“Alex, aalis na ako ha? Alam ko naman na magdadatingan ang mga kabarkada mo at magpapatugtog na naman kayo ng malakas at mag iinuman, kaya dun na muna ako kina tita Rio mo, nariyan na ang mga pagkain ninyo nakahanda na. Kapag kinulang bumili na lang kayo sa labas ng roasted chicken or liempo. Andyan na rin ang beer sa loob ng ice chests, tapos may extra pa sa may likod, doon naman kayo pupwesto hindi ba?” ang sunud-sunod na bilin at sabi ng kanyang mama.
“Opo ma, thank you po” ang sagot ni Alex na mukhang malayo ang iniisip.
“O bakit parang lumilipad ang diwa mo?” ang nakakunot na tanong ng kanyang mama.
Napabuntong-hininga si Alex, “iniisip ko po kasi si Summer mama” ang sagot ni Alex at napakamot siya sa kanyang noo.
“O bakit? Oo nga pala bakit wala pa si Summer, bakit hindi mo pa sunduin? Hindi ba dapat nandito na siya?” ang takang tanong ng mama niya.
“Tinawagan ko nga po, may sakit, baka siguro nang mainitan kahapon sa pagtitinda, tsk, nag-aalala po ako eh” ang sagot ni Alex.
“O eh, anong sabi mo?” ang tanong ng mama niya.
“Sabi ko nga po na huwag ng pumunta, eh, gusto nga po sana niya, kapag gumaling siya, eh, sinabihan ko na huwag na lang at baka lumala pa ang sakit niya, pupuntahan ko na lang siya bukas” ang sagot ni Alex.
“Mabuti pa nga, saka… hindi naman mag-eenjoy si Summer, lalo pa at puro inuman lang kayo, naku baka malasing ka pa at… naku Alex, ha.. May mga pupuntang babae yata rito ha, huwag nyo gagawin na motel itong bahay malilintikan kayo sa akin” ang banta ng mama niya.
“Mama talaga! wala akong ginalaw ni isa sa mga naging girlfriend ko!” ang giit ni Alex.
“Mabuti nga at wala, kaso baka kay Summer ka bumigay at iba ang mga tingin mo” ang sagot ng mama niya sa kanya, “OK lang na maging manugang si Summer, kaso masyado pang bata si Summer, hayaan mo munang makapag tapos bata ka” ang giit ng mama niya.
“Mama talaga” ang natatawang sagot ni Alex.
“O siya sige na, aalis na ako, huwag masyadong magkalat ha, ayoko ng maraming linisin, nandyan na ang black bag itapon nyo na lang lahat diyan” ang huling bilin pa ng mama niya.
“Opo mama, sige na po ikamusta mo po ako kay tita” ang sagot ni Alex at sinundan na lang ng tingin ang kanyang mama na paalis.
Maya-maya pa ay nagsipagdatingan isa-isang nagsipagdatingan ang mga kaibigan ni Alex, ang iba ay mga kaklase niya at siyempre ang team mates niya kasama ang nga girlfriends ng mga ito.
Sinimulan na nila na patugtugin ang malaking stereo sa sala habang nasa kusina sila para kumain, isinara na lang nila ang front door at alam naman ng mga kaibigan niya na may daan pa sa likod. Pagkatapos kumain at magpahinga ng kaunti, inayos na nila ang mga upuan sa likod at naglabas ng lamesa para patungan ng mga beer at pulutan nila.
Hapon pa lang ay nagsimula na silang uminom at inabot na sila ng gabi. Naparami na ang mga nainom nila, kasalukuyan na nagkukuwentuhan sila ng biglang lumitaw si Jacel.
Naka miniskirt ito at tight shirt kaya kitang-kita ang magandang hubog ng katawan at ang kaputian nito. Naghiyawan ang mga girlfriend ng kateam mate niya na kaclose ni Jacel. Mukhang mas lalo itong gumanda, ang sabi ni Alex, na tiningnan si Jacel na naglakad papalapit sa kanya.
Pero, ibang mukha ang gusto niyang makita ng mga sandaling iyun, ang mukhang may mga gintong mga mata na may lungkot at tuwa.
“Anong ginagawa mo rito?” ang gulat na tanong ni Alex na hindi rin naitago ang pagkairita sa boses niya. Lalo pa ng maalala niya ang mga sinabi ni Summer sa kanya kahapon. Kaya nagkasakit si Summer ngayon ay kinailangan nitong magtrabaho at dahil iyun sa babaeng ito, ang galit na sabi ni Alex sa sarili.
“Whoah, Alex, kahit naman break na tayo, kaibigan mo pa rin naman ako diba?” ang nakangiting sagot ni Jacel, na kung pagmamasdan mo ay may mukha ng anghel pero ugali ng – hindi na niya naituloy pa ang iniisip.
“Here regalo ko sa iyo” ang sabi ni Jacel, sabay abot ng isang maliit na box na kulay itim.
Nag-aalangan man ay tinanggap iyun ni Alex, hindi naman kasi siya bastos para palayasin ito, pwera na lang kung may gawin ito na hindi niya magustuhan.
“Salamat” ang matipid at walang buhay niyang sagot.
“Open it” ang sabi ni Jacel sa kanya, at napabuntong-hininga hininga na lang siya at binuksan ang kahon at nakita niya ang isang relo.
Mahilig siya sa relo, kaya siguro ito ang iniregalo sa kanya ni Jacel, mamahalin din ito, ang sabi niya sa sarili. Pero, walang makakapantay sa iniregalo sa kanya ni Summer sa lighthouse. At di niya napigilan ang mapangiti ng maalala iyun.
“I’m glad you like it” ang masayang sabi ni Jacel na ang sa pag-aakala nito na ang regalo nito ang dahilan ng kanyang pagngiti.
Hindi na nagsalita pa si Alex at ipinatong na lang niya ang relo sa ibabaw ng lamesa. Muli niyang dinampot ang bote ng beer na iniinom niya. Tinungga niya ang laman nito, nakakailang bote na siya ng beer simula pa kaninang hapon at medyo nahihilo na rin siya.
Alex, ano ba talaga ang score niyo ng Summer na iyun?” ang tanong ng isang kaibigan niya na pinagbantahan nila kahapon ni Summer.
“Girlfriend mo na ba?” ang interisadong tanong ni Jacel.
He eyed Jacel, itong babae na ito ang dahilan kung bakit nahihirapan si Summer, ano pa kaya ang kayang gawin nito kay Summer? No, hindi niya pwedeng ilagay na naman sa alanganin si Summer, it’s obvious na may gusto pa rin sa kanya si Jacel.
“Hindi ko pa siya girlfriend ni hindi ko pa nga siya nililigawan” ang sagot ni Alex, no hindi niya kailangan na ishare sa mga ito ang personal niyang buhay. Napaka espesyal ng kung anong meron sila ni Summer.
“Eh paano mo naging kaclose si Summer?” ang muling usisa sa kanya ng kaibigan na lalaki.
“Naawa kasi ako sa kanya noon, nang maaabutan ko siya na kinakausap yung puno ng narra”- hindi na niya naituloy ang sagot dahil sa nagtawanan na ng malakas ang mga kasama niya sa lamesa. At parang nakonsensiya siya sa kanyang nasabi. At nakaramdam na rin siya ng inis sa mga kaibigan ng mga sandaling iyun. Nagtitimpi na siya ng galit.
“Ano naman ang sinabi niya sa puno?” ang natatawang tanong ni Jacel sa kanya, at umiling-iling pa ito.
Hindi na sumagot pa si Alex, he was trying to contain his anger, dahil sa ginawang pagtawa ng mga ito kay Summer. Hinawakan niya ng mahigpit ang bote ng beer and he was trying hard not to throw the beer bottle on them.
“Sinabi ko na nga ba, charity purposes lang ang pakay mo sa babaeng yun, pinagseselos mo lang yata ako eh” ang biglang sabi ni Jacel at tumayo ito at kumandongsa kanya, inilagay nito ang mga braso sa kanyang batok kaya naghiyawan ang mga kasama nila.
“Inupuan na! Kiss! Kiss!” ang hiyaw ng mga ito.
“Jacel, pwede ba, tigilan mo iyan” ang mahinang sabi ni Alex at marahang itinutulak si Jacel.
“Why? Mas type mo ba yung tindera ng kakanin na may sira sa ulo?” ang malakas na tanong sa kanya ni Jacel at nagtawanan ang lahat.
Itinulak ng malakas ni Alex si Jacel at bigla siyang tumayo, kaya halos mapaupo ito “anong nakakatawa ha? O yan pagtawanan nyo yang babaeng yan na nasa sahig! Kung pumunta kayo dito para insultuhin si Summer, umalis ka kayo!” ang galit na sigaw ni Alex.
“Pare, relax lang nagkakatuwaan lang naman tayo” ang sagot ng kaibigan na lalaki at tumayo na rin ito, habang si Jacel ay napahiya at halos maiyak sa nangyari.
Mas lalong nagpantig ang mga tenga ni Alex, katuwaan?! Nilapitan niya ang kaibigan at hinikit ang t-shirt nito, “katuwaan? Gusto mo ng katuwaan? Sige katuwaan tayo!” sabay tulak niya sa kaibigan at bumalandra ito sa may pader. Mabilis na naglapitan ang iba nilang kasama para awatin silang dalawa.
“Alex tama na yan, pasensiya ka na, hindi namin sinasadya” ang sabi sa kanya ng isa sa mga kaibigan na umaawat.
“Umalis na kayo!” ang sigaw ni Alex, “umalis na kayo! Lalo ka na Jacel! Dalhin mo yang relo mo! O gusto mong ihagis ko yan sa iyo?!” ang galit na sigaw ni Alex.
Natakot si Jacel sa nakita niyang reaksyon ni Alex, dinampot niya ang box ng relo at dali-dali itong umalis. Habang ang iba niyang mga kaibigan ay ganun din ang ginawa. Iniwan siya nitong mag-isa sa likod bahay.
At pag-alis ng mga ito, ay tila ba nakahinga siya ng maluwag, at pinisil niya ang kanyang mga mata at ilong. Saka siya kumilos at iginugol na lang niya ang oras sa pagliligpit ng mga kalat sa kanilang bahay. Kumuha siya ng black bag at inilagay ang lahat ng kalat. At dahil sa alam niyang puno na ang basurahan nila simula pa nung hapon ay itinabi na lang niya sa may gilid ng pader sa likod ang naipon niyang mga basura. Bukas na niya iyun ilalabas ng kanilang bakuran.
Pagkatapos niyang maglinis, pinatay na niya ang stereo sa salas, ikinandado na niya ang mga pinto sa bahay. Kumuha siya muli ng isang bote ng beer at nagtungo siya sa kanyang kwarto.
Binuksan niya ang kanyang laptop at dun nagpatugtog ng music, naupo siya sa gilid ng kama at tumungga ng beer.
Naisip niya si Summer, ang pagkakasakit nito dahil sa pagtitinda. Kailangan niyang makaisip ng paraan para tulungan ito. Tutal, graduate na siya, at kapag naipasa niya ang board exam at makapagtrabaho, tutulungan niya si Summer. Tutulungan niya ito sa pag-aaral sa kolehiyo.
Gagawin niya ito, hindi dahil sa naaawa siya rito, not for charity. Tutulungan niya si Summer, dahil sa importante ito sa kanyang buhay, hindi bilang isang kaibigan, kundi bilang isang babae na kabiyak ng kanyang puso. Oo, mahal na niya si Summer, at bukas ay aaminin na niya ang tunay niyang nararamdaman sa dalaga.
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, kung wala lang sakit si Summer ay baka tinawagan o pinuntahan na niya ito. Pero, kailangan nitong magpahinga. May bukas pa, may bukas pang naghihintay para sa kanilang dalawa, para sa isang magandang simula, ang masayang sabi ni Alex sa sarili.
Inubos na niya ang beer sa bote, nagtungo siya ng banyo para maglinis, saka siya nahiga sa kama, kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan ang litrato nila ni Summer sa lighthouse nang halikan siya nito, at di na naman niya mapigilan ang hindi ngumiti.
Bukas, ang sabi niya sa sarili, at nakatulog na siya na may ngiti sa mga labi.Halos patakbong pumasok si Summer sa loob ng kanilang bahay, at nagulat ang kanyang lola Ising na nakaupo sa may upuan na kahoy sa sala. Nakita nito ang kanyang lumuluhang hitsura at naalarma ito.
“Summer? Apo bakit anong nangyari?” ang alalang tanong ni Ising bigla siyang napatayo at mabilis na nilapitan si Summer, hinabol niya ito bago tuluyan na makapasok sa loob ng kwarto. Hinawakan niya sa balikat ang apo at marahang hinila ito paharap sa kanya.
Umiling lang si Summer at iniiwas ang mukha nito na di na huminto ang mga luha sa mata na parang ilog na umaagos sa kanyang pisngi.
“Summer, halika muna apo” ang marahang sabi ng kanyang lola, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at iginiya siya nito pabalik sa salas. Iniupo siya nito sa upuan at naupo rin ito sa kanyang tabi at hinaplos ang kanyang buhok.
“Summer, maglilihim ka ba sa lola?” ang tanong nito sa kanya. Pero hindi siya makasagot, napakasakit ng kanyang lalamunan, hindi niya kayang magsalita. Dahil sa tuwing ibubuka niya ang bibig ay hagulhol ang lumalabas sa kanyang mga labi.
Hinayaan muna ng kanyang lola na mailabas ang lahat ng kanyang hinagpis, pero sa tingin ni Summer na hindi iyun maubos. Para kasing binasag ang kanyang puso ng mga sandaling iyun at ang sakit-sakit ng kanyang nadarama.
“Lola, kasalanan ko.. Po.. Umasa.. Ako” ang panimula ni Summer at kahit nahihirapan ay ikinuwento ni Summer ang nangyari. Habang taimtim na nakinig ang kanyang lola sa kanya. Pagkatapos ay napabuntong-hininga ang kanyang lola.
“Summer, baka naman hindi sinasadya ni Alex ang nasabi nito” ang sabi ng kanyang lola Ising, pero umiling siya.
“Ang masakit dun lola, ay ang panlalait sa akin ng Jacel na iyun at wala siyang ginawa, pinagtawanan nila ako”ang galit na sabi ni Summer.
“Eh, hayaan mo na muna na makapag-usap kayo”- hindi na naituloy ng kanyang lola ang sasabihin dahil sa mabilis at paulit-ulit niyang pag-iling.
“Lola ayoko na siyang makausap, gusto ko na pong umalis” ang mariing sagot ni Summer.
Nagulat ang kanyang lola Ising sa kanyang sinabi, at kumunot ang noo nito, “apo, anong sinasabi mo?” ang tanong nito sa kanya.
“Gusto ko na po na umalis lola, papunta sa Pransya, ayusin na po natin ang mga papel ko” ang sagot ni Summer.
Napapikit ang lola Ising niya, “Summer ayokong gumawa ka ng isang desisyon dahil lang masama ang loob mo at pagsisihan mo sa huli” ang sagot ng lola niya, “gumagawa na ako ng sulat sa iyong ama na tulungan ka na lang sa pag-aaral mo rito sa atin”-
“Lola, magdesisyun po ako noon dahil sa labis na saya ng nadarama ko, kaya ayaw ko umalis, pero nasaktan lang ako at pinagsisisihan ko na ito ngayon. Ngayon po ay desidido na akong umalis lola, hindi sa kung saan lang dito sa Pilipinas, kundi doon sa papa ko” ang giit ni Summer.
Napabuntong-hininga na lang ang kanyang lola, “o siya sige samakalawa ay aalis na tayo”-
Muling umiling si Summer, “bukas po lola, kung may biyahe nga lang sana ng mga bus sa atin ng ganitong oras, ngayon din sana gusto ko ng umalis, bukas po lola, paki usap po” ang sabi ni Summer.
Nagulat si Ising sa biglang pagbabago ni Summer sa kanyang mga mata, ang kaninang batang babae na puno ng hinagpis ay napalitan bigla ng isang babae na may matigas na dibdib. Nawala ang mga luha sa mata nito at napalitan ng galit. Wala na siyang nagawa kundi ang tumangu-tango bilang sagot sa hiling nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/203644556-288-k636417.jpg)
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...