"Sige ikwento ma na lahat-lahat ng nangyari!" ang giit ni Clarissa at Cecile habang magkakatabi silang nakahigang tatlo sa kama ni Summer. Nagtitilian at hindi na mapigilan ang kilig na nadarama, na hindi nila nailabas noong araw ng birthday ni Cecile sa tabing dagat.
"Alam mo bang dalawang araw namin na kinimkim ang kilig na nadarama namin para sa iyo nang halos nahulog tang ngalangala ko sa buhangin ng makita kong katabi mo si Alex at kausap mo pa na kala mo ba ay matagal na kayong magkakilala?" ang kinikilig na sabi ni Clarissa
"Nanliligaw na ba siya sa iyo?" ang tanong naman ni Cecile na di rin mapigilan ang kilig.
"Hindi! Ano ba kayo? Nagmagangandang loob lang yung tao na paalisin si Donny tapos nagkwentuhan lang kami ng kaunti, ano, tinanong niya kung anong pangalan ko, ilang taon na ako, sa mga bagay na tungkol sa akin, pero hindi tungkol sa panliligaw! at saka BATA pa raw ako para magkanobyo" ang nakangusong sabi ni Summer.
"Awww" ang sabay na sabi nina Clarissa at Cecile, "ano ba yan, kuya lang ang peg!" ang dugtong pa ni Cecile na nanghihinayang.
Lumungkot naman ang mukha ni Summer, dahil sa mukhang bilang nakakatandang binate ng Villa Elena lang ang trato nito sa kanya, ni hindi na yata magkakatotoo ang pangarap niyang maging nobyo ang kilalang lalaki ng Villa Elena.
"Eh magkakagusto ba naman sa akin yun? Nakita mo naman ang babaeng kasama niya sa bayan di'ba? Eh mukhang pam-bato sa Miss Millennial ang mukha at katawan" ang sagot ni Summer.
"Alin yung maputing kawayan na iyun?!" ang tanong ni Clarissa na nanlaki pa ang mga mata.
"OO" ang mariing sagot ni Summer, "tingnan mo nga, magugustuhan ba ako ni Alex? Eh mukha akong alalay nun kapag itinabi ako dun"
"Tinanong ko si kuya, taga bayan ng San Vicente raw ang babaeng yun at anak ng may kayang pamilya doon sa bayan nila at, nakalulungkot man friend ko, girlfriend nga siya ni Alex pero bago pa lang daw ang dalawa" ang malungkot na sabi ni Cecile.
Naging malungkot lalo ang mukha ni Summer, para bang sinaksak ang kanyang puso ng marinig ang ibinalita ng kaibigan.
"Wag ka ngang malungkot Summer, hindi pa kasal ang dalawa, kaya may pag-asa pa" ang giit naman ni Clarissa.
"Hmph, hindi ako magugustuhan ni Alex, nakita mo naman na ang mga tipo nitong babae, yung maganda, matangkad, at may class" ang malungkot na sagot ni Summer.
"Diyos ko Summer, huwag mo nga ikumpara ang sarili mo doon" ang giit naman ni Cecile, na dumapa pa, para tingan ang mukha ng kaibigan, "kung sa ganda lang naman ay may laban ka noh, at mas lalo na sa class, anak mayaman lang yun! Pero ikaw beauty and brains!"
"Oo nga Summer, saka hindi pa kasi develop ang katawan mo, maghintay ka lang, ta'mo mas maganda ka pa dun kapag nagdebut ka na" ang sabi naman ni Clarissa.
Sumimangot ang mukha ni Summer at kumunot ang noo na tila ba hindi nagustuhan ang sinabi ng kaibigan, "Hindi rin!" ang malakas na tanggi niya.
"Bakit naman?" ang takang tanong ng dalawang kaibigan sa kanya na sabay pa na nagsalita.
"Eh bakit si Cecile nagdebut na, ganun pa rin" ang pangaasar niya sa kaibigan na nagdulot ng malakas na tawanan sa loob ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...