Chapter 39

2.7K 116 26
                                    

Tiningan niya muna si Alex na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi, ang mga bisig nito ay nakayakap sa kanya. Dahan-dahan siyang bumangon at tumayo sa kama. Binuksan niya ang french doors at saka niya sinagot ang tawag, gamit ang mahinang boses niya.
     “Papa?” ang bungad na tanong niya rito at lumingon siyang muli sa kama para tingnan kung tulog pa rin si Alex, bago siya lumabas ng French doors para tumayo sa may veranda.
     “Summer, you should be here” ang mariing sagot nito sa kanya sa kabilang linya.
    Madiin na ipinikit niya ang kanyang mga mata at napabuntong-hininga siya, at mukhang narinig iyun ng kanyang ama sa kabilang linya.
     “What’s going on Summer? What’s keeping you there?” ang usisa nito sa kanya.
     “Papa, ahm, please give me a few more days, just a few more days, then I’ll come back, just, I HAVE my REASONS but I’ll keep it to myself papa, please just a few more days” ang hiling niya sa kanyang papa.
     Isang bunting-hininga rin ang narinig niya mula sa kanyang ama sa kabilang linya, at ilang segundo pa ang dumaan bago ito muling nagsalita.
     “I know you’re scared Summer, but you have to see him” ang giit nito sa kanya.
     “I know dad, I know what I have to do, it’s just that” ang tangi niyang nasabi at hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil sa tuluyan ng tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
     “Summer, I’ll be here for you, you know that right? But don’t do something stupid” ang mariing paalala nito sa kanya.
     “I know papa” ang sagot niya habang umiiyak, at tumanaw siya sa madilim na dalampasigan na tanaw mula sa veranda ni Alex.
     “How many days do you need?” ang muling tanong nito sa kanya.
     “Papa I don’t know, maybe, two to three days, I PROMISE I’ll go back” ang mariing sagot niya.
     “Alright, we’ll wait for you, stop wasting time Summer” ang paalala pa nito sa kanya.
     “Yes papa, au revoir” ang pamamaalam niya rito.
     “Sinong kausap mo?” ang tanong mula sa kanyang likuran kaya bigla siyang napalingon.

     Nakaramdam si Alex ng ginaw ng maramdaman niya ang hangin na mula sa labas, napansin din niya na wala na si Summer sa kanyang tabi. Mabilis niyang iminulat ang kanyang mga mata at iniangat niya ang kanyang ulo at nakita nga niya ang bakanteng espasyo na kanina lang ay inokupa ni Summer.
     Napansin din niya na bukas ang French doors, kaya pumapasok ang malamig na hangin mula sa labas at dinig niya ang mga alon sa dagat.
    Bumangon siya at naupo muna sa kama, at natanaw nga niya si Summer na nakatayo sa may veranda, nakatalikod ito sa kanya at nakaharap sa labas, kung saan tanaw ang dalampasigan.
     Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya habang pinagmamasdan si ang back profile ni Summer. Nakasuot lang ito ng t-shirt niya na abot sa kalahati ng hita nito, bago pa umabot ng tuhod, ang ang pang ibaba nito ay kanyang boxer shorts na kailangan pa niyang tupiin ang garter ng dalawang beses para sumikip ang bewang at magkasya rito.
    Litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan nito at ng mga hita at binti nitong bilugan. Ang buhok nito ay magulong nakalugay na abot hanggang sa bewang nito. At naalala niya kung paano niya hinawakan ang buhok ni Summer kagabi habang binabayo niya ito ng madiin.
     Napakagat siya sa kanyang labi, he felt horny, again, ganito yata kapag late bloomer na parang walang kasawaan? But with the right woman of course. Naalala niya ang sinabi ng mama niya noon sa kanya, nang sabihan siya nito na iba ang mga tingin niya kay Summer at baka kay Summer siya bumigay. Totoo nga ang sinabi ng mama niya. Kay Summer lang niya ito nadama, dahil si Summer lang ang minahal niya sa lahat.
     Tumayo na siya at naglakad papalapit kay Summer, napansin niya na mahina ang pakikipag-usap nito sa kabilang linya. Hmm, ayaw siguro siyang magising, pero sino naman ang tatawag kay Summer ng ganitong oras? Ang tanong niya sa sarili.
    Hindi na niya nagawa pang marinig ang mga palitan ng salita mula kay Summer at sa kausap nito sa telepono, ang tanging narinig na lang niya ay ang pamamaalam nito sa salitang French. At ang mga pagsinghot ni Summer. Umiiyak ito? Ang alalang tanong niya sa sarili.
    “Sinong kausap mo?” ang nakakunot noo na tanong niya at nakita niya na nabigla ito at bigla itong humarap sa kanya kaya nakita niya ang luha sa mga mata nito. Pero bigla rin itong tumalikod sabay punas sa mga luha nito.
    “Summer?” ang alalang tanong niya at hinawakan niya sa magkabilang balikat si Summer, at pilit niya itong pinalingon sa kanya.
    “What’s wrong? Bakit ka umiiyak?” ang usisa ni Alex. Pero umiling lang ito at tiningnan siya sa mga mata at ngumiti ito.
    “Masaya lang ako Alex, wag mong alalahanin ang mga luha ko, masaya lang talaga ako” ang giit niya kay Alex.
     “Bakit naman ako? sobrang saya ko pero hindi naman ako umiyak? Umiyak lang ako noong iwan mo ako” ang sagot niya he held her chin and tilted it upward towards him so he can look at her beautiful golden eyes.
      Biglang kinurot na naman ang kanyang puso ng marinig na naman niya ang sinabi ni Alex tungkol sa pag-iwan niya rito, at muli na naman niya itong iiwan.
     “Sino ang kausap mo?” ang muling tanong ni Alex.
     “Ah si papa, tinatanong niya ako kung kailan ang balik ko kasi, may mga commitments kasi akong naiwan sa France at nagpafollow up na yung iba” ang paliwanag niya.
    “Yun ba ang nakakaiyak sa tuwa?” ang natatawang tanong muli ni Alex.
     She really wanted to yell at him, na tigilan na nito ang pagtatanong, but she refrained herself, unfair iyun para kay Alex na nagpapakita lang ng concern sa kanya.
     She wrapped her arms across his neck at idinikit niya ang kanyang katawan sa katawan ni Alex and she smiled sweetly at him.
     “I just told him na kasama ko na ngayon ang lalaking pinakamamahal ko na nagbibigay sa akin ngayon ng labis na kaligayahan” ang malambing niyang sabi rito habang nakatingala siya.
     Alex wrapped his arms across her waist and he pulled her closer to him, he dipped his head to kiss her lips, then he pulled back and gave her a wide smile.
    “I have an idea” ang nakangiting sabi ni Alex sa kay Summer na nagtaas ng kilay tila nagtatanong.
    “What?” ang tanong ni Summer and she tiptoed para maabot niya ang labi ni Alex, para halikan niya ang ngiti nito sa labi.
    “I’ll go with you” ang sagot ni Alex na ikinabigla niya ng husto at pilit niyang hindi mabura ang ngiti niya sa labi kahit pa lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
    “What?” ang tangi niyang naisagot, at pilit siyang ngumiti.
    “Para maipagpaalam na kita sa papa mo? Na hihingin ko na ang kamay ng pinakamagandang anak niya” ang nakangiting sagot ni Alex sa kanya.
    Hindi na siya nakasagot, at parang napako na lang ang pekeng ngiti sa kanyang mga labi.
    “Tutal, gusto ka naman na pabalikin ng papa mo, kaya, sasama na ako, let’s go sa Manila para maayos ko ang tourist visa ko, then I’ll ask your hand personally sa iyong papa, para sa pagpapakasal natin” ang pagpapatuloy na sabi ni Alex.
     “Ahm”
    “Why? Ayaw mo bang ipakilala ako sa papa mo?” ang birong tanong nito.
    “Of course yes, you know what, I have a better idea in my mind” ang malambing na sagot ni Summer at inilagay niya ang kanyang bibig sa tenga ni Alex at marahang kinagat-kagat iyun at marahang pinadaan ang kanyang dila sa earlobe nito.
    “Ugh” ang ungol ni Alex, “that’s definitely a better idea” ang bulong ni Alex saka niya binuhat si Summer pabalik sa kama.

     Lumipas pa ang ilang araw at walang araw na hindi sila magkasama, bumalik man sila sa pagtatrabaho ay kitang-kita ang sweetness nilang dalawa. At sa halip na engineer Bisset ang tawag sa kanya ni Alex ay Engineer Carpio na rin ang tawag nito kay Summer, kaya naging tampulan na sila ng tukso ng mga kasamahan nila, pati nga ang mayor ng Villa Elena ay nagulat noong una, pero napalitan agad ng saya iyun, at nagpresinta pa nga ito na mag ninong sa kasal nila.
    Napapailing na lamang siya sa tuwing ipinagsasabi ni Alex ang tungkol sa kanila. Ang enthusiasm nito at ang labis na kaligayahan na ipinapakita ni Alex ay siya namang dulot ng labis niyang kalungkutan at sa mga araw na nagdaan na pinagsaluhan nila at nagsama na tila mag-asawa, ay unti-unti namang pumupunit sa kanyang puso.
    Ang kaunting araw na hiniling ni Summer sa kanyang papa ay naging isang linggo pa, at alam niyang lubos na delikado na ito. Hindi lang para sa kanya kundi para na rin kay Alex, dahil alam niya na lubos na masasaktan niya ito.
    Kaya nagpasya na siyang umalis kinabukasan, pero bago niyun, ay nagpasya si Summer to spend their last day together.
    “Good morning” ang bati ni Summer kay Alex, nakahiga pa ito sa kanyang kama. Maaga siyang bumangon at dinalhan na niya ito ng kape.
    “Hmmm” ang sagot ni Alex while he stirred on the bed, at nang dumilat ito ay isang ngiti ang ibinati sa kanya ni Alex, “good morning” ang bati rin sa kanya nito.
    “I made you some coffee” ang malambing na sagot niya at hinimas niya ang noo ni Alex.
    “Are we going to work now?” ang tanong ni Alex pero nanatili pa rin itong nakahiga.
    Umiling si Summer, “you know what? I had a better idea” ang nakangiti at masayang sagot niya.
    “What?” ang nakangiti ring tanong sa kanya ni Alex.
    “Let’s take the day off, then mamasyal tayo, gamit ang bike mo, let’s stroll around, sa beach, sa bundok, sa bayan, kahit saan then, mamaya kapag wala ng gumagawa, doon naman tayo sa lighthouse” ang sagot ni Summer.
     Biglang napaupo si Alex at sumandal ito sa may headboard ng kama, dinampot nito ang tasa ng mainit na kape na tinimpla niya.
     “I like that” ang nakangiti nitong sagot bago ito humigop ng kape.
     Ninamnam ni Summer ang mga sandaling iyun, ang mukha ni Alex ang mga matatamis na ngiti nito, ang mga mata nito na naniningkit kapag tumatawa rin. Ang malakas na tawa nito, ang mga panahon na galit ito, at ang mga sandaling magkasalo ang kanilang mga katawan at puso. Lahat ng iyun ay babaunin niya pabalik sa Pransya.
    “Where shall we start?” ang excited na tanong ni Alex.
    “Here” ang seductive na sagot niya sabay kuha niya sa tasa ng mainit na kape na hawak nito, she took a sipped of the hot coffee. Bago niya hinila ang kumot na nagtatakip ng kahubdan ni Alex, saka niya ibinaba ang kanyang ulo sa ibabang parte ng katawan ni Alex.
    “Oooh, Su-Sum.. mer” ang tanging lumabas sa mga labi ni Alex.

     At ganoon nga ang ginawa nila, they spend the whole day with each other, pagkatapos nila halos ikutun ang kabuuan ng Villa Elena ay nagbalik sila sa lighthouse.
    At iyun ang pinakamagandang sandali para kay Summer, yakap siya ni Alex habang nakatayo sila sa view deck ng lighthouse at nakatanaw sa malawak na karagatan.
   “Alex?”
   “Hmm?”
    “May hiling ako sa iyo” ang mahinang sabi ni Summer.
    “Sige kahit ano, sabihin mo lang” ang mabilis na sagot ni Alex sa kanya.
    “Sana… alalahanin mo lagi ang mga araw na masaya tayo? Sana huwag mong kalimutan kung gaano kita kamahal, mahal na mahal kita Alex, kung may magagawa o gagawin man ako na ikasasakit ng damdamin mo ay… mapatawad mo sana ako” ang halos naluluhang sagot niya.
    “Siyempre naman, hindi mo pa man ginagawa at mapapatawad na kita, at hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga ito Summer, at mahal na mahal rin kita, ikaw lang at wala ng iba, hanggang sa pagtanda natin o sa kabilang buhay man” ang sagot ni Alex.
     Gusto ng maiyak ni Summer, pero pinigilan niya ang sarili, “show me how much you love me Alex, make love to me, here” ang bulong niya sa labi nito.
    “You won’t have to asked me twice” ang nakangiting sagot ni Alex. And they did, at ang mga sandaling iyun ay babaunin ni Summer sa kanyang puso.


    Dahan-dahang bumangon si Summer, tiningnan pa niya kung tulog pa si Alex, dinampot niya ang kanyang damit at napansin niya ang pasa sa kanyang katawan. They made love for almost the whole night.
    She has to go now, di na siya magpapaalam kay Alex, pero, ang ideya na iyun ay dumudurog sa puso niya. Dahil parang mauulit na naman ang ginawa niyang pang-iiwan kay Alex noon. Pero mukhang di aayon ang pagkakataon sa kanya ng mga sandaling iyun.
    Tumayo na siya at nagsimulang magbihis ng magsalita si Alex na halos ikinagulat niya.
    “You always sneak up on me” ang sabi nito at bigla siyang napalingon rito.
    “Alex, ah, matulog ka pa, mag.. bibihis lang ako” ang kinakabahang sagot niya.
   Kumunot ang noo ni Alex, napansin kasi niya ang malaking pasa sa likod ng hita ni Summer, “what’s that? Ako bang may gawa niyan?” ang alalang tanong ni Alex. Naupo na ito sa kama at dinampot rin nito ang boxer shorts na nasa sa sahig.
    “Don’t mind that, I have this iron deficiency, maliit pa lang ako meron na ako niyan” ang mabilis niyang sagot at mabilis siyang nagbihis.
   “Saan ka pupunta?” ang takang tanong ni Alex sa kanya ng mapansin nito na nag-aayos na siya, dinampot na rin niya ang dala niyang bag.
    “Aalis na ako” ang mabilis niyang sagot at di man lang niya tiningnan si Alex sa mga mata.
    “OK, so anong oras kita susunduin sa bahay mo?” ang sagot ni Alex na pinagmamasdan lang ang bawat galaw niya.
    Napabuntong-hininga si Summer, this is it, kahit pa ayaw niya ay talagang hindi niya maiiwasan na dumating ang sandaling iyun. Kailangan na niya itong gawin.
    “No Alex, aalis na ako” ang mariing sagot niya.
    Kumunot ang noo ni Alex sa kanya, “where are you going?”
    “Back home, sa France” ang sagot niya at halos madurog ang puso niya ng makita niya ang reaksyon ni Alex.
     “I’ll go with you”
     Mabilis siyang umiling, “you can’t” ang giit niya.
     “OK, so kailan ang balik mo rito?” ang tanong ni Alex sa kanya at nag-iba na ang tono ng pananalita nito.
    Umiling siya at nagsimula ng mamuo ang luha sa kanyang mga mata, “hi..hindi na ako.. babalik Alex” ang naluluhang sagot niya.
    Nakita niya na tumikom ang mga labi ni Alex, “ano bang kalokohan ito Summer? Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos nating sabihin na mahal natin ang isa’t isa, pagkatapos ng mga nangyari sa atin, iiwan mo na lang ako? Iiwan mo naman ako? Bakit? Anong dahilan mo?!” ang galit na tanong ni Alex sa kanya.
     Umiling si Summer na mas ikinagalit ni Alex, “May iba ba? May iba ka bang lalaki na naghihintay sa iyo sa France?” ang galit na tanong ni Alex.
    Tumalikod si Summer pero hinila siya ni Alex  para iharap siya rito, at isinandal siya nito sa pader kaya hindi na siya makaalis, at umiling na lang siya.
    Sana nga, sana nga may ibang lalaki na lang na naghihintay sa kanya sa France baka mas madali lang lahat. Pero hindi. Umiling na naman siya at mas lalong nagalit si Alex.
   “Sabihin mo! May iba ba Summer? May iba ka bang mahal?!” ang giit ni Alex.
    “Wala Alex, ikaw lang! Ikaw lang ang mahal ko! Mula pa noon hanggang ngayon ikaw lang! Ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso at katawan ko” ang naluluha na niyang sagot.
    “Then tell me why? Bakit iiwan mo na naman ako at di na babalikan?!” ang sigaw ni Alex, pero umiling lang si Summer.
    “Tell me! I have the right to know! Tell me! Tell me dammit!” ang sigaw ni Alex sabay suntok sa pader.
    “Tell me!”
     “I’m dying!”
    
   
    

    

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon