“Salamat Christian” ang sabi ni Summer kay Christian pagkahatid sa kanya nito sa kanilang bahay.
“Wala yun... ah, Summer, pwede ba kita maisama bukas? Linggo ng umaga may laro sina Carpio, bukas kalaban ang San Vicente, naurong pala ang games, pwede ba kitang sunduin ulit?” ang umaasang tanong ni Christian sa kanya.
Gusto sanang tumanggi ni Summer, dahil baka kasi itext siya ni Alex at yayain bukas, alam niya na susunduin siya nito tulad ng ginagawa nito noon sa tuwing may laro siya.
“Ah, pwede mo ba akong itext na lang bukas? Kasi”-
“Baka sunduin kayo ni Carpio?” si Christian na ang tumapos sa sasabihin niya.
Hindi siya nakasagot, ayaw niya kasing magmukhang umaasa kay Alex, pero paano nga kung itext siya ni Alex mamaya o kaya bukas? Hindi naman niya magagawang hindian si Alex.
Tumangu-tango si Christian, “Sige willing naman ako na maghintay, tawagan kita mamaya kapag nakauwi na ako, kung pwede?” ang umaasang tanong muli ni Espinosa.
“Oo naman, sasabihin ko nga sana na tawagan mo ako kapag nakauwi ka na” ang sagot niya.
“Kung ganun, uuwi na ako para matawagan na kita, salamat ha? sa pag sama ninyo sa akin, at paki abot mo na rin yung thank you ko kay nanay Ising, kasi pinayagan ka niya na sumama sa akin” ang habilin pa nito, bago muling pinaandar ang makina na motor.
“Sige makakarating, ingat ka ha” ang sabi niya kay Christian at tinanaw pa muna nito si Christian hanggang sa makaalis na ito. Pero hindi niya maiwasan na sumagi sa isip niya si Alex. Sigurado na magkasama si Alex saka si Jacel, inihatid na siguro niya ito sa bahay nito sa San Vicente, ang sabi niya sa sarili. Naalala niya ang mukha ni Alex kanina nang saglit na nagtama ang kanilang paningin bago sila lumabas ng court, ano nga ba ang nasa mukha nito? Longing? Pero para saan? Ang tanong niya sa sarili. Baka naman, ayaw lang talaga nito na masira ang pagkakaibigan nila. Hindi dahil sa kung ano pa man na kadahilanan.
Nanatili siyang nakatayo at nakatanaw sa labas, hanggang sa wala ng matanaw na Christian ang kanyang mga mata.
“Dapat ko bang tigilan na ang sarili sa pagmamahal kay Alex at bigyan naman ng ibang pagkakataon ang iba? Oras na ba para bumitaw siya at hindi na umasa sa pag-ibig na alam niyang hindi masusuklian kahit kailan?” ang tanong niya sa sarili.
“Mukhang malalim ang iniisip mo apo?” ang sabi ng kanyang lola mula sa kanyang likuran, na nagpatalikod sa kanya ng mabilis para harapin ang kanyang lola na nakasandal sa haligi ng pintuan.
“Lola, kanina pa ba kayo diyan?” ang nahihiyang tanong ni Summer.
Lumabas ang kanyang lola at naupo sa may upuan sa ilalim ng puno, agad siyang naupo sa tabi nito at naramdaman niya ang braso nito na umakbay sa kanya.
“Kamusta ang pamamasyal?” ang paunang tanong ng lola niya.
“Masaya po, nanuod pa po kami lola ng practice game sa court” ang sagot niya.
“Mabait ang binatang iyun” ang biglang sabi ni Ising, at nakita niya ang ang reaksyon ni Summer na parang nagulat at kumunot ang noo.
“Opo mabait po si Christian, masarap din po siyang kasama at nakakatawa, para nga pong matagal na kaming magkakaibigan” ang nahihiyang sagot ni Summer.
Hinaplos ng kanyang lola ang kanyang buhok, “nanliligaw na ba siya sa iyo apo?” ang interisadong tanong ni Ising.
“Lola hindi po!” ang mabilis na tanggi ni Summer, hindi pa naman talaga nagpapahiwatig ng panliligaw sa kanya si Christian, pero nagpapahaging na ito ng pagkagusto, pero ayaw naman niyang bigyan agad ng ibang pakahulugan ang mga kilos at salita nito.
Isang mahinang tawa lang ang lumabas sa mga labi ni Ising at patuloy na hinaplos ang mahabang buhok ng anak,
“Lola?” ang mahinang pagtawag niya rito.
“Hmmm?” ang sagot ng kanyang lola sa kanya.
“Kaya ko naman po na maghintay sa susunod na taon kung hindi pa ako makakapag enroll ngayon para sa college, magtatrabaho na muna ako hanggang sa makaipon ako ng pangmatrikula ko” ang mahinang sabi ni Summer.
“Apo" ang panimula ni Ising saka nito hinawakan ang mga kamay ni Summer, "mag-aaral ka itong darating na school year, pangako ko sa iyo na gagawin ko ang lahat, lahat – lahat apo, basta matupad mo ang pangarap mo, pero, gusto ko na makinig ka sa akin ha? Na kahit pa anong mangyari, ang kapakanan mo ang iniisip ko, at ang ikabubuti mo”, kung gumawa man ako ng mga hakbang na sa tingin mo ay di ka sang-ayon o makasasakit ng damdamin mo, gusto kong malaman mo na wala akong ibang hinangad, kundi ang kabutihan mo" ang giit ng kanyang lola.
Tiningnan ni Summer ang mga mata ng kanyang lola, nabakas niya na medyo kumislap ang mga iyun, tila ba may luha na nangilid sa mga ito at pinipigilan lamang na hindi pumatak
Parang kinabahan siya sa sinabi nito. Pero, alam niya na kahit kailan ay hindi nagdesisyun ang kanyang lola na ikapapahamak niya, kaya magtitiwala siya rito.
"Alam ko naman po iyun lola" ang malambing na sagot ni Summer at yumakap siya sa dibdib nito.
“Handa ka na bang pumasok sa loob?” ang tanong ng lola niya sa kanya.
“Opo lola, tatawag nga daw po pala si Christian, pagkauwi niya, nasa kwarto po ang cellphone ko” ang sagot niya.
“Uuuuy si Christian na ngayon, wala na ba si Alex?” ang biro ng lola niya habang naglalakad sila papasok.
“Lola talaga” ang natatawang sagot ni Summer, “hindi po nanliligaw si Alex, mukhang batang kapatid lang ang turing sa akin nun, saka may girlfriend na po iyun na sobrang ganda, kumukuha rin sila sa iyo lola ng paninda na kakanin” ang sagot ni Summer.
“Taga San Vicente ba? Ah, baka ang pamilya Guttierez, kung sila man ay mayaman nga iyun, may malaking pwesto ang mga iyun sa pasalubong center” ang sagot ni Ising.
Mas lalong nanliit si Summer at mas lalo niyang na realised ang agwat nila ni Alex, talagang hindi sila bagay ni Alex. Eh, ganun din naman si Christian hindi ba? May kaya rin ang pamilya nito. Ang kaibahan lang, walang nobya si Christian.
![](https://img.wattpad.com/cover/203644556-288-k636417.jpg)
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...