Kabanata 13

45 1 0
                                    

Kabanata XIII
Envelope

Madalas kaming magkita katulad ng nakasanayan. Ang naiba nga lang ay naghohilding hands na kami, at first I'm so shy to hold his hand in public. Naasiwa sa mga tingin ng tao, hindi rin naman na kasi bago sa akin na may tumitingin kay Lennox, I just wish na hindi na lang siya gwapo at habulin. Tanggap ko naman siya e.

Nang nakita niya na gusto ko sana hawakan din ang kamay niya na nasa public kami ay siya na ang gumawa. Nagulat ako at napatulala sa kaniya. Grabe! Kinikilig na ako!

Nilingon niya ako dahil sa pagtulala ko. Agad na pinamulahan at nag-iwas ng tingin. I heard he chuckled.

"So cute." Mas lalo akong pinamulahan sa sinabi niya.

Susunduin namin si Lennary ngayon sa school nila dahil may emergency ang driver ni Lennary. Lennox already informed na kami ang susundo. May pinabili lang si Lennary sa national bookstore at kami na ang bumili since hindi pa siya pwedeng lumabas.

Maaga pa naman kaya nag-aya siya na kumain muna kami bago bilhin ang pinabibili ni Lennary sa amin.

Pumasok kami sa mang inasal dahil iyon ang request ko. Gustom ako at hindi sapat sa akin ang mga kanin nila, mas maganda na unli rice. Ang problema nga lang ay kasama ko si Lennox. Malalaman niya na malakas akong kumain ng kanin.

Kailangan ba akong maging mahinhin sa pagkain? Pero nagugutom ako e.

Naghanap kami ng mauupuan but unfortunately ay wala ng bakante kaya sa labas na lang kami naupo.

Kinuha ko ang phone ko at nagcheck ng Instagram. Mayroon kayang insta si Lennox?

"May acc ka sa Insta, Lennox?"

"Yeah,"

"Sino mga fina-follow mo?"

"Why are you so curious about that?" Nagkibit balikat lang ako.

"Just because." Umiling lang siya. Naglahad siya ng kamay kaya napataas ako ng kilay.

"What?" I asked.

"Your phone." Nalilito man ay binigay ko pa din. May pinindot siya doon.

"Let's take a picture." He said. Nagulat man ako ay nagsmile pa din ako to take a picture. Ang cute nga lang niya dahil hawak niya ang phone ko.

Ilang shots pa bago niya binigay sa akin. Kinuha niya din ang phone niya.

"Send mo sa akin ang lahat ng pictures." He said while his eyes on his phone. "LennoxAshiel on Instagram."

Nagliwanag naman ang mukha ko at agad siyang i-follow. He follow back, pronto. Nakita ko na madaming siyang followers pero yung mga following niya ay wala kundi ako lang.

"Ako lang ang following mo? Bakit?"

"I don't usually do Instagram." I pout. "But from now on, I'll use it."

"Talaga? Bakit naman?" He just shrugged.

I add our pictures to my story. Kinuhaan ko din siya ng palihim at dinagdag sa story ko sa Instagram. Sabi naman niya ay hindi siya gaano na nag-iinsta kaya okay lang iyan.

Kumunot ang noo niya sa kaniyang phone at lihim siyang napangiti ng kaunti. Nag-angat siya ng tingin at nag-iwas naman ako ng tingin.

Nang dumating na ang order namin ay agad kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa national bookstore.

Pinagtitinginan pa rin aiya ng babae pati na din iyong mga teenager. Narinig kong naghagikgikan sila habang nakatingin sila kay Lennox. Nagkibit balikat na lang ako.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon