Kabanata XL
Go"Umalis ka na bago ka pa mapahiya, Auria. I-aannounce ang engagement namin ni Lennox maya-maya lang at alam ko na may relasyon kayo ni Lennox." Lumapit siya sa akin.
"Pakiusap lang, Auria. Lumayo ka na sa landas namin ni Lennox. Sa akin siya nakapangakong ipakasal at wala ka ng magagawa. Umalis ka na." Hindi ako nagpaginag sa kadramahan niya.
"Hindi ba't ikaw ang dapat umalis? Ipinapahiya mo ang sarili mo, Charrie. Pilit mong pinagsisiksan ang sarili mo at pinipilt mong maging ako. Maging Perez. Kailan man hindi mo ako mapapantayan." Mula sa nakakaawang mukha ay bigla na lang maging demonyita. Tumawa siya na para bang hindi makapaniwala.
"A-Ako? Magiging ikaw?" At tumawa siya ulit. Tumikhim ako ng makita ang mga tao ay pinagtitinginanna siya. Mukhang lasing na siya sa iniinom niyang wine kanina pa.
"Sinira mo ang buhay ko, Auria. Maging ang nanay mo ay sinira din ang buhay ng nanay ko, ngayon ay buhay ko naman at ikaw pa." Unti-unti siyang umiyak.
"Bakit ayaw mong ibigay siya sa akin? Mahal ko si Lennox. Ikakasal kami, Auria! Bakit ka pa bumalik?! Bakit?! Bakit?! Mawala ka na sa landas ko kayo ng nanay mo! Mawala na lang kayo!" Napasinghap ako at nagulat ng may sumampal kay Charrie. Nilingon ko kung sinot iyon.
"Mama..." Gulat pa din ako sa nangyari.
"Mana ka talaga sa nanay mo." Iyan lang ang sinabi ni Mama sa kaniya. Hingal na hingal siya. Panay ang taas at baba ng kaniyang dibdib. Agad naman akong nag-alala sa kalagayan niya.
"Mama.. Kumalma ka po." Hinawakan ko ang kaniyang braso. Ang malamig na ihip ng hangin ay tuluyang nanuot sa aking balat. Ang hangin na malamig sa sakay naming yate.
"Aurora! Anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Lola sa malayo. Agad na dinaluhan ni Lola si Charrie na ngayon ay umiiyak na.
"Ayos ka lang ba apo ko?" Tanong ni Lola, hindi sa akin kundi kay Charrie. Bitterness creep me.
"Mukhang hindi naturuan ng tama ang isang iyan. Masiyadong mapag-mataas at ambisyosa. Sapat na ang aking sampal ng matuto siya." Linya ng aking ina habang nakitingin sa dalawa.
"Sinira mo ang aking kaarawan, Aurora! Hindi ka na ba nahihiya?! Ganiyan ka na ba?! Kung noon pa lamang alam ko ang ugali mong ito ay hindi na kita tinanggap!" Pagalit na wika ng aking Lola sa aking ina.
"Maging ako din po ay ganoon ang gagawin ko. Pumunta kami dito ng maayos pero hindi ibig sabihin no'n ay hahayan kong bastusin ang anak ko ng ampon ni Arturo."
"Aurora! Tumahimik ka na!" Angil ni Papa na ngayon ay papalapit na sa amin. Tiningnan niya si Mama na puno ng dismaya at panghihinayang. Pilit kong pinapakalma si Mama sa kaniyang kondisyon.
"Pagsabihan mo ang batang iyan, Arturo. Matuto siyang lumugar."
"Manahimik ka na! Pati bata pinapatulan mo. Anong nangyari sayo? Nagbago ka na, Aurora. Huwag mong idamay ang bata."
"At ikaw ay hindi ka pa din nagbago. Ganiyan ka pa din. Lumipas na ang panahon at wala ka pa din sariling desisyon sa buhay. Hindi ka na nakuntento at kinopkop mo pa ang isang iyan." Ramdam ko na nagagalit na ngayon si Mama.
Marahas na hinawakan ni Papa si Mama. "Tumahimik ka na." Inalis ko ang hawak ni Papa kay Mama.
"Huwag niyo pong hahawakan ang nanay ko." Mariin kong ani. Lumambot ang kaniyang kanina galit na mukha.
"Aira, anak.." Iniwas ko ang braso ko ng akma niya aking hahawakan. Nag-iwas ako ng tingin.
"Tara na, Mama sa baba. Malamig na po ang hangin dito sa taas." Ani ko at akay si Mama pababa.
BINABASA MO ANG
Love Of Dusk
Romance| C O M P L E T E D | BEAU SERIES #1: Auria Thaira, the daughter of famous actress and a soldier. The granddaughter of former senator and beauty queen. She hates her life, she needed to be well woman, having an etiquette at kung ano pang kahinahinan...