Naka receive ng tawag si Alex mula kay Rojie, naroon na raw ang buong barkada sa may nag-iisang club sa bayan ng San Vicente, at dahil kagabi pa nila napagplanuhan ang get together nilang magbabarkada ay hindi naka ayaw si Alex.
He really needed to unwind, kaya pagkatapos niyang puntahan si May, na isang dating kaklase rin noong college at nagbabakasyon rito sa San Vicente. Nameet lang niya ito ulit nitong reunion nila sa school.
Pagkatapos niyang makausap si May kung bakit hindi ito nakapunta at tungkol sa mga lakad nila sa darating na araw ay dumiretso na ito sa club kung nasaan naroon ang barkada.
"Pre! Here!" ang masayang tawag ni Donny sa kanya at kinawayan siya nito. Mabilis siyang lumapit sa mga ito at masayang kinamayan at tinapik ang balikat ng mga kaibigan.
"What took you so long!" ang natatawang tanong sa kanya ni Donny.
Naupo siya sa tabi nito at natatawang sumagot sa kaibigan, "sus, e sandali lang kayong naghintay" ang sagot niya.
"O bakit late ka? Sino na naman ba ang prospect mo si May ba?" ang inatrisadong tanong ni Donny sa kanya at pinagbuksan ng beer na mula sa ice bucket at iniabot kay Alex.
"O eh ano naman kung si May ang prospect ko may problema ka ba?" ang natatawang tanong ni Alex. Hindi kasi alam ng mga kaibigan na may usapan lang sila ni May, na girlfriend na ng pinsan.
"Wala lang para saan pa yung binayad mong isang million para makasama si Summer?" ang usisa ni Rojie.
"Uy Rojie mabuti at pinayagan ka ni Clarissa? Baka bugbugin ka kapag late ka ng umuwi?" ang pangbubuska ni Alex kay Rojie sabay lagok sa beer na hawak sa kamay.
"Huy, hindi ako takot sa asawa ko noh! Pero, hindi ako pwedeng mag pagabi ng husto ha" ang mahinang sabi ni Rojie. At isang malakas na tawanan ang namayani sa kanilang lamesa at saglit na nakalimutan ang tanong nito para Kay Alex.
Maraming kwentuhan at tawanan ang nag palitan sa kanilang lamesa hanggang sa inabot na sila ng ilang oras.
"Oo nga pala sigurado ka ba kay May? Eh paano na si Summer?" ang tanong ni Donny sa kanya.
"Mukhang malabo kasi si Summer at may asawa na" ang nanghihinayang na sabi ni Alex at tiningnan niya ang namumuong butil ng tubig sa kanyang bote ng beer.
Isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ni Rojie, "naloko ka pre, walang asawa si Summer" ang biglang sabi ni Rojie at napakagat labi ito ng mapagtanto ang sinabi nito. Nagsabi pa naman sa kanila si Summer na huwag ipagsabi na wala siyang asawa.
Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Alex kay Rojie, "anong sabi mo?" ang tanong niya sa kaibigan na umiwas na ng tingin.
"Ha? Ma-may sinabi ba ako?" ang tanong na sagot ni Rojie sa kanya.
"Pre, ano yung sinabi mo kanina na naloko ako ni Summer at wala itong asawa?" ang mabagal at malumanay na tanong ni Alex pero halata ang pagtitimpi nito. At alam nila ang temper ni Alex.
"Pre, baka mabugbog ako ni Clarissa" ang pagmamakaawa nito sa kanya.
"Gusto mo ako na ang maunang bumugbog sa iyo?" ang gigil na tanong ni Alex sa rito.
"Rojie, sabihin mo na kasi, hindi namin sasabihin na ikaw ang nagsabi, sigurado ka ba sa sinabi mo?" ang usisa ni Donny.
Napabuntong-hininga at napakamot sa ulo si Rojie, "wala talagang asawa si Summer pre, palabas lang niya yun" ang sagot ni Rojie.
"Then bakit Bisset ang apelyido niya?" ang giit ni Alex.
"Eh, kasi yung papa niya nilegalize na yung mga papel niya, French national ang papa ni Summer kaya ginamit na nito ang apelyido ng papa niya" ang paliwanag ni Rojie.
Napailing si Alex at napakagat sa kanyang labi, naloko siya ng babaeng iyun, gulong-gulo ang isipan niya kung itutuloy ang pagsuyo niya rito dahil sa inakala niya na magugulo niya si Summer dahil may asawa na ito, tapos, wala pala itong asawa?! Ang galit na sabi niya sa sarili.
Mabilis na dumukot ng pera si Alex at iniwan sa lamesa, "share ko mauna na ko" ang galit na sabi ni Alex.
"Huy Alex, wag mo akong ihuhulog ha!" ang malakas na paki usap ni Rojie sa kanya.
"Pangako!" ang sagot niya na hindi man lang humarap sa kaibigan at patuloy na naglakad palabas ng club.
Mabilis niyang pinaandar ang motorsiklo, ang dalawang oras na biyahe ay kukuhanin niya ng isang oras, hindi siya makapaniwala sa narinig. Isang sagot nga sa kanyang panalangin ang pagkikita nilang muli ni Summer, and this time, hindi na niya ito pakakawalan.
Patay na ang lahat ng ilaw sa bahay ni Summer pagkarating niya maliban sa ilaw sa labas ng bahay. At dahil sa may gate na ang bahay nila Summer ay nakuha niyang maghintay sa labas ng gate at kumuha siya ng maliit na bato at binato niya ang bintana ng kwarto ni Summer.
Nakailang bato na siya sa bintana, hanggang sa buksan na iyun ni Summer at halata sa hitsura nito na tulog na tulog na ito.
"What? Hindi mo ba alam kung anong oras na?" ang sagot nito sa kanya na di mo malaman kung sisigaw o bubulong.
"Buksan mo ang pinto, I want to talk to you" ang mariin niyang sagot.
"Late na, bukas na lang" ang sagot nito sa kanya at akmang isasara nito ang bintana ng dumampot siya ng malaking bato at nanlaki ang mga nito na makita siyang hawak niya ito.
"Bubuksan mo ang pinto o ito ang ibabato ko sa bintana mo?" ang galit na tanong ni Alex sa kanya.
Hindi makapaniwala si Summer sa sinabi ni Alex, seryoso ba ito na gagawin ang banta? O nagloloko lang ito, pero paano kung gawin nga nito at batuhin ang bintana niya? Hindi na bale na mabasag ang bintana niya kaso siguradong mabubulahaw ang mga kapit bahay niya.
"Don't you dare Alex" ang banta niya rito.
"Subukan mo ako" ang banta rin nito sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang pag buksan na lang ito.
"Maghintay ka!" ang gigil na sagot ni Summer at lumabas na nga ito ng kwarto at lumabas ng bahay para buksan ang gate. Mabilis na pumasok si Alex sa loob at nauna pa itong pumasok sa loob ng kayang bahay.
Grr, ano bang problema nito? Ang takang tanong niya sa sarili habang isinasara ang gate at sumunod siya papasok ng bahay. Pagkasarang - pagkasara niyang pinto, she opened her mouth to talk nang hilahin siya ni Alex at idinikit sa pader, and instantly his mouth was on hers.
She tasted beer in his searching mouth and she felt intoxicated, this was the first time na hinalikan siya ng ganun ni Alex, and this was a real kiss. He held her hands with his, and pressed them onto the wall.
Hindi siya nag-alinlangan pa, ang tagal niyang hinintay ng halik na iyun, pero bakit? Bakit ngayon pa? Ang tanong niya sa sarili. At parang gusto niyang umiyak. Pero pinigilan niya ang sarili, inalis niya muna sa kanyang utak ang lahat ng isipin and she savored that moment.
Lalong naging mapusok ang labi ni Alex, "Open up" ang saglit na bulong nito sa kanyang labi bago muling siniil ng halik ang kanyang labi, at ibinuka na nga niya ang kanyang bibig sa mapanuksong dila ni Alex.
At nagpaungol siya ng maramdaman na niya ang mainit na dila ni Alex sa loob ng kanyang bibig, at pinasadahan nito ang kasuluksulukan ng kanyang bibig.
Binitawan na rin ni Alex ang kanyang kamay at agad itong pumulupot sa balikat ni Alex habang ang mga kamay naman nito ay nagtaas baba sa kanyang tagiliran at dama niya ang mainit na palad nito na dumadampi sa gilid ng kanyang dibdib.
She felt hot all over at inalis na niya ang kanyang hiya at ipinasok niya rin ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Alex. She tasted, his mouth, marahan pa niyang sinipsip ang dila ni Alex. At isang malakas na ungol ang lumabas sa bibig ni Alex.
"Ooh baby, thats good" ang bulong ni Alex sa mga labi ni Summer.
Napaungol na lang ng husto si Summer ng maramdaman niya ang bibig ni Alex na bumaba sa kanyang leeg at sa sensitibong parte nito.
"Ooh, Alex" ang tanging naisambit niya at napasabunot siya sa buhok nito.
Pero bigla itong tumigil, at bigla siyang dumilat at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Alex.
"You're crumbling in my hands Summer Avellaneda" ang nakangiting sabi ni Alex, "wala pa yan sa matitikman mo mula sa akin but I want you to want me and I'm going to have you, all of you, your heart and your body, but I want you to come to me and begged for it" ang sabi ni Alex bago siya nito muling hinalikan sa labi at mabilis na lumabas ng bahay. Maya-maya pa ay narinig na niya ang tunog ng motor na papaalis.
Nanginginig ang kanyang mga kamay na hinaplos ang kanyang labi, yes she wanted him, she wanted him so bad, kaya niyang magmakaawa kay Alex para lang mahalin siyang muli nito. Pero bakit? Bakit ngayon pa? Ang hinanakit ni Summer habang unti-unti siyang napaupo sa tabi ng pintuan na parang nauupos na kandila.
Bakit ngayon pa? Talaga bang malupit sa kanila ang tadhana? Talaga bang pinagtatagpo lang sila ng tadhana para saktan ang isa't isa? Bakit ngayon pa kung kailan may naghihintay sa kanya sa Pransya?
Was she ready to risk everything and be hurt again para lang sa panandalian na kaligayahan na matatamasa niya sa piling ni Alex? O tuluyan na lang siya na lalayo rito dahil sa alam niyang sa huli ay masasaktan nila ang isa't isa? Hindi niya alam, pero nang mga sandaling naglapat ang kanilang mga labi, ang puso niya ay naghuhumiyaw na piliin si Alex kahit panandalian lang habang ang isipan naman niya ay malakas na sumisigaw at tumatanggi dahil masasaktan lang silang pareho sa huli.
Hindi na niya alam, naguguluhan na siya ang sabi niya sa sarili at wala na siyang nagawa kundi ang lumuha.Kinabukasan ay araw na naman ng trabaho nila sa lighthouse, kahit pa ayaw niyang magpunta dahil sa makakaharap niya si Alex at sa tuwing maalala na naman niya ang nangyari kagabi ay di niya mapigilan ang mamula at mag-iinit agad ang kanyang mga pisngi niya.
That was the real kiss, ang sabi niya sa sarili habang hawak ng mga daliri niya ang kanyang mga labi. She never thought that she would kiss him back with so much ardor. At halos mag-init ang kanyang katawan ng maramdaman ang mga kamay ni Alex na humahagod sa kanyang tagiliran at nadampian nito ang gilid ng kanyang dibdib.
But she has to act professionally yung hindi isinasama ang personal feelings sa trabaho. Although she was scared sa sinabi ni Alex sa kanya kaninang madaling araw, na siya ang kusang lalapit dito at magmamakaawa para mahalin siya nito para angkinin ang kanyang puso at katawan. The thought scared and excited her at the same time. Pero alam niya na hindi na nalalayo na mangyari ang banta nito sa kanya.
Pagdating niya sa site ay di niya mapigilan na makaramdam ng nerbiyos at excitement.
Hindi niya kasi alam kung anong gagawin ni Alex, baka masyado itong maging showy sa namagitan sa kanilang dalawa? Baka masyado itong lumapit sa kanya at magpakita ng sweetness sa kanya. Ayaw niya na makakuha ng masyadong atensyon at maging usap-usapan na sila ng mga tao.
She expected na pagkarating niya sa site ay isang Alex na may malapad na ngiti ang sasalubong sa kanya. Isang malambing na Alex na lalapit sa kanya.
She expected those things pagkarating niya sa site.
She expected a lot of things, pero hindi ang nakita niya pag-akyat niya ng site ng lighthouse.
Ang masaya at excited na pakiramdam niya ay naglahong parang bula. Nandun na si Alex at kasama nito at nakahawak sa braso ni Alex ay ang isang babae none other than..
"May" ang inis na bulong niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...