Chapter 31

2.4K 105 25
                                    

“Still looks the same, pwera na lang, yung mga gamit everything was new but the interior was the same” ang sabi sa kanya ni Alex.
     “Ahm, oo, wala na kasing gamit dito nang abutan ng realtor, siguro tinanggal na ng bangko, you want to wash up?” ang sagot niya kay Alex.
    “Yeah, thanks” ang sagot ni Alex at sumunod ito sa kanya.
     “Wow, that’s new!” ang nakangiting sabi ni Alex nang makita nito ang newly built na kusina. Isang ngiti rin ang gumuhit sa kanyang pisngi.
     “Oo, kailangan ko na kasi na mag-upgrade ng kusina kasi nakahiligan ko na ang magluto at magbake” ang sagot ni Summer.
     “Ipinagluluto mo ba ang asawa mo?” ang interisadong tanong ni Alex.
     “Uh, o-oo naman” ang sagot niya sabay iwas ng tingin sa mapanuring mata ni Alex.
     Tumangu-tango ito bago nagsalita, “then, ako naman ang magsisilbi sa iyo kapag tayo na ng dalawa, ipagluluto kita ng mga paborito mo, o ipag-iinit kita ng mga paborito mo gaya ng dati” ang nakangiting sagot ni Alex.
    Napalunok si Summer, “ah, gusto mo ba ng kape?” ang alok niya.
    Nanlaki ang mga mata ni Alex ng mapansin ang kanyang espresso machine, “wow! That’s really something! Barrista ka na rin?” ang tanong nito sa kanya.
    Natawa siya ng bahagya, “I loved coffee but it was expensive sa France kaya, inaral ko kung paano ang gumawa ng kape, kaysa naman sa magbayad ako ng mahal ilang beses sa isang araw” ang sagot niya.
    “Hindi kita tatanggihan sa offer ng kape” ang sagot ni Alex.
    “Ano bang gusto mo?” ang tanong ni Summer.
    “Pahihirapan kita, macchiato” ang sagot ni Alex.
    Summer rolled her eyes, “anong mahirap dun?” ang mayabang niyang sagot.
    “Wow! Sige, siguraduhin mo masarap yang kape mo or else”- ang banta ni Alex.
    “Or else what?” ang usisa ni Summer.
    “Hmmm, wag na, baka hindi mo pa sarapan yung kape mo para lang matikman mo ako” ang nakangiting sagot ni Alex at napairap na lang si Summer, kahit pa nanlalambot na ang mga binti niya.
    “I’ll make some coffee, pwede ka ng maglinis naroon”-
    “I know kung saan ang banyo, ang kwarto mo dun pa rin ba?” ang usisa nito.
    “Oui, why?” ang kunot noong tanong niya kay Alex habang nakaharap siya sa kitchen counter at nagsasalin ng kape sa porta-filter.
     “Wala lang para alam ko kung saan kita dadalhin, anyway di naman ako maselan kahit saan pwede ako” ang pilyong sabi ni Alex.
    “Hay naku Alex Carpio! Tigilan mo na nga ako! Baka mainit na tubig na lang ang ibigay ko sa iyo!” ang kunwaring galit na sagot ni Summer.
    At isang tawa lang ang narinig niya mula kay Alex, maya-maya pa ay narinig na niya ang pinto ng banyo na sumara. Binuksan niya ang ref at kinuha niya ang croissants which she thawed earlier, five minutes sa oven, then everything will be ready.
    Maya-maya pa ay lumabas na si Alex ng banyo, half bare pa rin ito at nagpupunas ng katawan, at nakuha nito ang kanyang atensyon. Kung dati ay maganda na ang katawan ni Alex, mas lalo na ngayon dahil sa well proportioned muscled arms nito. He’s not muscle bound, pero napakaganda ng hubog ng katawan nito, at ang dibdib nito na mukhang matigas sa kapag hinawakan at ang flat nitong tiyan na alam na ng kamay niya kung anong pakiramdam nito sa kanyang kamay dahil sa nahawakan na niya ito kanina.
  
    Alex was greeted by the delicious smell of freshly baked bread and brewed coffee, pero napansin niya si Summer na nakatingin sa kanya while putting cream on a coffee at mukhang natameme na ito. Isang boyish grin ang gumuhit sa labi ni Alex and he loudly cleared his throat.
    “Ehem,macchiato ang hiniling ko, hindi ice cream” ang nakangiting sabi ni Alex, at nakita niyang namula ang mga pisngi ni Summer.
    “Naku, muntik ng masira” ang sabi ni Summer, “inistorbo mo kasi ako eh” ang paninisi nito sa kanya.
    Bahagyang natawa si Alex at lumapit na ito sa may lamesa ng iserve na ni Summer ang dalawang tasa ng kape.
    “Thank you” ang sabi ni Alex at naupo na siya at tinikman ang kape. Summer looked at him and she was waiting for his reaction.
    “Oh God!” ang natatawang sabi ni Alex, “this is far better than Starbucks! Wow!” ang sabi nito at isang mayabang na ngiti ang isinagot ni Summer, muli itong bumalik sa kitchen counter para kunin ang ininit niyang croissant.
    “You made this too?” ang di makapaniwalang tanong ni Alex nang ilapag ni Summer ang tinapay.
    Naupo si Summer sa upuan opposite Alex, “tikman mo” ang alok ni Summer, at agad naman na kumuha si Alex ng croissant and bit in the flaky bread.
    “Pwede ka ng gumawa ng coffee shop” ang sabi ni Alex sa kanya.
    “Thank you” ang sagot ni Summer, saka niya ininom ang kanyang kape. They were silent for a while, while they sipped their coffee and ate bread. Alex refrain himself from talking to Summer about the past. Mamaya, mamaya niya ito kakausapin, para may oras sila na makapag-usap ng maayos.
    Muling ginawan ng kape ni Summer si Alex habang hinihintay siya nito, para makapagpalit ng damit. She took a quick shower at doon na rin siya sa loob ng banyo nagbihis, dahil ayaw niya na lumabas ng nakatapis lang ng tuwalya at dadaan siya sa harapan ni Alex.
    Alex made a double look at Summer nang lumabas ito ng banyo, she was wearing a white cardigan with elbow length sleeves. Saka nito tinernuhan ng black pencil cut skirt. She looked so beautiful, pero saan ito pupunta she looked so formal. Habang siya ay naka white polo shirt, jeans at sneakers.
    Sandali itong nagtungo sa kwarto para suklayin ang mahaba nitong buhok at ipinusod iyon. Maya-maya pa ay lumabas na ito. Pero hindi sa mukha ni Summer natuon ang mga mata ni Alex kundi sa hawak ni Summer sa mga kamay nito. It was a color white urn.
    Then it hit him hard. Ni hindi nga pala niya nakita si nanay Ising, kanina pa sila rito pero hindi niya namataan man lang ang presensya ng masayahin na lola ni Summer.
    Bigla siyang napatayo at tiningnan ang kumikislap na mga gintong mata ni Summer dahil sa mga luhang namuo roon.
    “Summer?” ang mahinang tanong niya at iniiwas ni Summer ang mukha nito sa kanyang pagkakatitig.
    “Ahm” she cleared her throat, “are you ready?” ang tanong ni Summer sa kanya, at tumangu-tango na lang siya bilang sagot. At lumabas na sila ng bahay.
    “I can’t ride with you Alex” ang sabi ni Summer sa kanya at alam niya ang tinutukoy nito, dahil sa may hawak ito na urn.
    Tumangu-tango siya, “of course, I’ll follow you” ang sagot niya at tiningnan ang malungkot na mukha ni Summer.
    Sumakay na si Summer sa kotse nito at hinintay niya munang mauna na makaalis ang sasakyan nito saka siya sumunod. At sa daan na binabagtas nila ay alam niya kung saan sila pupunta. Sa lumang simbahan ng Villa Elena, at kung saan nasa likuran nito ang matandang sementeryo.
     Pagdating nila ay tinulungan ni Alex si Summer na makalabas ng kotse nito at inalalayan niya ito papasok ng simbahan. He splayed his warm hand sa likod nito habang naglalakad sila papasok sa loob ng simbahan at naroon na nga sina Clarissa at pamilya nito at si father Ramirez.
    “Father” ang bati ni Alex sa matandang pari at kinamayan niya ito.
    Ipinatong naman ni Summer sa isang maliit na lamesa ang urn para masimulan ang isang isang pribadong misa para sa kanyang lola.
    Naupo si Summer sa unahan at tinabihan siya ni Alex, at nang dumating na ang sandali na bebendisyunan na nila ang urn ay hindi na napigilan ni Summer ang mapaluha and she couldn’t shook the bottle of holy water in her Lola’s urn because her hands started to shake. Kaya agad na lumapit si Alex sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay.
    Pagkatapos ay di na napigilan na dumaloy ang luha sa kanyang pisngi at niyakap na siya ni Alex, at hinayaan niyang balutin ang kanyang sarili sa mga bisig nito. She borrowed his strength and she let him held her for a long moment.
    And when her tears subsided, she pulled herself away from him and touched his shirt on his chest.
    “I’m sorry I ruined your shirt” ang mahinang sabi niya kay Alex, at saka niya kinuha ang kanyang panyo sa loob ng kanyang bag.
    “It’s just a shirt” ang mahinang sagot sa kanya ni Alex at hinagod nito ang kanyang buhok, “are you okey now?” ang alalang tanong ni Alex sa kanya.
    “Yeah” ang sagot niya.
    “You sure?” ang paninigurado pa nito, at pinahid ng palad nito ang luha sa kanyang mata.
    Tumangu-tango siya at ngumiti ng matipid at saka siya lumapit sa lamesa para bitbitin ang urn at naglakad na sila palabas ng simbahan patungo sa likod kung nasaan naroon ang sementeryo. Nakahanda na ang hukay na nasa tabi ng libingan ng kanyang mama.
    At dahil sa three feet lang naman ang hukay ay si Summer ang naglapag ng urn sa hukay, tinulungan siya ni Alex bumaba sa isang hagdan. Maayos na inilapag ni Summer ang urn ng kanyang lola at isinama niya ang bulaklak na dala ni Clarissa. Hinagkan ni Summer ang kanyang kamay at inilapat iyun sa urn.
   “I love you lila” ang mahinang sabi niya, at saka siya muling umakyat sa hagdan at pinagmasdan nila nang tabunan na ng tauhan ng sementeryo ang hukay. Pilit man na pigilan ni Summer ang kumuha ay di pa rin niya napigilan, at muling dumaloy ang mga sariwang luha sa kanyang mga mata.
    Nagtagal pa sila ng ilang sandali at nagpaalam na sila kay father Ramirez, at sabay-sabay na silang lumabas ng sementeryo.
    “Summer” ang sambit ni Clarissa at niyakap siya nito ng mahigpit.
    “Thank you Clarissa for being here with me” ang sabi niya rito.
    “Sigurado ka bang okey ka na?” ang alalang tanong ng kaibigan sa kanya.
    “Oo, alam kong lagi naman akong ginagabayan ni lola” ang sagot niya at isang malungkot na ngiti ang isinagot niya rito, “let’s go grab something to eat?” ang yata niya sa mga ito.
    “Alam mo naman na basta kainan hindi ako humihindi” ang sagot ni Clarissa, “ahm, Summer? Anong score ninyo ni Alex, halos lumuwa ang mga mata ko kanina pagpasok ninyo ng simbahan may pa hawak – hawak pa sa likod mo, kala mo naman majonda ka na para alalayan” ang bulong nito sa kanya at napalingon sila kay Alex na kausap si Rojie.
    “Wala no, gusto lang magpaliwanag tungkol daw sa nangyari noon, baka nakokonsensiya” ang sagot niya, ang pagkakaalam nito ay may asawa ako kaya, wag mong sabihin na wala please” ang bilin niya sa kaibigan.
    “Bakit ayaw mo na ba sa kanya? E mukhang ang laki ng pagkakagusto ni Alex sa iyo, alam mo bang na hospital yan dahil sa sa iyo?” ang sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.
    Magtatanong pa sana siya pero tinawag na sila ni Rojie, kaya lumapit na sila at sinabihan nga niya ang mga ito na kumain muna sa isang restaurant sa bayan.
    Pagkatapos ay nagpasya na rin silang umuwi, at muling nagyakap ang magkaibigan at nangako sila sa isa’t isa na magkikita na muli lalo na sa nalalapit na reunion.
    Pasakay na siya sa kanyang kotse ng pigilan siya ni Alex, “Summer, please alam ko na hindi ito ang tamang oras para sa iyo, pero, sana pagbigyan mo na ako, bigyan mo na ako ng pagkakataon na kausapin ka” ang pagausumamo nito.
    Napabuntong-hininga si Summer, “sige saan mo ba gustong mag-usap tayo?” ang tanong niya kay Alex.
    “Sundan mo na lang ako pero, alam kong alam mo kung saan tayo pupunta” ang sagot ni Alex. Oo alam niya kung saan, dahil noon pa man, doon na sila nag pupunta para mag-usap.
     At hindi nga siya nagkamali, patungo sila ng lighthouse. Ipinarada ni Summer ang kanyang sasakyan sa may gilid ng kalsada.
    Lalakarin na sana niya pataas pero pinigilan siya ni Alex.
    "Sakay na" ang sabi sa kanya nito.
   Kung tutuusin naman kasi mahihirapan siyang umakyat dahil sa suot niyang sapatos kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumakay, kaso nakapalda siya.
   If she straddled at the back of the motor, tataas ang palda niya.
   Nahalata yata ni Alex ang pag-aalangan niya at ang iniisip niya, kaya ngumiti ito.
   "Hayaan mo pipikit ako?" ang sabi nito sa kanya.
   Napailing na lang siya at sumampa na sa likuran.
   Sandaling sumulyap si Alex sa likuran para tingnan ang legs niya at napasipol ito.
   "Alex!" ang galit na sabi niya rito.
   Natawa na lang ito, "kapit paakyat tayo Summer, lapit ka pa ng konti, saka dito ka humawak" ang sabi pa nito at kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay sa pagitan ng dibdib at tiyan nito.
   Sinunod na lang niya ang sinabi ni Alex at umurong siya papalapit dito kaya nakadikit na ang dibdib niya sa likod nito at ang mga hita niya sa hita nito.
   Saka niya pinaandar ang motor paakyat ng mabatong daan hanggang sa marating nila ang lighthouse. At dahil sa hapon na ay nagsipag-alisan na ang mga naroon. At dahil sa tulong ng electric cooperative ay may ilaw na sa loob.
   Umakyat sila sa itaas at iniwasan ang mga naiwan na materyales. Maayos naman na nakasalansan ang mga ito.
   Lumabas sila sa view deck at pareho silang humawak sa metal railings.
   "Summer, patawarin mo sana ako kung anuman ang mga nagawa kong pagkakamali noon sa iyo, alam ko na narinig mo ang naging usapan noon sa likod bahay, pero, nagkamali ka ng dinig" -
   "Nagkamali?" ang di makapaniwalang sabi ni Summer, at tiningnan niya ng masama si Alex.
    "Nagkamali ba ako ng dinig Alex ng pagtawanan ako ng mga kasama mo dahil sinabi mo na nakikipagusap ako sa puno ng Narra? Na isa akong charity purposes? Na hindi mo naman ako girlfriend at ni hindi mo pa nga ako nililigawan? Mali ba iyun?"
    "Summer totoo yun ang narinig mo" -
    "Then saan ako nagkamali?" ang putol ni Summer, "oh I know" ang sabi niya kasabay ng pagtangu-tango, "umasa ako, ako ang mali dahil ako si tanga ay umasa sa katulad mo" ang natatawang sabi ni Summer.
    "Summer hindi yun, hayaan mo muna kasi akong makapagsalita" ang paki usap ni Alex.
    Tumahimik lang si Summer at humarap sa malawak na karagatan.
    "Oo yun ang mga narinig mo, pero narinig ko rin ba ang lahat? Kung paano kita ipinagtanggol sa mga kasama ko? Kung paano ko silang lahat pinalayas sa bahay dahil ininsulto ka nila?" ang tanong ni Alex at nakita niya na nabigla si Summer sa kanyang sinabi. Napabuntong-hininga ito at dahan-dahan na umiling.
    "I was trying to stop you that day, hinabol ko ang bus na sinasakyan ninyo, umasa ako na maaabutan kita para makapag paliwanag at para huwag akong iwan dahil aaminin ko na ang tunay kong nararamdaman para sa iyo, sasabihin ko na sana kung gaano kita kamahal at maging parte na ng buhay ko" ang pagpapatuloy niya at biglang lumungkot ang kanyang mukha.
     "Pero mukhang di umayon sa akin ang tadhana noon, dahil sa malakas na ulan ay sumadsad ang motorsiklo ko, at kinailangan kong magpagaling sa hospital ng ilang buwan dahil sa mga bali na natamo ko" ang sabi niya kay Summer.
    Nakadama si Summer ng kirot sa kanyang puso ng malaman niya ito, mahal siya ni Alex, noon pa man ay mahal na siya nito. At gusto na naman niyang kumuha.
    "I tried to find you, pero walang nakakaalam kung saan ka nagpunta, kaya naman pala sa France ka napadpad" ang malungkot na sabi ni Alex.
    "Summer sampung taon akong naghintay para sa pagbabalik mo" - pero natigilan na siya dahil sa sunud-sunod na pag-iling ni Summer.
    "Tama na ang nagkapatawaran tayo Alex, pero hindi na natin pwedeng ibalik ang nakaraan, hindi na pupwede" ang mariing sagot ni Summer at saka ito umalis at iniwan si Alex na nakatayo sa view deck
   
   
   

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon