Chapter 6

2.6K 118 9
                                    


Masayang pinagmasdan ni Summer ang nagbubunying koponan nina Alex, masayang nagyakap at nag- body slam pa ang mga ito. Nakita rin niya ng kamayan ni Christian si Alex at nag-usap ng sandali. Maya-maya ay napansin ni Summer naglalakad si Christian sa direksyon nila ni Clarissa.
Nagpalinga-linga pa si Summer para tingnan kung kanino pwedeng lumapit si Christian, pero sila na lang ni Clarissa ang natitira sa bench.
"Ah hello" ang bati nito sa kanila ni Clarissa, na pareho silang nakatingala dahil sa tangkad nito, napansin din ni Summer na gwapo nga palang talaga si Christian lalo na sa malapitan, may pagkachinito ang looks nito. Parang yung nasa mga Japanese na anime ang dating, yung tipong pang Slamdunk na anime, kaya pala tinawag siyang si Sendoh dahil kamukha nga nito si Sendoh ng Slamdunk.
"Ah, hell-ow?" ang patanong na bati ni Summer, at nagkatinginan pa sila ni Clarissa.
"Ako nga pala si Christian Espinosa, pwede ko bang malaman pangalan mo? Ah ninyo?" ang tanong ni Christian na ang mga mata ay nakatuon kay Summer kahit pa sinabi nito ang katagang ninyo.
"Siya si Summer at ako si Clarissa" ang bigla at mabilis na sagot ni Clarissa at iniabot pa nito ang kamay sa binata. Agad namang inabot iyun ni Christian at pagkatapos na kamayan nito ang kaibigan sa kanya naman iniabot ni Christian ang kamay nito para makipagkamay.
Tiningnan pa muna iyun ni Summer bago iniabot ang sariling kamay at kinamayan niya si Christian. Ramdam ni Summer ang mahigpit na paghawak ni Christian sa kanyang kamay.
"Girlfriend ka ba ni? Alex?" ang nag aalangan pang tanong nito sa kanya.
"Naku hindi!" ang mabilis at nahihiyang sagot ni Summer,habang umiiling-iling, kahit pa gusto niyang maging kasintahan ni Alex ay hindi naman siya pwedeng magkunwari.
Isang malalim na hininga ang ibinuga ni Christian, tila ba nabunutan ito ng tinik nang marinig ang sinabi niya. At nagpamewang pa ito at napatingala pa, bago muling itinuon ang atensyon nito sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun” ang sagot nito at mahahalata ang bahid ng saya sa boses nito “ah, lagi ka bang kasama ni Carpio kapag may game sila?" ang interisadong tanong nito.
"Sa mga games at practice games, kasama siya lagi" ang sagot ni Clarissa para sa kanya.
"Talaga? Mabuti naman kung ganun, madalas pala kitang makikita, pwede ko bang makuha ang phone number mo?" ang tanong ni Christian.
"Bakit?" ang mariing tanong ni Alex mula sa likuran ni Christian at nakuha nito ang atensyon nila.
Dahil sa abala sila ng kanyang mga kateam mate sa pagbubunyi ay di niya napansin kung saan nagpunta si Christian pagkatapos nitong makipag-usap sa kanya. At nang matapos ang kuhaan ng litrato at pakikipag-usap sa mga kakilalang dumayo rin ng barangay para samahan sila, ay saka lang niya nakita si Christian na nakikipag-usap kina Summer at Clarissa.
At nang makita niya na nakangiti si Summer kay Christian ay naningkit ang kanyang mga mata. At hindi niya naintindihan ang naramdaman, nakaramdam siya ng masidhing damdamin ng pag-angkin kay Summer.
Agad siyang naglakad papalapit sa mga ito, at naabutan niyang hinihingi ni Espinosa ang phone number ni Summer.
"Bakit?" ang tanong niya mula sa likuran ng mga ito. Tatlong pares ng mga gulat na mata ang tumuon sa kanya. Nakapamewang siya at nakataas ang kilay habang naghihintay ng sagot.
"Ahm, Carpio, makikipagkaibigan lang ako kina Summer at Clarissa" ang sagot ni Christian.
"Masyado pa siyang bata para ligawan" ang mariing sagot ni Alex, at nakaramdam ng kirot sa puso si Summer nang marinig na naman ang sinabi nito. Gusto niya tuloy na sabihan si Alex na tigilan na niya ang pagtawag sa kanya ng bata at isa na siyang dalaga at pwede siyang makipag kilala sa kahit kanino niya gusto kahit pa ibigay niya ang cellphone number niya rito.
Yun ang mga gusto niyang sabihin pero walang lumabas sa kanyang bibig at nanatiling nakatingin na lang kay Alex na akala mo ba ay isang toro na handang manuwag anumang sandali at si Christian ang gusto nitong suwagin.
Isang pagak na tawa ang lumabas sa bibig ni Christian "Tol, makikipagkaibigan pa lang ako, pero kung sa tingin mo na sa ligawan din mauuwi ang lahat, si Summer ang magpapasiya roon kung ayaw niya o hindi" ang sagot din ni Christian at di nagpakita na naapektuhan ito sa ipinapakitang pagpoprotekta sa kanya ni Alex.
"Ah Christian?, ito number ko" ang sagot ni Clarissa sabay abot ng isang pirasong papel kay Christian. Tinanggap naman iyun ni Christian na may ngiti sa mga labi, “globe yan, kapag hindi ako nakasagot agad, wala akong load” ang dugtong pa ni Clarissa na pinanlakihan ni Summer ng mga mata dahil sa nakakahiyang sinabi nito.
"Salamat, hayaan mo tatawagan kita kapag di ka nakasagot" ang sagot ni Christian, "paano, mauna na ako sa inyo, Carpio, Clarisaa, Summer?" ang pamamaalam ni Christian na nagtagal pa ang mga tingin nito kay Summer. Na nagpakunot muli ng noo ni Alex.
Pinagmasdan pa nilang tatlo si Christian habang naglalakd papalayo kasama ng mga kaibigan nito, nang makalayo na ay saka lang nagsalita si Alex na magkasalubong ang mga kilay.
"Kaninong number ang ibinigay mo Clarissa?" ang tanong ni Alex sa kaibigan habang nakakunot ang noo nito at nakapamewang pa rin.
"Sa akin" ang defensive na sagot ni Clarissa, “matagal ko ng crush yun no, pagkakataon ko na” ang dugtong pa nito.
Kinuha ni Alex ang bag niya kay Summer, "huwag mong ibibigay ang number ni Summer dun sa lalaking iyun ha" ang bilin niya kay Clarissa, hindi niya alam kung bakit pero ayaw niyang maging magkalapit ang dalawa. Marahil siguro dahil sa matinding kalaban at karibal niya ito sa basketball. At saka, para sa kapakanan ni Summer, ayaw niyang maloko ito ng kahit sinong lalaki.
"Wala namang masama kung maging kaibigan namin si Christian" ang giit ni Clarissa na kilala ni Summer na may katigasan ang loob at minsan ay mahirap pasunurin.
"Basta" ang matipid na tugon ni Alex.
"Oo nga naman Alex, tulad ng sinabi nito kanina, nakikipag kaibigan lang yung tao" ang sabi ni Summer habang naglalakad na sila pauwi sa kanilang barangay.
"Umpisa lang yun, liligawan ka na niyun pagnagtagal" ang giit ni Alex sa kanya at tiningnan pa siya nito at di pa rin naaalis ang nakasimangot na mukha nito.
"Imposible naman yun, pogi kaya ni Christian" ang biglang naisagot ni Summer, dahil hindi niya maisip sa sarili na liligawan siya ng ganun kapogi na lalaki at sikat din sa kanilang lugar.
Nagsingasing si Alex, "pogi? Sino yung hilaw na Hapon na yun na si Sendoh daw?! Sus! parang hindi naaarawan sa kaputian?" ang tanong ni Alex na akala mo ba ay kataka-taka ang sinabi niya.
"Saka tumigin ka nga sa salamin Summer, bakit sa akala mo ba hindi ka kaligaw-ligaw? Ang ganda mo kaya, mata mo palang pamatay na" ang sabi ni Alex sa kanya. Tila ba lumipad ang puso niya at pumalakpak ang kanyang tenga ng marinig ang sinabing iyun ni Alex.
Maganda siya?! Sabi ni Alex maganda raw siya! Ang naghuhumiyaw na sabi ni puso niya.
"Pero masyado ka pang bata" ang muling giit ni Alex sa kanya, kaya naman bumagsak na naman sa lupa ang puso niyang kay taas na ng lipad kanina.
"Seventeen na ako, hindi na ako bata" ang giit ni Summer at umirap pa ang mga mata, pamatay talaga ng saya itong Alex na ito.
"Bata ka pa rin para sa akin" ang sabi ni Alex sa kanya. Nagkatinginan na lang silang magkaibigan, at alam ni Clarissa na nasaktan siya sa sinabi ni Alex
“Pero hindi para kay Christian, mukhang nakita niya ang potensyal ni Summer bilang isang perfect girlfriend” ang panunulsol ni Clarissa.
              “Huwag mo ngang gatungan yang kaibigan mo Clarissa, ang sa akin lang ay ayokong masaktan si Summer” ang inis na sagot ni Alex, dahil sa sinabing iyun ni Clarissa. Di niya lubos maisip na maging boyfriend ni Summer si Christian.
Hindi na sumagot pa si Summer, hindi niya na alam kung paano niya sasabihin na nasasaktan siya sa pagtrato sa kanya nito na isang batang babae.
Nanatili na silang tahimik sa paglalakd hanggang sa maabot nila ang main road.
"Anong gagawin natin dito? Sasakay ba tayo? Bakit di na lang tayo maglakad, gabi naman na at malamig ang hangin" ang sabi ni Clarissa.
"Masakit na ang binti ko Clarissa, gusto mo buhatin mo ako" ang biro ni Alex dito.
"Ayoko nga, si Christian bubuhatin ko pa" ang kinikilig na sagot ni Clarissa.
"Asus, kaya pala ang bilis mong magbigay ng number" ang natatawang sagot ni Alex.
"Siyempre, pagkakataon" ang sabi ni Clarissa, nagkatawanan silang tatlo.
"Nga pala, ihahatid kita sa inyo Summer, at medyo inabot na tayo ng dilim, ayaw kong kagalitan ka ng lola mo" ang sabi ni Alex.
Para na namang nasa langit ang puso ni Summer, ihahatid siya ni Alex sa bahay nila? Ano ba to? Kilig to the bones ang nadarama niya ng mga sandaling iyun.
Pinanlakihan naman siya ng mga mata ni Clarissa, na halatang pinipigilan ang kilig na nararamdaman. Ilang sandal pa ay may dumating na tricycle at sumakay na silang tatlo.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon