Sinimulan na ang paglilinis agad ng exterior ng lighthouse, ang crew ng City Hall kasama ng crew ni Alex at mga volunteers na karamihan ay mga mangingisda na lubos na makikinabang sa pagbabalik ng operasyon ng lighthouse.
Pagkatapos na ipakita ni Alex kung paano ang paggamit ng laser cleaner ay ipinaubaya na niya ito sa crew ng city hall. Sinilip na rin niya ang loob at nakita niyang abala na rin ang lahat sa pagbabaklas ng mga lumang kahoy ng ceiling. After overseeing everything na lahat ay may kanya-kanyang ginagawa ay lumabas na siyang muli ng lighthouse.
Nagtaka siya dahil sa hindi niya makita si Summer, nasaan na kaya lumusot ang babaeng yun, kanina lang ay nakikipag-usap na ito sa mga crew niya. Umalis na ba ito? Ang tanong niya sa sarili.
Huminto siya sa paglalakad nang mapansin niya na huminto ang iba sa mga ginagawa nito, at nakatingala ang mga ito. At dahil sa makulimlim ang langit ay di na niya kailangan pa na takpan ang mga mata niya para di siya masilaw. At pagtingala niya ay nanlaki ang mga mata niya.
Nakita niya kasi si Summer na nasa taas mismo ng lanterns at ito mismo ang nag check ng mga lens. At magkamali lang ng footing si Summer ay pwede itong mahulog at hindi siya bubuhayin ng mga malalaking bato na naghihintay sa kanya sa ibaba.
“Crazy woman” ang galit na bulong ni Alex, at galit siyang naglakad papasok sa loob lighthouse. Umakyat rin siya at lumabas siya sa view deck, he would not take the risk of going up there dahil baka hindi kayanin ang weight nila at siya pa ang maging cause ng aksidente.
Sana hindi magugulatin si Summer, ang sabi niya sa sarili, bago niya tinawag ng malakas ang pangalan nito.
“Summer!” ang malakas na tawag niya, “bumaba ka nga diyan!” ang pasigaw na utos nito.
“Malapit na akong matapos” ang kalamadong sagot ni Summer, at ipinagpatuloy nito ang ginagawa.
Alex gritted his teeth, for the first time, kinabahan siya para sa kaligtasan ng isang tao. Kapag ang mga crew niya kasi ay hindi naman siya masyadong nag-aalala dahil sa una, nakasafety gear ang mga ito, kapag umaakyat sa mga tuktok ng tore ay nakaharness ang mga ito so kahit na madulas man ay hindi mahuhulog ang mga ito. At si Summer ay tanging hard hat lang ang nasa ulo! At gwantes lang sa kamay.
Pangalawa, nakainsured ang lahat ng crew niya, at pangatlo, he cares for his crew, pero si Summer ay iniibig niya at hindi niya kakayanin na mawala na naman ito.
Parang leon na nakakulong sa hawla si Alex at pabalik-balik itong naglakad sa may view deck habang nakatingin ito sa itaas. At huminto siya sa paglalakad habang pinagmamasdan si Summer na bumababa at papasok na sa loob.
At nakahinga lang siya ng maluwag ng makita niya si Summer na pababa na ng hagdan. At agad niyang hinawakan ang kamay nito at hinila siya palabas sa view deck.
“What?” ang giit ni Summer na salubong ang kilay at takang nagtanong siya kay Alex na mababakas ang galit sa mukha nito.
“What, what?” ang inis na balik tanong sa kanya ni Alex.
“Huh? Ano bang ipinuputok ng butse mo?” ang inis na tanong ni Summer at pilit na inaalis niya ang kamay ni Alex na mahigpit na nakahawak sa pulsuhan niya.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” ang tanong ni Alex.
Kunot, ang noo na tiningnan ni Summer si Alex na nagtataka siya sa ikinikilos ni Alex, “Mon diue! Alex! That was a stupid question, obvious na na I was checking the lenses?” ang galit sa sagot niya.
Alex sighed, “I know what you were doing”-
“Then why do you have to ask me?” ang giit ni Summer.
“What I meant was, bakit ikaw pa ang kailangan na gumawa nun? Pwede mo naman na iutos o sinabihan mo na lang sana ako at ako ang gagawa? Napakadelikado ng ginawa mo, ni wala kang safety gears” ang galit na sabi ni Alex sa kanya.
Summer looked up and saw the extent of danger na sinasabi ni Alex, yup, kung nagkamali siya ng pagkakatapak ay siguradong mapapaaga ang goodbye Philippines niya, ang sabi niya sa sarili. Pero di niya aaminin kay Alex na she did acted irresponsibiy.
“Marami ka na rin kasing ginagawa Alex, and mas maganda na ako na mismo ang magtingin o mag check ng lens kaysa naman sa nandito ako sa baba at sumakit ang lalamunan ko sa pagsigaw sa pagtatanong sa nageexamine ng lens, so I have to inspect it myself”
“That was dangerous” ang giit ni Alex.
“I’m not scared” ang sagot ni Summer.
“Well I was” ang sagot ni Alex sa kanya, at di niya napigilan na tingnan ang mga mata nito. And she was mesmerised by the intensity of his stare.
“Ahm, ah, wag k-kang mag-alala, saka hindi mo naman kailangan na mag-alala sa akin, ah, sige bababa na ako” ang sabi ni Summer at paalis na sana siya pero nakalimutan niya na hawak pa rin ni Alex ang pulsuhan niya.
“So, how was it?” ang tanong ni Alex.
“How’s what?” ang takang tanong ni Summer.
Isang ngiting kakiligkilig na naman ang gumuhit sa mga labi ni Alex bago ito nagsalita.
“The lenses” ang sagot nito sa kanya.
“Oh, ahm, we have to changed them, it’s a good thing that I have anticipated this kaya nakapapre-order na ako sa Manila bago pa ako nagpunta rito, and I’ll just have to call them now so they can make the deliveries” ang sagot ni Summer, “so naiwan na kita” ang muling sabi niya pero hindi pa rin binitiwan ni Alex ang pagkakahawak sa kanya.
“Summer, pwede na ba tayong mag-usap?” ang mahinang pagsumamo ni Alex.
“Alex, may, gagawin pa tayo, please lang” ang sagot ni Summer.
“Mamaya, please, pagbigyan mo naman ako” ang pakiusap ni Alex.
Napabuntong-hininga si Summer, tumangu-tango siya, “alright, pagkatapos ng mga gawain natin” ang sagot ni Summer.
“Salamat” ang masayang sagot ni Alex, saka na lang nito binitawan ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...