Kabanata 42

61 2 0
                                    

WARNING: SPG. Read responsibly.

Kabanata XLII
Sleep

Naging ganoon kami sa nakalipas na tatlong araw. Hindi pa din humuhupa ang chismis at hindi pa din ako makalabas ng unit ni Lennox.

Sa tatlong araw na iyon, ang ginawa ko lang ang maghintay sa kaniyang ala sais para sa kaniyang pag-uwi at nakapagluto na ako no'n. May halong kalandian ang aming pagkain hanggang sa pagtulog ay puro kalandian ang pinaaral namin ni Lennox at nakalimutan ang nakapaligid sa amin. Hindi man lang namin inintindi.

Tatlong araw matapos akong makalipat dito sa penthouse niya ay wala na din akong balita sa labas dahil puro si Lennox ang pinapairal ko. Ngayon ko lang naisipan ang phone ko at magbukas ng social media accounts.

Nag-uumapaw na notif sa aking IG, FB and Twitter. Una kong binuksan ang Twitt.

Puro mga pangbabash iyon. Agad ko din naman in-exit ng walang interesante doon at sunod na in-open ang IG. Mas madalas kong gamit ang IG at FB kaysa sa Twitt.

May message nila Yanna, Yeon and Sonya ang unang bumungad sa akin at sandamakmak pa din na threats galing sa fans ni Charrie at sa fans loveteam na din nila. Wala naman na akong paki sa mga ganiyan.

Nag-send lang ako ng pic kay Sonya ng makitang open siya at nakita an IG story niya patin na din ni Yeon.

@Iseilaeah_
Hey, babes. I'm safe naman. Nasa penthouse ako ni Lennox kaya wala ako sa unit ko. Lovesyooou. Ingat ka lagi. Mwaps!

Sabay send din ng message at ng pic ko na naka-peace sa may veranda ni Lennox at sa bed na din.

Nang ma-bored ay pinakalaman ko ang mga dalang damit at naisipan mag-pictorial na lang. Lalapit sana ako sa maleta kong dala pero napansin ko ang walk-in-closet ni Lennox. Pumasok ako doon at nakialam.

Nang natipuhan ang isang longsleeves na puti doon ay agad kong sinuot. May pambaba naman ako pero lagpas sa akin ang suot ko kaya nagmukha akong walang salawal.

Nilibot ko ang tingin ko sa kabuan at may nakita akong mga sunglasses akong nakita doon. Naka-display at maayos nakalagay sa tamang lagayan. Nang may matipuhan ay sinukat ko ito at bumagay ito sa akin. May hat akong nakita kaya sinuto ko din.

Lumapit ako sa malaking salamin na nakadikit sa dingding at nag-pose ako doon ng kung ano ano, dinama ang aking suot. Feel na feel pa.

Isinama ko iyon sa pictorial ko for IG. Mayroon sa veranda kung saan tanaw ang labas at mga buildings, umaanggulo ng maganda. Meron din sa may glass wall. Isinirado ko naman ito at nakisama sa mga kurtina. Umanggulo pa ng kaunti bago pumostura sa camera. Ginulo ko pa ng kaunti ang buhok na maikli pero di na ginalaw ang aking bangs at umanggulo ulit sa camera.

Nagpalit pa ako ng iba't ibang dress kong dala at mga sexy dresses na din. Kung saan saan ako umanggulo at pumuwesto sa loob ng penthouse ni Lennox. Nakita ko naman ang black one piece na ang isa ko lang balikat at ang isa naman ay hubad. Sinuot ko ito at ipinares sa aking maong na short. Nakita ko naman na magandang pumuwesto sa kusina ni Lennox.

Umakyat ako doon at umupo. May dala akong tripod at inayos ito sa akin. Nakailang shots pa ako bago pa ako nakuntento sa kuha.

Iyon lang ang pinagkabalahan konsa buong araw bukod sa pag-bake ng chocolate cake. Mukha hindi naman ata mahilig si Lennox sa matatamis kaya ako na alng ang uubos nito kung sakali man na ayaw niya. Okay lang naman sa akin.

6:27 pm na at wala pa din si Lennox. I decided to open my IG but before that, my phone rang for phone call. I press the green button.

"Yeah, Sons?"

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon