Kabanata VI
The sight of youHindi lang si Izaac ang nakapansin sa pag-iiwas ko sa grupo nila, maging si Sonya at Jach ay napansin na din. Para mapatunayan na hindi ko nga sila iniwasan ay sumama na ako kay Sonya sa practice nila Izaac.
May ginagawa silang bagong kanta. Si Lennox ang gumagawa ng kanta nila na tinutulungan naman ni kuya Relando. Gustong iparinig nila ang bagong kanta nila sa amin kaya pumayag na kami ni Sonya.
Sa bahay nila Lennox sila laging nagpapractice. Nang nakita ako ni tita Amalia ay agad niya akong kinawayan.
"Hi, Auria! Dito ka ba maglu-lunch?" Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sasabay lang naman ako kay Sonya sa pag-uwi.
"Oo mama, dito siya kakain ng pananghalian." Nagulat ako sa ginawang pagsabat ni Lennox sa usapan namin ng mama niya. Tita Amalia smiles.
"Okay anak." Hinawakan ako ni Lennox sa palapulsuhan. Hinayaan ko siya.
"How are you?" Bungad niya.
"Fine." I replied. Tumango siya.
"Mabuti naman at hindi mo na ako iniwasan."
"Hindi naman kita iniiwasan." Nag-iwas ako ng tingin.
"Really, huh?" Hindi ako sumagot.
"Bakita kaya? Bakit mo ako iniiwasan ng mga nakaraang araw?" Hinawakan niya ang baba ko at inangat para matingnan siya
"Hi-Hindi naman kita iniiwasan, Lennox. Huwag kang assuming!" Inalis ko ang mukha ko sa kaniya. Humalakhak siya sa sinabi ko.
"Okay. If you say so, Auria. Naniniwala ako sa lahat ng mga sinasabi mo. Basta sa iyo nanggaling, maniniwala ako. Sa iyo lang."
Hanggang ngayon ay nakatulala pa din ako sa tabi. Matapos kaming nag-usap ni Lennox ay niyaya niya na ako music room nila kung nasaan andoon na silang lahat. Nagsimula na sila pero ang utak at kaluluwa ko ay nasa baba pa din kung saan kami nag-usap kanina.
Diba dapat galit ako sa kaniya? Iniwan niya ako! Hindi niya pinigilan man lang na uuwi ako mag-isa! Mas inalala pa niya si Shunyie! Nang maalala ko ang lahat na dapat na galit ko sa kaniya ay bigla akong bumalik sa dati. Magkatabi kaming dalawa pero mailap ako pagdating sa kaniya. Dumidistansiya sa kaniya ng kaunti.
Lumabas muna kami saglit ni Sonya pagkatapos kumain. Nagpaalam na din ako kay mama na manananghalian ako kanila tita Amalia.
Hindi ko na makita kung saan si Sonya. Sa pag-aakalang nasa music rom siya ay nagmadali akong pumunta doon. Ngunit iba ang nadatnan ko. Nag-angat ng tingin si Lennox sa akin. Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako.
"Dito ka muna at mag-uusap tayo." Umupo ako sa malapit na upuan sa akin at buong tapang na hinarap siya.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya.
"Sabi mo hindi mo ako iniiwasan." Tumango ako.
"Hindi naman talaga kita iniwasan." Nahihiyan kong sabi dahil tama nga siya, iniiwasan ko siya. Nagtaas siya ng kilay.
"Really? Bakit parang iba ang mga kinikilos mo sa mga sinasabi mo?"
"A-Ano ba ang mga kinikilos ko? Hindi naman talaga ki-kita iniiwasan, Lennox."
"Iniiwasan mo ako, Auria Thaira. Bakit? Bakit mo ako iniiwasan? May nagawa ba ako?" Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Tungkol ba ito kay Shunyie? Shunyie is just my friend, Auria." Pinipigilan kong magtaas ng kilay sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Love Of Dusk
Romans| C O M P L E T E D | BEAU SERIES #1: Auria Thaira, the daughter of famous actress and a soldier. The granddaughter of former senator and beauty queen. She hates her life, she needed to be well woman, having an etiquette at kung ano pang kahinahinan...