulit kong sasabihin kung gaano kita kamahal hanggang sa sumakit na ang mga tenga mo. Pero, hindi lang isang araw ang ibinigay niya sa akin. Kaya, ipinangako ko na, sa araw-araw ay lagi kong ipakikita at ipadarama kung gaano kita kamahal" ang emosyonal na pag-amin ni Alex at di na napigilan ni Summer na lumuha.
"Salamat Alex at hindi ka bumitaw sa akin, ikaw ang nagbigay ng pag-asa sa akin para lumaban sa buhay ko" ang punong-puno ng emosyon.
"Ang pagsasama natin ay magiging sing tatag ng lighthouse na ito, kahit na anong bagyo ay kayang kaharapin, at magsisilbing tanglaw tayo sa lahat" ang pangako ni Alex, at isang matamis na halik ang iginawad nito sa kanyang mga labi.
At biglang nanlaki ang mga mata ni Summer at itinulak ng malakas si Alex na nagitla sa ginawa niya at kunot ang noo na tiningnan siya.
"Handa ka na bang mahulog sa view deck Carpio?" ang galit na tanong ni Summer at ng napagtanto ni Alex ang ibig sabihin ni Summer ay tiningan niya ang mga paa ni Summer na basang-basa na, dahil pumutok na ang panubigan nito.
"Alex! Wag kang matataranta ulit! Sinasabi ko sa iyo" ang banta ni Summer, "baka maihulog mo kaming tatlo" ang giit pa nito.
"Ah, ahm, tawagan na... tawagan..na..natin sina mama" ang nauutal na sagot ni Alex at mnamumutla na ito. At napailing na lang si Summer, at hinalikan niya ng mabilis sa mga labi ang asawa.
At masaya siya, dahil sa panibagong buhay at pag-asa na ibinigay sa kanila ng Diyos, na sinubukan ang pagmamahalan nila. Pero alam nilang dalawa, na kahit ano pa ang iharap sa kanila ay malalagpasan nila ito, hanggat matatag ang pag-ibig nila sa isa't isa.

The End

"If two hearts are meant to be together, no matter how long it takes, how far they go, how tough it seems, fate will bring them together, to share their love FOREVER" - Pinterest.


This story was inspired by the songs

Satellite by Nickleback
Far Away by Nickleback
Only One by Music Travel and Love
If Life is so Short by Music Travel and Love
One More Day by Music Travel and Love
Forever and Ever. Amen by Music Travel and Love

Thank you so much for reading! Till the next stories 😘 ❤️

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon