Nakahalukipkip ang mga braso ni Alex habang nakaharap kay Christian na di naman natinag o na intimidate sa ipinakita niya.
"So mukhang hindi naman kita pwedeng paalisin dahil inimbita ka na ni nanay Ising, kaya, we just have to tolerate each others presence" ang sabi ni Alex habang tinitingnan si Christian na nakapamewang naman sa kanya.
"Kailangan nating gawin na maganda ang celebration na ito, ako ang magluluto ng relleno"-
"Bakit ikaw?" ang putol ni Christian sa kanya.
"Siyempre ako ang naunang dumating" ang sagot ni Alex.
Christian snorted, "marunong ka ba na magluto?" ang nakangising tanong ni Christian sa kanya.
Alex snorted, nagtaas pa ng isang kilay ito, tila ba ang tanong ni Christian ay katangahan, "ipiprito na nga lang yun tapos iinitin ang mga ulam na nasa ref" ang mayabang na sagot ni Alex.
"Sige ako na ang maghahanda ng lamesa kapag pumalpak ka, yari ka talaga sa kayabangan mo" ang sagot ni Christian.
"Hoy Christian, magtigil ka na, at kumilos" ang sagot ni Alex.
Nagsimula na ang dalawa na mag-asikaso sa loob ng bahay, at sa tagal ng mga sandali na magkasama sila, hindi nila namalayan na nagtutulungan na silang dalawa at hindi nagbabangayan.
Malapit ng matapos sa pag-iinit ng ulam si Alex ng lumapit sa kanya si Christian, "Carpio, may problema" ang sabi nito.
Mabilis na pumihit ang katawan ni Alex na seryosong nakaharap sa kalan, para humarap kay Christian. Nakakunot ang noo nito at nag-alala sa sinabi ni Christian.
"Anong problema?" ang tanong ni Alex na nakakunot ang noo.
"Halika tingnan mo sandali" ang sabi ni Christian at sumenyas ang kamay nito na sumunod sa kanya. Mabilis na naglakad si Alex para sumunod kay Christian, at nagpamewang siya nang makita na nakatayo si Christian sa harap ng lamesa.
Tiningnan ni Alex ang nakalatag na pagkain sa ibabaw ng lamesa, ano bang problema rito? Ang tanong ni Alex sa sarili.
"O, ano naman ang problema?, maayos naman ang mga pagkain" ang takang tanong ni Alex.
"Hindi ba parang may kulang? Anong wala?" ang tanong ni Christian.
Tumayo silang dalawa sa harap ng lamesa at tinitigan ang hapag, ano nga ba ang kulang? At sabay pa nilang napagtanto ang kulang sa lamesa na inihanda nila. Wala itong malaking banner or tarpaulin na may pagbati para kay Summer.
"Walang congratulations na tarp!" ang sabay nilang sabi.
"Punta ka muna sa bayan, magpagawa ka, iparush mo kahit mahal ako na magbabayad, hindi ko maiiwan ang ginagawa ko" ang giit ni Alex.
"Ako na magbabayad" ang mariing sagot ni Christian.
"Heto ang picture ni Summer" ang sabi ni Alex at dudukutin niya sana ang cellphone niya sa kanyang bulsa.
"Hindi na may picture na niya ako" ang tanggi ni Christian.
Napapitlag si Alex, loko talaga, may picture si Summer dito? Ang inis na sabi ni Alex sa sarili.
"Burahin mo yan" ang utos ni Alex at dumuro pa ito.
Kumunot naman ang noo ni Christian sa kanya at tinaasan siya ng kilay, "hindi ko gagawin yun" ang mariing sagot ni Christian.
"Gusto mo basagin ko cellphone mo?" ang inis na tanong ni Alex.
"E di basagin mo" ang hamon ni Christian na di natatakot sa kanya.
"Oo, babasagin ko diyan sa mukha mo" ang banta ni Alex.
"Whoo, takot ako, ang tagal naman" ang pambubuska pa nito sa kanya.
Napatingin si Alex sa orasan, naku, wala ng oras, naalala niya rin ang nakasalang niya sa kalan, "mamaya tayo magtutuos, bilisan mo na" ang sabi ni Alex kay Christian na mabilis na lumabas ng bahay.Halos isang oras na mahigit na nawala si Christian at si Alex na ang nag asikaso sa bahay, sobrang excited niya. Gustong-gusto na niyang makita ang reaksyon ni Summer kapag nakita niya ang celebration nila para rito.
"Nasaan na ba itong Espinosa na to nadaganan na yata ng tarp" ang malakas na sabi ni Alex sa sarili.
Maya-maya ay pumasok na si Christian bitbit ang tarp na ipinaprint nila.
"Ang tagal mo?" ang inis na tanong ni Alex, kahit pa nakakagaanan na niya ito ng loob ay ayaw ipakita ni Alex sa lalaki.
"Ang daming nagpapagawa sa bayan, bumalik pa ako sa amin sa San Luis doon pa ako ngapaprint" ang sagot ni Christian, "tingnan mo" ang nakangiting sabi pa nito saka iniladlad ang tarpaulin.
Tumangu-tango si Alex, ang ganda ng pakakaprint sa tarpaulin ng image ni Summer, napabuntong-hininga si Alex. Ano ba itong nadarama niya? Bakit bumilis ang pintig ng puso niya? Ang tanong niya sa sarili.
"Baka matunaw" ang nakangiting sabi ni Christian, at gumanti rin siya ng ngiti rito.
"Nagspeech na kaya si Summer?" ang tanong ni Alex habang hawak ang kabilang dulo ng tarp.
"Bakit kasi di mo puntahan, o kung gusto mo ako na lang ang pupunta para manood ikaw dito" ang sagot ni Christian.
"Kaya mo naman na siguro ito, at di mo na kailangan pa ng tulong ko, maiwan na kita, tutal tapos na ako sa gawain ko, ikaw na diyan" ang sagot ni Alex habang naglalakad palabas ng pinto.
"Ayusin mo ha!" ang bilin pa nito bago tuluyang lumabas at isinara ang pinto at naiwan si Christian na umiiling at may ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...