Halos isang linggo na ang nakalipas buhat ng mag-usap sila sa itaas ng view deck, at ang inakala niyang pagkakamabutihan nilang muli ni Summer ay mas lalo pa yatang lumala ang naging ugali nito sa kanya.
He thought that after knowing the truth about what happened last ten years ago will clear out the air for both of them, at makakapagsimula silang muli. But no, she started to distance herself more from him. And whenever he wanted to address her patungkol sa kanilang project ay napaka seryoso nitong nakikipag-usap sa kanya at ni hindi tumatagal ang pag-uusap nila ng isang minuto.
He was getting frustrated, pero dahil na rin sa pagiging abala nila sa proyekto ay di pa niya ito maapproach, he knew na kapag sa gabi at kailangan na nitong magpahinga kaya hindi na niya ito magawang istorbohin pa.
But he badly wanted to speak to her, dahil ba sa asawa nito kaya umiiwas ito sa kanya? Wala na ba itong pagmamahal sa kanya at tuluyan ng nabura ng Bisset na iyun ang pagmamahal sa kanya ni Summer? Siguro nga.
Pero dapat na ba niya itong tigilan, dahil mailalagay niya sa alanganing sitwasyon si Summer, ang papiliin ito between her husband and him? Maaatim ba niya na sa huli ay hindi siya piliin ni Summer? Ang mga gumugulong tanong sa isipan ni Alex.
Ang magagawa na lang ba niya sa mga sandaling iyun ay ang ibigin si Summer kahit na sa malayo. And his heart was hurting everyday. Mas malala pa ang pakiramdam niya ng mga panahon na ito kaysa noong hinahanap pa lang niya si Summer.
Dahil noon, puno siya ng pag-asa na kahit papaano ay nag survive ang pag-ibig sa kanya ni Summer, pero ngayon na, nagkita na nga sila pero ang puso naman nito ay pagmamay-ari na ng iba.
Sa ikinikilos ni Summer, mukhang hindi na ito interisado sa kanya, mukhang nabura na siya ng Bisset na iyun, sa puso ni Summer. At sobra ang sakit na nadarama niya.
Hindi, hindi siya susuko, ang sabi lang naman nito sa kanya ay hindi na pupwede, pero hindi nito sinabi na hindi na siya nito mahal. Kaya, dapat, malaman niya mismo sa bibig ni Summer na hindi na siya nito mahal, saka lang siya titigil sa pagpupursige niya rito.
Dumating na ang araw ng reunion at kasama na nga rito ang fund raising para sa renovation ng public school. At dahil sa Sabado ng gabi ginanap ang party ay halos nakadalo na ang lahat.
Wala namang dress code pero pinili ni Summer na magsuot ng isang knee length na kulay puti na summer dress with pink flower prints. May capped sleeves ito at belt na kulay itim. Tinernuhan niya ng wedge sandals na kulay beige. She let her long straight hair down at ni hindi na siya naglagay pa ng make up. Dala niya ang kanyang iaalok sa auction sa loob ng isang brown paper bag.
Pagdating niya ay buhay na buhay na ang lumang gymnasium ng eskwelahan. Natatandaan pa niya noon na naglalaro sila ng badminton noon sa tuwing P. E. nila. Naging masayang parte rin ito ng kanyang pag-aaral.
Pumasok siya dala ang paper bag at agad niyang nakita sina Clarissa at Cecile na galing din ng ibang bansa at nagbabakasyon din lang sa Pilipinas. Agad na nagtilian ang mga ito ng makita siyang paparating, tila ba bumalik ang panahon na mga teenager pa lang sila.
"Summer! Kamusta ka na! Look at you my god! You look so good! Mas lalo kang gumanda" ang masayang sabi sa kanya ni Cecile na may-asawa na rin at sa Dubai na sila naninirahan.
"Thank you, ikaw, kamusta ka na?" ang masayang bati niya sa kaibigan.
"Heto, lima na ang anak, nag contest kami ni Clarissa eh, paramihan ng anak, kaya panalo ako" ang nakangiti at pabirong sagot ng kaibigan, "eh ikaw? Ang seksi seksi mo, huwag mo sabihin na sampu anak mo tapos ganyan ang katawan mo magwawala ako rito" ang sabi pa nito.
"Wala pa akong anak" ang natatawang sagot niya.
"Pero may asawa ka na?" ang mabilis na tanong nito.
"Ah" ang tanging naisagot niya.
"Ay, naku wag na natin muna pag-usapan yan, maupo na muna tayo at kumain, kanina pa simula ang kainan, hinihintay ka lang namin" ang putol ni Clarissa.
Agad naman silang naghanap ng mauupuan at medyo natagalan pa sila dahil sa nakipag batian sila sa mga nakikitang kakilala, kaya inabot pa sila ng kalahating oras bago sila tuluyan na nakakuha ng pagkain na buffet style at tuluyan na nakaupo.
Summer looked around at pa simpleng tiningnan niya ang paligid at nagtaka siya kung bakit wala si Alex. Busy siguro o baka may ka date, ang sabi niya sa sarili, at kung bakit nang maisip niya na may ka date si Alex ay nagpainit ng ulo niya. Bakit ba siya nangagalaiti kung may ka date ito? Wala na siyang pakialam pa kung may kasama itong ibang babae tutal naman siya ang nagtaboy rito.
Naalala niya ulit ang naging usapan nila sa lighthouse. Kung pupwede nga lang sana ay pagbibigyan niyang muli si Alex, pero, sampung taon ang lumipas at marami na ang nangyari. Kaya gustuhin man niya ay di na pupwede.
Pero bakit hinahanap – hanap niya ito ngayon? At nanghihinayang siya dahil hindi ito pumunta? Ang giit niya sa sarili. Dahil sa hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Alex. And everything's getting complicated. She tried to shook off his image sa kanyang isipan at itinuon ang atensyon sa kanyang kinakain.
Pagkatapos ng ilang oras ay nagsimula na ang programa, para sa auction at fundraising ng head ng school alumni para sa renovation ng school. Kaya pinalipat na muna silang lahat sa school auditorium, habang aayusin naman ang gymnasium para maging dance hall para sa gaganapin na sayawan mamaya pagkatapos ng auction.
"OK good evening po sa lahat, nabusog na po ba?!" ang tanong nito at malakas na hiyawan ang isinagot nila rito.
"Sige po, so again good evening at salamat po6sa paglalaan ninyo ng oras na makapunta sa reunion for a cause ng ating paaralan. Alam po natin na ang iba pa sa inyo ay nanggaling sa malayong lugar like sa Manila at ang iba ay sa ibang bansa pa kaya, muli ay maraming salamat. At simulan na po natin" ang masayang sabi ng host na isa ring dating kaklase nila noong high school.
Iba-ibang bagay ay inilagay sa auction, may mga antique at collectors item na mga gamit, may mga modern rin, alahas, paintings at kahit pa secondhand na sasakyan.
At nang oras na para kay Summer na magpunta sa stage ay bigla siyang kinabahan, may kukuha kaya ng offer niya? Ang gaganda na kasi ng mga nauna kaya kinabahan siya. Umakyat na siya sa stage para ioffer ang kanyang ipapa auction. And she quickly scanned the sea of faces, pero wala roon si Alex, at nakadama siya ng kalungkutan. Pero, sandali niyang pinawi iyun at itinuon ang pansin sa auction.
"Ma'am o Engineer Summer Bisset, ano po ang gusto ninyong itawag namin sa inyo?" ang magiliw na tanong nito sa kanya.
"Summer na lang, ikaw naman oh Michael parang iba ka naman" ang sagot ni Summer.
"Oo nga eh, alam nyo po ba na crush ko itong si Summer dati noong high-school pa kami? " ang sabi ng host na nagdulot ng bahagyang hiyawan sa mga naroon, at kumunot ang noo ni Summer dahil wala siyang kaalam-alam sa pinagsasabi ng dating kaklase, ni hindi nga niya alam kung nanggu good time lang ito para sa program.
"Kaso, alam ko naman na wala akong chance na magustuhan ni Summer lalo pa at ang karibal ko ay ang sikat na basketball player ng Villa Elena" ang sabi pa nito na pinalungkot pa ang boses. At biglang tiningnan ni Summer ang mga mukha sa audience at wala pa rin doon si Alex. Napailing na lang siya at napangiti sa sinabi ng dating kaklase.
"So, Summer, ano ba ang iooffer mo para sa ating auctin" ang tanong sa kanya sabay abot ng mic.
"Ahm, good evening, ang iooffer ko ay hindi mukhang kaiba sa lahat, ahm, I'm offering my services of baking pan au chocolat, that's good for twenty to thirty people and I'll also be your barrista for a day I'll serve coffee, also good for twenty to thirty person kaya kung may meetings or gatherings kayo na good for that number of persons then grabbed my services from this auction, but the offer would only be valid kung hanggang kailan lang ako rito ha?" ang magiliw na sabi niya.
"Okey simulan na natin ang bidding para sa ang hirap bigkasin ng bread na yun at kape" ang biro ng host.
"We'll start the bid for one thousand" ang sabi nito.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...