Prolouge

3.3K 47 29
                                    

“Bakit Ba ang Bitter mo Teh?”

Laging tinatanong sa akin ng kapatid ko, ngunit hindi ko mahanap ang tamang sagot kung bakit nga ba ako nagging Bitter?

Bitter ba talaga ako? O baka naman guni guni lang ng mga taong nasa paligid ko? Baka mga insecure lang sila?

Nasubukan mo na bang magpakabitter? O maging isang Bitter?

 Yung wala kang ibang maramdaman sa sarili mo, kungdi sakit at kasuklaman?

Yung pakiramdam na may gusto kang sabihin ngunit hindi mo magawa gawa, ngunit naipapakita mo naman sa mga kilos mo?

Yung Pag nakakita ka ng mga taong masasaya sa paligid mo umaasim ang mukha mo? Yung ayaw mo din sila maging masaya.

Yung pakiramdam na wala naman talagang kasiyahan sa totoong buhay? Kung hindi pait at sakit lang ang dulot nito?

At dahil dun, ayaw mo makakita ng ibang tao na masaya, dahil alam mong hindi rin naman magtatagal ang kasiyahan nila.

Unfair diba?

Pero Bakit nga ba nagiging bitter ang isang tao?

Ikaw? Bitter ka rin ba?

Masaya ba maging Bitter?

Yung wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao?

At Ang tangi mo lang iniisip ay ang sarili mo?

Pero paano naman yung maging masama ang tingin sayo ng ibang tao? Yung hinuhusgahan ka agad? Kakayanin mo kaya? Magpapatalo ka nalang ba? O Lalaban ka? At papatunayan mong mali sila?

Paano kung hindi talaga ako Bitter? But, I’m just being a Better Person.

Kokontra ka?

Well, Ito lang ang masasabi ko Sa’yo.:

“Know My Story First Before You Will Judge Me.”

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon