Chapter 17

2.2K 105 16
                                    

Pagkatapos ng kanilang game ay bahay ng kanilang coach sila dumiretso para mag celebrate, at dahil sa Linggo at may pasok kinabukasan ay kaunti lang ang ininom nilang beer.
     Nang matapos ang laban ay kasunod ang ceremony na ginanap sa plasa ng Villa Elena, second place ang San Vicente, first place ang San Luis at sila ang champion. Ang MVP ang ibinigay kay Christian Espinosa, at naintindihan naman iyun ni Alex. Pero wala si Christian ng mga sandaling iyun, alam niya na nagpunta na ito kina Summer.
     Pagkatapos ng awarding ay nagtungo naman sila sa bahay ng kanilang coach at tulad ng nakagawian, may nakahandang hapunan para sa kanila. At dahil sa may pasok kinabukasan ay hindi sila pwedeng uminom ng marami, kaya tig dalawang bote lang sila ng beer.
     Pagkatapos ng kwentuhan, tawanan, at batian ay nagpasya ng umuwi si Alex, mabilis siyang sumakay ng motor at umuwi na siya sa kanila. Pagdating niya ay binati siya ng kanyang mama, at isang halik sa pisngi ang isinagot niya rito, saka siya mabilis nagtungo sa kanyang kwarto para maligo.
    Pagkatapos ay tiningnan niya ang oras, malapit ng mag-alas diyes, alam niyang baka tulog na ito pero, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi puntahan si Summer. Excited siyang masyado para ibalita ito kay Summer.
    Kaya kahit pa late na ay lumabas pa rin siya ng bahay at ginamit niya muli ang motor, at pagdating nga niya sa bahay nila Summer ay patay na ang lahat ng ilaw maliban sa labas, senyales na tulog na ang mga ito. Pero, nandito na siya, ang giit niya sa sarili. Kahit sandali lang, gusto niyang makausap at makasama si Summer.
    Nakita nga pala niya ang kwarto nito noon, dahil sa noong sinundo niya ito para sa isang practice game, ay sa bintana sa may harapan ito dumungaw.
    Dumampot siya ng maliit na bato, at ibinato niya iyun sa may salamin ng bintana. Mga limang minuto na niya iyung ginagawa pero hindi pa rin sumusilip si Summer.
    “Summer” ang bulong niya na tila ba maririnig siya nito kapag tinawag niya ang pangalan nito, muli sa huling pagkakataon ay binato niya ang bintana. At halos tumalon siya sa kanyang kinatatayuan nang biglang bumukas ang bintana at dumungaw si Summer.
     Ang mabilis na pintig ng kanyang puso kanina ay mas lalong nadagdagan nang makita niya na si Summer. Nakita niyang nagulat ito at kumunot ang noo, pero isang malapad na ngiti ang isinagot niya rito.
    “Alex?” ang mahina at halos pabulong niyang sabi.
    “Summer, halika” ang pabulong din  nitong sagot at sumenyas pa ito na pinapalabas siya.
    Kumunot ang kanyang noo, “gabi na” ang pabulong pa rin niyang sagot.
    “Sandali lang may sasabihin ako, importante” ang sagot pa rin nito sa mahinang boses.
     Nag-isip pa muna sandali si Summer, at nag-aalangan man ay nagdesiyun siyang lumabas. Sinenyasan niya si Alex at bumulong ng sandali. Saka siya lumabas ng kwarto. Tahimik ang bawat hakbang niya, dahil ayaw niyang magising ang kanyang lola.
    Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita na niya si Alex na naghihintay sa kanya sa may bungad ng bakuran. Nakasuot ito ng hoodie, nakamaong na pantalon, at rubber shoes. At hindi talaga pumapalya na hindi magdiwang ang kanyang puso sa tuwing nasisilayan niya ito.
    Nakadawalang hakbang na siya palabas ng pinto ng may maalala siya. Ooops, naku, matutulog na nga pala siya, kaya nakasweater na lang siya at wala na siyang suot na bra. Tumigil tuloy siya sa kanyang paghakbang, at nag-alangan na siyang lumapit. At napatingin siya kay Alex. Nakita niyang sandaling kumunot ang noo nito at biglang nagtaas ng isang kilay.
     “Summer” ang mahinang pagtawag nito sa kanyang pangalan at sinenyasan pa siya nito ng daglit na pagtungo ng ulo nito, na pinapalapit siya nito kanya.
     Madali lang naman siguro ang pag uusap nila, ang sabi ni Summer sa sarili, baka kasi kapag pumasok pa siya ulit ay magising na ang kanyang lola. Inilagay n lang niya ang kanyang mahabang buhok sa magkabila niyang balikat. Kahit papaano ay natakpan nito ang kanyang mga dibdib.
     Naglakad na siya papalapit at kitang-kita niya ang saya sa mukha ni Alex, hmm bakit kaya ang takang tanong niya sa sarili.
    “Summer” ang mahinang sabi nito na nakatingin sa kanyang mukha, tila ba ninanamnam nito ang kanyang hitsura.
     “Alex? Bakit naparito ka?” ang takang tanong niya sa mahinang boses.
     “Gusto kitang makita” ang simpleng sagot sa kanya nito na may ngiti pa rin sa mga labi na nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi ba nito naririnig ang malakas na kabog nito? Ang tanong ni Summer.
      “Y-yun lang ba? Nagkita naman na tayo kanina” ang mahinang sagot niya at iniiwas niya ang kanyang mga mata sa mga mata ni Alex na kanina pa siya tinititigan.
      “Oo, pero, napakalayo mo sa akin” ang mahinang sagot ni Alex, kinuha nito ang kanang kamay niya at tiningnan iyun ni Summer, habang nakayuko siya. Dama niya ang mahigpit na pagkakahawak no Alex sa kanyang kamay, mainit ang palad nito. Muling bumilis ang pintig ng kanyang puso. Ano bang ginagawa mo Alex?! Ang sigaw ng damdamin niya.
     “Pwede ba tayong mag-usap?” ang tanong ni Alex, at marahang itinulak ng kanyang mga daliri ang baba niya para makita nito ang kanyang mukha.
     “Gusto mo ba sa loob na tayo mag-usap? O sa ilalim ng puno?” ang tanong ni Summer na nakatingin sa mga malalim na mata ni Alex na tila ba nahuhulog siya sa mga ito.
    Umiling ito, “pwede ka bang sumama sa akin?” ang tanong nito sa kanya.
    Namilog naman ang kanyang mga mata, “ha? Saan?” ang takang tanong ni Summer.
    “Basta, sandali lang tayo, may… may sasabihin lang ako sa iyo na importante” ang sagot ni Alex sa kanya, “kung gusto mo ipagpapaalam kita sa lola mo” ang sabi ni Alex at akmang maglalakad ito papunta sa bahay.
     Pinigilan na siya ni Summer, alam niyang masama ang pakiramdam nito. Umiling siya at lumingon sa kanilang bahay, sandali lang naman daw. Ang sabi niya sa sarili, tumangu-tango siya at nakita na naman niya ang ngiti sa labi ni Alex.
     “Sigurado ka ba? Willing akong ipagpapaalam ka Summer, malinis ang intensyon ko” ang seryosong tanong ni Alex.
     Napakunot ang noo ni Summer? Ano to manliligaw? Ang takang tanong niya sa sarili. Pero umiling siya.
     “Masama ang pakiramdam ang lola, hayaan na natin siyang makapagpahinga muna” ang alalang sabi niya kay Alex.
     “May… sakit ba ang nanay Ising?” ang alalang tanong nito sa kanya at tiningnan siya nito sa mga mata at halata ang pag-aalala sa mga mata nito.
     Umiling siya at napabuntong-hininga, “napagod lang siguro” ang sagot niya, “sandali lang naman tayo hindi ba?” ang paninigurado niya kay Alex.
     Nakangiti pa rin itong sumagot sa kanya, “uhumm, yun ay, kung hindi mo ako pipigilan na umuwi” ang pabirong sabi ni Alex sa kanya sabay kindat ng kanang mata nito sa kanya.
     Namula ang mga pisngi ni Summer, bumabalik na naman ang mapagbirong Alex na kakilala niya, “naku pwede ba Alex, kung di mo ako inistorbo baka tulog na tulog na ako ngayon” ang sagot niya na kunwaring naiinis. At naghalukipkip pa siya ng mga braso sa harap ng kanyang dibdib at namula siyang lalo ng matuon ang mga mata doon ni Alex.

     Naghalukipkip si Summer ng mga braso sa harapan ng dibdib nito at nahikit ang suot nitong sweater na hindi gaanong makapal, at hindi niya sinasadyang mapatingin sa mga dibdib ni Summer na hindi man kalakihan ay halata pa rin iyun, at dahil nga sa nahikit ang sweater ay nakita niyang bumakat ang nipples nito. Wala itong suot na bra. At nang makita nito na nagawi ang mga mata niya sa dibdib nito ay mabilis na Ibinaba ni Summer ang mga braso sa tagiliran niya at namumula na ang mukha nito.
     Nilinaw niya ang kanyang lalamunan, “halika ka na, para maihatid din kita agad” ang yaya ni Alex at hinawakan niya ang kamay ni Summer at marahang hinila niya ito para sumunod sa kanyang maglakad palapit sa nakaparadang motorsiklo nito.
     Naunang sumakay si Alex at hinawakan niya ang kamay ni Summer para alalayan itong makaangkas sa likuran niya.
     “Ah, wala tayong helmet” ang sabi ni Alex at napakagat siya sa kanyang labi sabay lingon niya kay Summer sa kanyang likuran na nakahawak sa magkabila niyang balikat.
     “Basta wag mong paandarin ng matulin gaya ng ginawa mo noon” ang giit ni Summer.
    “Opo ma’am” ang nakangiting sagot ni Alex saka niya pinaandar ang makina ng motorsiklo at pinaandar na niya iyun.
     Hindi man ganun kabilis ang takbo nila pero napakapit ng mahigpit sa kanya si Summer, at mararamdaman na rin ang malamig na hanging amihan na humahampas sa kanilang mga mukha at katawan.
     “Giniginaw ka ba?” ang malakas na tanong ni Alex kay Summer.
    “Medyo, nilalamig ang mga kamay ko” ang sagot ni Summer.
    Napangiti si Alex, “ilagay mo sa loob ng sweater ko” ang utos ni Alex.
    “Ha?” ang gulat at di makapaniwalang sagot ni Summer sa kanya.
    “Sabi ko ilagay mo sa loob ng sweater ko ang mga kamay ko, sa tiyan ko ikaw humawak” ang muling sabi ni Alex.
     “Ayoko nga!” ang mariing tanggi nito sa kanya.
    Marahang natawa si Alex, “wag kang mag-alala may doble akong t-shirt” ang sagot nito sa kanya.
    Dahil nga sa malamig ang hangin ay sinunod na lang ni Summer ang sinabi ni Alex, ipinasok niya ang mga kamay niya mula sa laylayan ng sweater nito kaya nakayakap siya kay Alex mula sa likuran nito.
    Isang ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ni Alex nang maramdaman ang mga kamay ni Summer sa kanyang tiyan.
    “Uuyy tuwang-tuwa at natsansingan ako” ang biro ni Alex, “aray!” ang sigaw niya ng kurutin siya ni Summer sa tiyan.
    “Tumigil ka nga no” ang sagot ni Summer, “hindi ka naman si Christian para tsansingan ko” ang biro ni Summer.
    “Ah ganun ha si Christian pala” ang inis na sabi ni Alex at saka binilisan ang takbo ng motor.
    “Alex! Loko ka sabi mo alalay lang ang takbo?!” ang takot na sabi ni Summer at napakapit pa siya ng husto kay Alex at idinikit ang kanyang harapan na katawan sa likod nito.
    “Bawiin mo sinabi mo!” ang giit ni Alex.
    “Ang alin?!” ang tanong ni Summer.
    “Yung tungkol kay Christian” ang sagot ni Alex.
    “Oo na! Hindi ko naman gustong tsansingan si Christian!” ang sagot niya.
    Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Alex, “nobyo mo na ba siya?” ang muling tanong niya pero hindi pa rin binagalan nito ang takbo ng motor.
     “Ha? Akala ko babagalan mo na ang takbo?” ang giit ni Summer.
     “Sagutin mo muna, boyfriend mo na ba si Christian?” ang muling tanong niya.
    “Hindi, hindi ko siya nobyo Alex” ang totoong sagot nito.
    Isang malapad na ngiti na naman ang gumuhit sa pisngi ni Alex, at saka niya binagalan ang takbo.

    Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa, hanggang sa mapansin na ni Summer kung saan sila papunta, nasa pataas na daan na sila kaya kumapit pa siya ng husto kay Alex.
    Palamig ng palamig ang hangin, habang paakyat sila patungo sa lighthouse, ang hangin na mula sa dagat ay malakas na humahampas sa kanila. Napakapit pa ng husto si Summer dahil sa lamig at pataas na daan.
     Hanggang sa marating na nila ang lighthouse, walang ilaw ang lighthouse, dahil sa napabayaan na rin ito. Tanging liwanag mula sa buwan ang kanilang gabay. Inalalayan muli ni Alex si Summer pababa, kasunod naman niya.
    Dinukot ni Alex ang kanyang phone sa bulsa at binuksan ang flashlight, hinawakan niyang muli si Summer habang naglalakad palapit ng lighthouse. Walang pinto ang ibabang entrada nito.
     Inilawan ni Alex ang daan paakyat ng spiral staircase, pagdating sa itaas ay may pinto pero di naman iyun nakasara gawa ng sira na ang lock nito kaya madali silang nakapasok sa loob.
     Lumabas sila sa view deck at ang liwanag ng buwan at ang nagsabog na mga bituin ang kanilang naging liwanag.
     Humawak si Summer sa metal railings at tumingala sa malawak na kalangitan na wala halos ulap kaya kitang-kita nila ang maliwanag na buwan at ang mga bituin na akala mo ay mga alitaptap sa kalangitan.
    Tumayo si Alex sa kanyang tabi at pinagmasdan siya nito, bago ito tumingala rin sa malawak na langit.
    “Break na kami ni Jacel”
   
     

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon