Chapter 25

2.4K 105 33
                                    

“Oh Alex, masakit ba ang ulo mo at may hangover ka?” ang bungad na tanong ng kanyang mama sa kanya.
     Medyo masakit nga ang ulo niya dahil na rin sa dami ng kanyang nainom kaya naupo siya sa harapan ng lamesa habang sapu-sapo ang kanyang ulo.
    “O gusto mo ba ng kape?” ang tanong ng kanyang mama sa kanya.
    “Opo ma, kung pwede po sana” ang nanlalambot niyang sagot, ah, baka sakaling mawala ang sakit ng ulo niya pagkainom niya ng kape. Mamaya ay pupuntahan niya si Summer. Balak niya na pagkatapos nilang mananghalian sa bahay nito ay dadalhin niya muli sa Summer sa lighthouse. Doon na siya aamin ng nararamdaman niya para rito.
    Bigla siyang na excite, kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan ang oras, alas diyes na, siguradong gising na ito. Sana at wala na itong sakit para mayaya niya itong lumabas, ang sabi niya sa sarili.
     Nakailang tawag na siya pero nauubos lang ang ring pero hindi ito sinagot ni Summer. Maya-maya pa ay unattended na ito. Huh, nalowbatt kaya ang phone ni Summer? Baka tulog pa ito at maysakit. Dadalhan na lang niya ng bulaklak, at cake si Summer mamaya pagpunta niya sa bahay nito.
    “O hetong kape mo” ang sabi ng mama niya sa kanya at naupo ito sa kanyang tabi, “medyo madilim ang kalangitan ngayon siguro ay uulan ng malakas mamaya” ang dugtong pa nito.
    “I kamusta ang birthday mo?” ang tanong ng mama niya, at biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. At dahil sa malapit siya sa kanyang mama, sinabi niya ang mga nangyari kagabi. Pinakinggan naman siya ng kanyang mama at hinintay na matapos ang kanyang kwento bago ito nagtanong sa kanya.
    “Pero, ano ba talaga anak? Ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Summer? Talaga bang naaawa ka lang rito?” ang usisa ng kanyang mama.
     Napabuntong-hininga si Alex, “noong una mama naawa talaga ako sa kanya, lalo na ng marinig ko ang kwento niya, pero habang nagiging malapit ako sa kanya, habang nakikilala ko siya, alam ko na ang ginagawa ko para sa kanya ay hindi na dala ng awa ko, o pagiging isang mabuting kaibigan. Mahal ko na po si Summer, bilang isang kapareha” ang pag-amin ni Alex sa kanyang mama.
    “E anong desisyon mo?” ang tanong ng kanyang mama, na humanga sa anak, sa pagiging totoo niya.
    “Pupuntahan ko po si Summer mamaya, tinatawagan ko po siya pero, hindi niya po sinasagot baka maysakit pa. Sisimulan ko na pong maging pormal ang lahat, liligawan ko na po siya at ipagpapaalam na rin kay lola Ising” ang sagot niya.
    “Mabuti yun, saka, gusto ko talaga si Summer, halata naman diba, pinagpipilitan ko na siya na maging manugang ko” ang nakangiting sagot ng mama niya.
    “Saka mama, balak ko po, na.. Kapag nakapasa na po ako at maging isang ganap na engineer at makapagtrabaho, gusto ko po sana, na.. Pag-aralin si Summer” ang sabi ni Alex sa kanyang mama na nakita niya na medyo nagulat sa kanyang sinabi.
.   “Anak, malaking responsebilidad iyang sinasabi mo” ang sagot ng kanyang mama.
     “Alam ko po, pero, gusto ko po talagang matulungan si Summer, kaya nga po pinagpapaalam ko na sa inyo” ang sabi pa niya sa kanyang mama, na napangiti na lamang. Labis ang paghanga na nadama ng kanyang mama sa sinabi niya. Ipinapakita nito na maganda ang pagpapalaki ng kanyang mga magulang sa kanya.
    Hinimas ng kanyang mama ang kanyang pisngi, “kung iyan ang gusto mo anak, susuportahan ka namin, napaka proud ko anak at lumaki ka na may magandang puso” ang sagot ng kanyang mama.
    “Salamat po ma, sa pag intindi” ang sagot ni Alex.
    Tumayo na ang kanyang mama, at nagsimulang magligpit sa kusina, “huh, naku, mukhang mali yata ang sinabi ko sa iyo ah, may mga naiwan ka pang kalat kagabi, hindi pulido ang pagliligpit” ang biro ng mama niya.
    Natawa naman si Alex, “Pasensiya na ma, medyo lasing na” ang natatawang sagot ni Alex at sinundan ng tingin ang mama niya na nagtapon ng mga sobrang kalat na galing sa kusina.
    “Oh! Sinong nagtapon ng leche flan dito na may ube? Hindi ba paninda ito ni Summer? Bakit nandito sa basurahan? Akala ko Di siya nagpunta? Saka may kwintas pa! “
    Halos maibuga ni Alex ang kape na nasa bibig at tumakbo siya palabas. Tiningnan niya ang basurahan na nasa likuran na bahay. Dinampot niya ang kwintas na putol na ang lock, mukhang hinila ito.
    Hindi siya sinasagot ni Summer, ang putol na kwintas, hindi kaya? Nagpunta si Summer kagabi? At naalala niya ang mga pinag-usapan nila kagabi. Baka narinig ni Summer ang mga pinag-usapan at tawanan nila.
    Hindi na nag-aksaya ng panahon si Alex, agad niyang kinuha ang susi ng kanyang motor at mabilis niyang pinaandar ang kanyang motor.
    “Alex! Ang helmet mo!” ang sigaw ng mama niya pero hindi na siya bumalik pa, ayaw na niyang masayang pa ang panahon niya. Gusto niyang makausap agad si Summer, baka masama ang loob nito sa kanya. Naiisip niya tuloy ang sakit na naramdaman nito kung narinig man nito ang usapan kagabi.
     “Summer, sorry” ang bulong niya sa sarili, pinaharurot niya ang kanyang motorsiklo papunta sa bahay ni Summer, sa mga kamay niya, ay hawak niya ng mahigpit ang kwintas ni Summer.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon