Biglang nagising si Summer sa ring ng kanyang phone, she never put her phone in silent mode kahit pa wala siyang pasok. At bihira rin naman ang tumatawag sa kanya tuwing off siya especially ng ganun kaaga.
Iniangat niya ang kanyang ulo mula sa pagkakadapa at hinawi ang buhok na nakatakip sa kanyang mukha. She grumpily reached for her phone na nasa bedside table and looked at her caller. It was Alex, yes, he has his number because it was necessary para sa trabaho nila.
Pagkatapos siyang hindi patulugin nito kagabi ngayon maaga pa siya nitong tinawagan? Ang inis na sabi niya sa sarili.
"Yes?" ang galit na sagot niya rito.
"Tsk, Tsk, Tsk, nag-away ba kayo ng asawa mo?" ang bungad na tanong sa kanya nito.
Kumunot ang kanyang noo, "no, why?" ang balik tanong niya.
"You sounded like someone spit on your coffee" ang sagot nito sa kanya.
"No, no one spit on my coffee at kung may gumawa man niyun malamang paso na ang mukha niyun" ang sagot niya, "Bakit ka ba tumawag, hindi mo ba alam na maaga pa lang?" ang inis na tanong ni Summer at nakadama siya ng lamig dahil sa hanging amihan na pumapasok sa kanyang bintana.
"Tsk, ganyan ba ang tamang pagbati sa highest bidder at benefactor ng renovation ng school?" ang sagot sa kanya nito.
Nanggigigil na naupo si Summer sa kama, pagkatapos siyang talikuran nito kagabi? Sweet - sweetan na naman ito sa kanya?
"Ano nga ang kailangan mo?" ang tanong niya rito.
"Ahm, may ka date kasi ako mamaya, lunch date, naisip ko na gamitin na yung pain au chocolat at coffee na nakuha ko sa bid kagabi" ang sagot ni Alex.
Date? May ka date siya mamaya at gusto nito na siya ang maging serbidora nila? Sino kaya ang kadate nito si Jacel? Naku baka ibuhos niya ang kape sa dalawa.
"Really, Alex, hindi mo alam kung gaano katagal gawin ang tinapay nun? It's the same as croissant, actually it was a croissant with chocolate filling, and it would take a whole day para lang irest ang dough at tatlong beses yun" -
"Not my problem, I already paid a million for that pan... of... chocolate bread of yours, and I expected na kapag kailangan ko na ay makukuha ko na ang lahat" ang sagot ni Alex sa kabilang linya.
"You could have at least gave me two days ahead of time, palibhasa kasi wala kang alam sa baking!" ang galit na sagot ni Summer, she hated it kapag minamadali siya at alam niyang hindi niya maibibigay hinihiling nito.
"Believe me Summer, I won't pay a million kung marunong akong magbake, baka ako pa nga ang magbake para sa KADATE ko" ang sarkastikong sagot nito.
Talaga bang ipagdiinan ang salitang date? O eh ano ngayon, dapat ba na maapektuhan siya at may KADATE siya? Ang himutok ni Summer.
"Baka nakalimutan mo po sir na ang ipinabid ko ay good for twenty to thirty persons, ganun ba kalakas kumain ang KADATE mo?" ang pang iinsulto ni Summer.
Pero hindi apektado si Alex "hmm depends kung masarap ba ang tinapay mo, at saka, iuuwi namin ang iba, syempre, saan pa kami didiretso ng KADATE ko its either sa bahay niya o sa akin"-
"Which is hindi ako interisado kung sa kalsada pa kayo dumiretso na dalawa" ang inis na putol ni Summer dahil sa gustong ipahiwatig ni Alex.
"Alam ko naman na may stock ka sa ref, di ba sabi mo nga dati, kung ilan ang available na meron ka, I'll take it, paano yung coffee? Madadala mo ba ang espresso machine mo?" ang tanong nito.
"Saan ba ang location" ang sagot ni Summer at tumayo na siya para buksan ang bintana ng kanyang kwarto, at muling pumasok ang malamig na hangin.
"Sa lighthouse" ang mabilis na sagot nito.
Sa lighthouse niya dadalhin ang babaeng kadate nito? Bwisit! Bakit sa lighthouse, para sa kanila lang ang lighthouse! O nagkamali siya, oo nga pala, walang SILA.
"Bakit sa lighthouse?" she blurted out.
"Bakit hindi?" ang balik tanong sa kanya ni Alex.
"Marami pang ginagawa doon" ang giit niya.
"Sa baba lang naman kami, sa medyo madamo na part ng lighthouse" ang sagot nito.
"Hindi ba mainit kapag sa labas?" ang sagot niya.
Isang tawa ang narinig niya sa kabilang linya, "mukha bang maaraw? Hindi ka pa ba lumalabas ng bahay?" ang tanong nito sa kanya.
"Actually hindi pa, I was planning to sleep hanggang sa tanghali, but this lunatic just walked me up and started on ordering me!" ang inis na sagot ni Summer at muling sumilip sa labas ng bintana at nakita niya na medyo makulimlim ang panahon.
Pero sa halip na magalit ay isang tawa lang ang isinagot ni Alex sa kanya, "kung umiinit man ay pwede naman kami sa may kwarto sa may loob ng lighthouse, maayos na yung loob niyun at may mat ako roon na pwede namin na, you know"
"Yeah I know" she said on gritted teeth.
"So how about the coffee?" ang tanong nito.
"Hindi ko pwedeng bitbitin ang espresso machine ko" ang pagsisinungaling ni Summer. Actually kung gusto niya ay madadala niya ito, pero hindi niya iyun gagawin, she's not going to make a good coffee para lang sa babe nito. She's not going to carry her expensive machine sa itaas ng mabatong daan ng lighthouse para pagsilbihan ang dalawang yun!
"But you promised a good coffee" ang giit ni Alex sa kanya.
"I'll bring my French press" ang inis niyang sagot.
"Sigurado ka bang masarap ang kape sa sinasabi mong press?" ang paninigurado pa nito.
"I love coffee, kaya hindi ako bibili ng French press and use it kung hindi masarap ang kape na magagawa nito, at saka nasa uri ng kape yan, mister Carpio! And I don't settle for good" ang mayabang na sagot niya.
"Alright so mga twelve nandun ka na?" ang tanong nito.
Tanghalian talaga? "alright! Twelve it is! Basta sinabihan na kita kung ano lang na meron ako yun lang ang dadalhin ko" ang sagot niya.
Biglang tumahimik sa kabilang linya, "I wouldn't mind taking what you can offer, alam ko mag eenjoy ako ng husto" he answered huskily.
Namula ang mga pisngi ni Summer, "bye!" ang sagot niya rito sabay patay ng kanyang phone. Hinawakan niya ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
Roman d'amourFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...