Kabanata 12

42 1 0
                                    


Kabanata XII
For real

Nakakasubsob ang mukha ko sa aking pinagkrus na braso sa aking tuhod. Kanina pa ako umiiyak.

Napatingala ako ng biglang bumukas ang pintuan. Si tita Amalia ang bumungad sa akin.

"Auria, what happened?!" Agad niya akong hinila papalapit sa kaniya.

"Tita... Si papa po."

"Why? Anong meron kay Arturo?!"

"Ilang linggo po siyang hindi nagpakita tapos kanina po... He accused me basagulera and mama na ganito daw po pagpapalaki sa akin ni mama. Papa doesn't know how mama sacrificed for me tita! I don't know!'

"Shh... Auria."

"Hindi ko na kilala ang papa ko, tita. Parang..iba na. Nabilog na ba siya ng baabe niya? Tapos si Charrie pa! Ang labo nila!"

"A-Anong meron kay Cha-Charrie?"

"Kung ano ang pinagsasabi niya kay mama. Kasalanan daw ni mama. Ngayon talaga nagpapasalamat ako na inaway siya ni Sonya kahit alam kong mali iyon pero.."

"Shh... Huwag mo na lang kausapin si Charrie. Huwag ka ng lalapit sa kaniya." Tiningnan ko siya.

"May alam ka ba tita?" Nabigla siya sa sinabi ko.

"Nasabi ko na ito kay mama at pinagsabihan na niya ako pero... Hindi malabo na wala kang alam tita, bestfriend ka ni papa."

"Wala akong alam Auria. Kahit bestfriend ako ng papa mo..wala akong alam."

"Sorry po, tita."

"Okay lang hija. Magpahinga ka na. Lennary."

"Opo, mommy."

Nasa kabilang side ako habang si Lennary ay katabi ko. Tiningnan ko si Lennox at tita Amalia.

"Okay na po ako dito tita. Pasensya na po sa abala. Nakakahiya po at nakakaabala po ako sa inyo."

"Ano ka ba Auria! Hindi ka na iba sa amin. Matulog ka na at magpahinga. Tinawagan ako ng mama na susunduin ka niya kinabukasan." Tumango na lang ako.

"Sige. Halika na, Lennox. Mamaya mo na lang siya kausapin." hinila siya ni tita hanggang sa mawala na sila.

Nauna ng humiga si Lennary at sumunod naman ako.

"Pasensya na, Lennary ah?"

"Okay lang ate. Alam mo naman na ikaw lang ang gusto kong mapangasawa ni kuya diba?" napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Tama nga ang hinala namin ni ate Sonya. Mapagpanggap ang babaeng iyon! Hindi ako nagkamali." Parehas kaming nakatingala sa taas.

"Hindi pa ba nakauwi si tito?"

"Hmm... Hindi pa. Mamaya pa ang uwi ni papa. Aantayin muna kitang matulog ate bago ko gagawin ang assignment ko." Napangiti na lang ako at pumikit na.

Nagising ako dahil sa liwanag galing ng bintana. Agad kong nilingon ang katabi at wala na si Lennary sa tabi ko.  Muli akong napalingon sa labas, laking gulat ko na maaga na. Tiningnan ko ang orasan at maga-alas syete na. Male-late ako sa school.

Pagbaba ko ay andoon na si mama kausap si tita Amalia.

"Auria, hija."

"Goodmorning po tita." Lumapit ako kay mama.

"Goodmorning mama."

"Hmm. Morning."

"Kumain muna kayo bago kayo umalis Aurora."

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon