Simula

299 10 1
                                    

Simula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula

Halos nagkakandahumahog, aligaga sa pagkilos dahil ayaw ng mabagal ni mama.

Hindi na inabala ang buhok at dumiretso baba pagkatapos mag necktie. Nadatnan ko na patapos na si mama sa pagkain at humigop ng kanyang paboritong mamahalin kape.

"You're late."

"Sorry po." Ibinaba niya ang kanyang tasa.

"Maupo ka na at kumain. Rosita, ang pagkain ni Auria. Ihanda na sa hapag."

"Opo, madame."

Inihain ang lahat ng pagkain para sa akin at sinumulan ng lagyan ang aking plato. Humigop muli ng dalawang beses sa kanyang kape si mama habang nakatuon ang atensyon sa kanyang binabasa na dokumento.

Sinumulan ko na ang pagkain at binilisan para makasabay sa kaniya.

"Ngayon ang exam niyo diba?" Tumango ako.

"Opo."

"Hindi ako makakauwi mamaya dahil may shoot ako sa ibang bansa at mga lima o tatlo ako mawawala. Si Rosita na ang bahala sayo at gamitin mo ang van na lagi nating gamit. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo, mama."

"Good. And, by the way, nakita ko ang mga grades mo previous grading. Bumaba ka sa science, why?" Hindi ako nakasagot. Masyado lang talaga akong nahihirapan doon.

"Ayusin mo ang pag-aaral mo, Auria. Pinag-aaral kita ng maayos kaya ayusin mo ang pag-aaral mo, from 95 to 93?"

"Opo, mama. Pasensya na po."

"Gusto kong pagtuonan mo ng pansin iyan at huwag mong pababayaan ang iyong pag-aaral. Baka naman may boyfriend ka na, Auria?"

"Wala pa po, mama. Wala naman pong naliligaw sa akin e."

"Wala? Ang ganda mo, manang mana ka sa akin tapos wala?"

"Huh? Mama!"

"Manahimik ka, Auria ah. Wala munang pagnonobyo, makakasira lang iyan sa pag-aaral mo."

"Opo."

"Bilisan mo diyan and see you at a car in.." Tiningnan niya muna ang kanyang relo at sinabing "...3 minutes."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama kaya mas dinoblehan ang aking pagkilos. Halos nagkandaugaga ako da pagkilos para lang maka-abot sa oras na binigay na palugit ni mama.

Pinagbuksan ako ni manong Jose at nakita si mama na may katawagan. Pumasok na ako sa lob at tumabi sa kanya.

"6:40 sakto. Good." At binalikan ang katawagan sa phone.

Nakahinga ng maluwag at sakto lang ang pagdating ko kung hindi ay maglalakad ako papunta ng school.

Nagtext sa akin si Sonya, aking matalik na kaibigan, na mayroon party dahil birthday niya ngayon. Tiningnan ko si mama na kakababa lang niya ng kanyang telepono.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon