Pagkatapos ng dalawang oras na review class niya sa bayan ng San Vicente ay sa bahay nina Summer niya naisip na dumiretso. Excited siya na sumakay na motor, ipapaalala niya rin dito ang birthday niya bukas.
Habang binabagtas niya ang daan patungo sa Villa Elena ay namataan niya sa kalayuan si Summer na naglalakad, may dala itong eco bag, na mukhang mabigat ang laman. Kumunot ang noo niya, naglalako yata ng paninda si Summer, pero may kainitan na at magtatanghali na.
Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso nang masilayan ang magandang mukha nito at ang mga mata nito na tila tumatagos sa iyong puso, ang sabi ni Alex sa sarili.
Mukhang nakita na rin siya nito at huminto ito sa paglalakad at nanatiling nakatayo at hinihintay siya. Binagalan na niya ang takbo ng motor at huminto sa harapan nito. Agad niyang inalis ang kanyang helmet at bumungad sa kanya ang matamis na ngiti ni Summer. He had that impulse to kiss that smile and taste her lips again, ang sabi niya sa sarili.
"Saan ang punta mo?" ang tanong niya kay Summer, at tiningnan niya ang dalang eco bag nito.
"Ah, sa mismong bayan sana, kasi iaalok ko ang paninda ko" ang sagot ni Summer.
"Bakit? Wala na ba ang mga nirarasyunan ninyo ng paninda?" ang takang tanong ni Alex.
Namula ang pisngi ni Summer, "ah, dadalawa na lang kasi ang kumukuha sa amin, yung iba umayaw na" ang mahinang sagot nito.
"Eh ang pamilya nina Jacel?" ang usisa niya rito.
"Ha, ah, eh,... tumigil na rin sila.. Sa pagkuha ng paninda" ang sagot ni Summer na pahina ng pahina ang boses.
"Huh? Bakit? E ang alam ko gustong-gusto nila ang luto ni nanay Ising" ang takang sagot ni Alex.
Umiwas ng tingin si Summer at napayuko, kaya batid ni Alex na may inililihim si Summer sa kanya.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" ang usisa ni Alex.
"W-wala"-
"Sige ako mismo pupunta dun sa kanila para magtanong"-
"Naku Alex huwag!" ang pakiusap ni Summer.
"Sabihin mo sa akin kung gayun" ang giit ni Alex.
Napabuntong-hininga na lang si Summer, "nakipag hiwalay ka kasi sa kanya Alex, ang akala siguro ni Jacel ay ako ang dahilan, pinagbantaan na niya ako noon na kapag hindi ako umiwas sa iyo ay sasabihin niya sa magulang niya na hindi na kumuha ng paninda kay lola" ang sagot ni Summer.
Naalala tuloy ni Alex noong gabi na sinundo niya si Summer at dinala sa lighthouse para sabihin na hiwalay na sila ni Jacel. Nakita niya ang labis na pag-aalala sa mukha nito, kaya pala paulit-ulit nitong sinabi sa kanya na hindi niya dapat ginawa ang pakikipaghiwalay kay Jacel. Iyun pala ang mangyayari, nakaramdam ng awa si Alex sa maglola, at ang panibagong dagok sa dalawa ay siya pa ang may kasalanan.
"Kakausapin ko ang mga magulang ni Jacel" ang sagot ni Alex.
Mabilis na umiling si Summer, ayaw niya na magmakaawa sa pamilya ni Jacel, "hindi na Alex, kaya ko naman ang magtinda, huwag mo na sanang gawin pa iyun, pakiusap lang" ang sabi ni Summer.
Napabuntong-hininga si Alex, "Halika sumakay ka" ang sabi niya sa dalaga.
"Ha, pero kailangan kong itinda"-
"Oo alam ko, kaya nga tutulungan na kita, akin na yang bag, isuot mo yang helmet mo" ang sabi ni Alex, na laging dala ang helmet na binili niya kay Summer para sa tuwing umaalis sila ay may magamit ito.
Agad naman na sumunod si Summer, isinuot niya ang helmet at umangkas sa likuran ng motor. Si Alex na ang humawak sa bitbit niyang bag. Pagkaupo ay agad na pinaandar ni Alex ang motor pabalik sa kung saan siya nanggaling.
Pinuntahan nila ang mga bahay ng kaibigan ni Alex at inialok sa mga ito ang dala niyang tinda, at ilang minuto lang sila na nag ikot sa bayan ay naubos na ni Summer ang kanyang dala. May mga kakilala pa nga si Alex na umorder na lang dahil naubusan na si Summer ng dalang paninda.
Tuwang-tuwa si Summer dahil mabilis na naubos ang tinda niya, at napakalaki ng pasasalamat niya kay Alex dahil tinulungan siya nito.
Pagkatapos nilang maibenta ang paninda ay dumiretso sila sa bahay nila Alex para managhalian at nag-stay pa ng ilang oras sa bahay nito dahil na rin sa pakikipag kwentuhan ng mama ni Alex sa kanya. Unti-unti na ngang nawala ang hiya ni Summer sa mama ni Alex at nakapalagayan na niya ng loob ang mama nito.
Pagkatapos ay inihatid na siya ni Alex sa kanilang bahay, saglit lang na namalagi si Alex sa kanilang bahay at nagpaalam na rin ito. Sinabihan na rin siya ni Alex na magpahinga na muna at tiyak na napagod daw siya.
Kaya nga dahil sa feeling BF na niya si Alex ay agad siyang sumunod, maaga siyang natulog para bukas ay makabili pa muna siya ng panregalo kay Alex.
![](https://img.wattpad.com/cover/203644556-288-k636417.jpg)
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...