"Bye la!" ang masayang pamamaalam nina Summer at Clarissa kay Ising hapon ng kinabukasan, bitbit ang kanilang backpack sa kanilang mga likod kasama na ng isang tray na maja blanca na pinadala ni Ising para pandagdag na pagkain nila sa overnight stay nila sa beach.
"Mag-ingat kayo ha! At mag-enjoy, Summer matapon yang dal among maja, kaliliksi mo!" ang paalala ni Ising sa kanila.
"Opo lola, babye po!" ang sigaw ng dalawa habang ngalalakad papalayo patungo sa direksyon kung nasaan ang dagat. Mga kalahating oras na lakarin ang gugugulin nilang dalawa, pero dahil sa sanay naman na sila ay balewala lang ang mahabang lakarin.
Nagkukwentuhan sila habang naglalakad, may baon pang kutkutin si Clarissa na adobong mani kaya hindi nila alintana ang mahabang lakarin. At dahil nga sa hapon na ay di na masyadong mainit sa paglalakad.
Ilang sandal pa ay narinig na nila ang mga hampas ng alon sa dalampasigan, nagsimula na ring maging buhanginan ang lupang nilalakaran nila, senyales na malapit na sila sa beach. Mula sa kalayuan ay nanatanaw na nila ang mga kumpol ng tao sa buhanginan, at nakikita na rin nila ang mga pamilyar na mukha ng kanilang mga kakilala at kaibigan.
Maliban sa tunog ng alon, ay maririnig na rin ang malakas na musika na nagmumula sa isang malaking portable na speaker. May mahabang lamesa na rin na nakalatag malapit sa beach at mga maliliit na tent.
Nang malapit na sila ay namataan na sila ni Cecile, kaya patakbo itong lumapit sa kanila, kita ang pananabik sa mukha nito nang makita silang dalawa.
"Summer! Clarissa! Buti at nakarating kayo! Kanina ko pa kayo hinihintay, pupuntahan ko na sana kayo sa bahay ninyo, hindi mo ba natanggap ang text ko?" ang sabi ni Cecile sa kanila.
"Natanggap, pero mas gusto ka naming sorpresahin" ang sagot ni Summer.
"Saka wala akong load" ang sagot naman ni Clarissa.
"Hmph, ikaw talaga" ang sabi ni Ceceile kay Clarissa.
"Pinabibigay nga pala ni lola itong maja, pandagdag sa pagkain sa lamesa" ang sabi ni Summer. mukhang punong-puno ng pagkain ang lamesa ah" ang sabi ni Summer.
"Salamat Summer, sabihin mo kay lola salamat ha, dadalaw din ako sa inyo kapag bakasyun na" ang sagot ni Cecile.
" Mukhang punong-puno ng pagkain ang lamesa ah" ang sabi ni Summer, habang naglalakad na sila papalapit sa grupo ng mga tao sa beach.
"Paano ang daming sumama sa overnight, pati si kuya ay nagyaya ng mga kaibigan niya" ang nakangusong sabi ni Cecile, ang balak lang kasi nito na sila lang na magkakabarkada.
Natigilan sa paglalakad si Summer, nang marinig ang sinabi ni Cecile. Isinama ng kuya niya ang mga kabarkada nito? Ibig bang sabihin?
Lumingon sa kanya ang dalawang kaibigan ng tumigil siya sa paglalakad, "huy napa'no ka na?" ang tanong ni Clarissa.
"Cecile anong sabi mo? Kasama ng kuya mo ang mga kabarkada niya?" ang kinakabahang tanong ni Summer.
"Oo?" ang sagot ni Cecile, at biglang nanlaki ang mga mata nito pati ni Clarissa ng mapagtanto ang ibig sabihin ni Summer. Lumapit ang dalawang kaibigan sa kanya at binulungan siya.
"Andiyan si Alex" ang excited na sabi ni Cecile, "kanina pa siya dumating gamit ang bike nito"
"Diyos ko Summer, please lang huwag kang himatayin dito no, gumawa ka na nga ng eksena sa basketball court kagabi, mukhang gusto mo pa ng part two" ang paalala ni Clarissa at hinawakan siya sa braso at halos hilahin na siya nito habang naglalakd.
Ikinuwento naman ni Clarissa kay Cecile ang nangyari kagabi, at hindi nito napigilang kiligin at matawa para sa kaibigang si Summer.
Nang makalapit na sila ay sinalubong na rin sila ng iba nilang kaibigan. Marami silang magkakaibigan pero silang tatlo talaga ang magkalapit. Saglit na nalimutan ni Summer ang kaba ng magkita-kita silang magkakaibigan.
Napuno ng kwentuhan, kamustahan, at tawanan ang maghapon na iyun para sa mga magkakaibigan habang kumakain sa tabing dagat. Ilang sandali pa ay nagyaya ng magsipag langoy ang mgakakaibigan.
Nagpalit sila ng damit na panlangoy sa isa sa mga tent na nakatayo, maya-maya pa ay napuno na ng hiyawan, tilian, at tawanan ang dalampasigan.
Naghabulan sina Summer, Clarissa, at Cecile sa dagat, at dahil sa kalalangoy ay dinapansin ni Summer na napdpad na siya sa malalim na parte ng dagat. Marunong man lumangoy ay biglang namulikat ang binti ni Summer, agad siyang napasinghap para sa hangin ng unti-unti siyang lumulubog.
"Tulong!" ang sigaw ni Summer, habang pilit na ikinakampay ang paa niya kahit na masakit.
"Summer!" ang tili nina Clarissa at Cecile, nang makita siyang pilit na kumakampay para lumutang.
Naghahabol na ng hininga si Summer, ito na ba ang katapusan niya? Ang tanong niya sa sarili, ni hindi pa siya nakakapag kolehiyo! Diyos ko wag naman po muna, ang naiiyak na sigaw ng isipan ni Summer.
Maya-maya ay may humawak sa ilalim ng kanyang kili-kili at hinila siya paitaas, saka naramdaman niya na hinihila na siya papalapit sa mababaw na parte ng dagat. At nang mababaw na ay binuhat na siya ng lalaking sumagip sa kanya.
Napakapit siya sa leeg na lalaki, at nang tingnan niya ang mukha ng lalaking sumagip, ay lalo siyang nanlambot at sa tingin niya ay hindi na siya makatatayo. Ang sumagip kasi sa kanya ay walang iba kundi si Alex Carpio. Ang pagkakataon nga naman.
Iniupo siya nito sa dalampasigan at nagsipaglapitan na rin sina Clarissa at Cecile sa kanya, halata ang pag-aalala sa mga mukha nito.
"Pinupulikat ka ba?" ang tanong nito sa kanya, at sinimulang masahiin nito ang namimintig niyang binti.
"Uh-huh" ang impit na sagot ni Summer rito, dahil sa kirot na nadarama niya at napapikit siya. Ilang sandali pa ay nawala na rin ang pamimintig sa kanyang binti, at nawala na rin ang sakit sa kanyang mukha.
Maya-maya ay idinilat na niya ang kanyang mata, at di niya napigil na mamula ang kanyang mga pisngi nang pagmulat ng kanyang mata ay ang una niyang nakita ay ang nakangiting mukha ni Alex sa kanya.
"Accident prone ka ba?" ang natatawang tanong nito sa kanya, namukhaan kasi niya nito.
Namula ang mukha ni Summer dahil sa hiya, bakit ba lagi na lang siyang nadidisgrasya sa tuwing nakakasalamuha niya ito? Ang tanong niSummer sa sarili.
"Okey ka na?" ang tanong sa kanya ni Alex, at pagtangu-tango na lang ang kanyang naisagot.
"Sige, huwag na kayong masyadong magpunta sa malalim na parte kahit pa marunong kayong lumangoy, para maiwasan ang mga ganitong insidente, mag-ingat ka ha" ang sabi pa nito bago ito tumalikod para maglakad pabalik sa mga kabarkada nito. Pero napahinto ito, nang makakuha ng lakas ng loob si Summer na tawagin ito.
"Alex!" ang malakas niyang tawag sa pangalan nito. Agad naman itong lumingon at tila ba nagtatanong ang mga mata nito.
"Salamat!" ang sabi niya at sinaluduhan lang siya nito bago ito patakbong bumalik sa mga kaibigan nito na nasa kabilang banda ng beach.
"Ano ka ba Summer? Damsel in distress ba ang peg mo? O sadyang gumagawa ka ng paraan para mapansin ka ni Alex?" ang pambubuska ni Clarissa.
"Muntik na akong mamatay no! arte pa bay yun?" ang sagot ni Summer, "huwag natin itong banggitin kay lola ha" ang paalala niya sa mga kaibigan.
"Pangako" ang sabay na sagot ng dalawa sa kanya.Dumating na ang gabi, gumawa ng malaking bonfire ang mga kalalakihan sa tabing dagat, nahati sila sa dalawang grupo, ang grupo nina Summer atmga kaibigan nito at grupo ng mga kabinataan kasama na roon si Alex.
Kasalukuyan na silang kumakain ng hapunan sa harapan ng bonfire, at dahil sa alam na masarapmagluto ang lolani Summer, naubos agad ang dala niyang maja.
Nagsipag-upo na sila sa harapan ng apoy, napuno ang paligid ng kwentuhan ng mga magkakaibigan. Maya-maya ay nilapitan sina Cecile at Clarissa ng mga lalaking nanliligaw sa mga ito, niyaya sila nito na makausap ang dalawa ng solo.
Parehong kinikilig aypumayag naman ang dalawa at humingi ang mga ito ng paumanhin kay Summer dahil naiwan siyang mag-isa.
Maya-maya naman ay lumapit sa kanya si Donny, isang masugid niyang manliligaw simula pa noong high school siya. Naupo ito sa kanyang tabi.
"Hi Summer, pwede ba kitang samahan?" ang tanong nito sa kanya.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko eh, naupo ka na" ang sagot ni Summer, di niya gusto si Donny. May kahanginan kasi ito sa katawan, porke may kaya ang pamilya ng mga ito sa Villa Elena. Kaibigan rin ito, nina Alex.
"Ang suplada mo talaga" ang pabirong sagot nito sa kanya.
"Hindi ah, kumporme sa taong kausap ko" ang sagot ni Summer.
"Sobra ka naman, para tabihan ka lang naman" ang inis na sagot nito sa kanya.
Napabuntong-hininga si Summer, "o hindi ba nakaupo ka na sa tabi ko? Ano pa bang inirereklamo mo? Hayaan mo nga akong kumain ng maayos" ang sabi niya rito.
Ilang sandali namang tahimik lang silang kumain, naghihintay lang si Summer na magsimula na naman itong magtanong ng tungkol sa pnliligaw nito. At hindi nga siya nagkamali.
"Summer, ano na? Ilang taon na akong nanliligaw sa iyo, dumalaw na nga ako sa bahay ninyo, pati lola mo ay sinuyo ko na, pero hanggang ngayo ay di mo pa rin ako sinasagot?"
Napabuntong-hininga si Summer, sinasabi na nga ba niya at tungkol sa panliligaw nito ng pakay nito sa kanya.
"Donny, hindi ba sinabi ko na sa iyo, noong una pa lang na hindi ko pa, o walapa sa isip ko ang magkarun ng katipan? Bakit ba paulit-ulit mo pa ring tinatanong sa akin iyan? Pag-aaral ko muna ang priority ko at hindi pag-ibig" ang mariing sagot ni Summer.
Bumagsak ang mga balikat ni Donny, at napabuntong-hininga, "hindi ka ba naiinggit sa mga kaibigan mo? Tingnan mo nga sila?" ang tanong ni Donny sa kanya, at ang tinutukoy ay sina Cecile at Clarissa na may mga kasamang mga manliligaw nila.
"Hindi pa nila boyfriend ang mga iyun, manliligaw pa lang" ang sagot ni Summer.
"Kahit pa, sa hitsura ng mga iyun ay doon na rin iyun papunta" ang sagot nito sa kanya.
Umiling si Summer, "buo ang desisyun ko Donny, pasensiya ka na, pakiusap lang na huwag mo na akong tanungin pa sa bagay na iyan" ang inis na sagot ni Summer.
Magsasalita pa sana si Donny, nang may kamay na tumapik sa balikat nito, "Donny, iniistorbo mo ba ang kaibigan ni Cecile?" ang tanong ni Alex dito.
"Alex huwag ka ngang makialam dito, masinsinang usapan namin ito ni Summer" ang inis na sagot ni Donny kay Alex.
"Hinahanap ka na doon ni Michelle, yung nililigawan mo?" ang mariing sagot ni Alex.
Napapikit si Donny sa sinabi ni Alex dahil sa narinig ni Summer ang sinabi nito. Pero sa halip na magalit ay isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga pisngi ni Summer.
"Sige na Donny, hindi maganda ang paghintayin ang babae" ang giit ni Summer.
Umiling-iling si Donny habang tumatayo ito at inis pa na tiningnan si Alex, saka ito naglakad paalis, pabalik sa grupo nila.
Naiwan si Alex na nakatayo sa kanyang tabi, at sinundan ng tingin si Donny, nang tuluyan na itong nakabalik sa mga kabarkada nito, ay laking gulat naman ni Summer nang biglang naupo ito sa kanyang tabi.
"Ginugulo ka ba nun?" ang tanong nito sa kanya.
"Ahm, medyo, salamat ha" ang sabi ni Summer, na nagsimula na namang bumilis ang pintig ng kanyang puso.
"Ano bang pakay nun sa'yo?"ang usisa nito.
"Matagal na kasing nanliligaw iyun sa akin, at matagal ko na rin siyang tinanggihan" ang paliwanag niya.
"Bakit ayaw mo pa bang magkarun ng boyfriend?" ang muling tanong nito sa kanya.
Diyos ko! Tinatanong siya ni Alex Carpio kung ayaw pa ba niyang magkarun ng boyfriend?!
"Hindi naman, hindi ko kasi talaga gusto si Donny" ang sagot ni Summer na taliwas sa dahilan niya kay Donny, kanina.
"Parang iba yata ang narinig ko kanina" ang nangingiting sagot ni Alex.
Namula naman ang mga pisngi ni Summer, hindi niya inakala na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila si Alex,ibig sabihin kanina pa ito sa likuran nila ni Donny?
Natawa naman si Alex nang makita ang pamumula ng mukha niya, "o bakit namumula mukha mo?" ang natatawang tanong nito.
"Ha?" ang tangi niyang naisagot.
"Huwag kang mag-alala, tama lang ang ginawa mo, at may kalokohan iyung Donny na iyun, saka, bata ka pa" ang sabi nito sa kanya.
Tila nasaktan siya sa sinabi ni Alex, isang bata pala ang tingin nito sa kanya at hindi isang dalaga,
"Nga pala ano nga pala ang pangalan mo? Apo ka ni nanay Ising hindi ba?" ang tanong nito sa kanya.
"Summer, Summer ang pangalan ko" ang sagot niya.
"Alex" ang sabi naman nito sa kanya, "pero mukhang alam mo na yata ang pangalan ko nang tawagin mo ako kanina" ang nakangiting sabi nito at iniabot nito ang kamay sa kanya, na kanyang inabot para kamayan. At dama ni Summer ang malakuryenteng dumaloy sa kanyang katawan nang maglapat ang kanilang mga kamay. Tila ba nanginig ang buo niyang katawan.
Tiningnan ni Alex ang magkahawak nilang kamay at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi, at parang nagtaka siya, dahil sa may kakaibang naramdaman ang kanyang dibdib ng kamayan siya ng batang babae.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...