Kabanata 35

55 2 0
                                    

Kabanata XXXV
Living a simple life

Maaga akong ginising ni Sonya pati din si Yeon ay ginising niya. Mukhang antok pa si Yeonissa ng ginising siya ni Sonya.

"Ang aga pa, Sonya. Inaantok pa ako." Reklamo ni Yeon.

"Babaeng ito! Reklamador ka, girl? Tumayo na kayo diyan at mag-ayos na. Maaga tayong pupunta sa Nevarez. I'm excited!" Sonya said, happily.

Wala kaming ngawa at sumunod na alng sa gusto ni Sonya. Hindi titigil iyan hangga't hindi pa kami gumigising. Pinauna ako ni Yeon maligo dahil iidlip lang daw siya ng saglit ng hindi nakatingin si Sonya sa kaniya.

Kumuha lang ako ng black string two piece bikini. Off-shoulder floral pink top and denim shorts. Dala ko din ang mga toiletries ko pagpasok sa loob ng banyo.

Umabot ako ng bente minutos saka lumabas. Nadatnan ko na nakatunganga si Yeon habang hinihintay ako makalabas. Kinalabit ko siya.

"Tapos na ako. Ikaw na." Tumango siya at walang imik pumasok sa loob ng banyo.

Habang nagpapatuyo ng buhok ay nakita ko si Sonya na papalapit sa kama niya. Ang suot niya ay tank top and denim shorts.

"Excited ka na ba? Kasi ako excited na talaga ako! Feeling ko ang daming pogi doon."

"Oo. Madami nga pero suguraduhin mo lang na naka-move on ka na kay Cadmus para naman gora na ang lovelife mo." Sinimangutan niya ako.

"That's why I am here! Duh! I'm human, too! Nasasaktan din ako at natututo. Kaya, boys! Come to momma." And she spreas her arms widely. Inilinigan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagtuyo sa aking buhok.

"Sira ka talaga, Sonya." tinampal naman niya ang legs ko kaya bumakat ng kaunti ang kaniyang pagkakatampal.

"Aray ko, Sonya!" She grinned.

"Ikaw ah! Nagkabalikan ba kayo ni Lennox?!" Napamaang naman ako sa sinabi niya.

"Huh?" Maang-maangan ko. Inignora siya at pinagpatuloy sa pagpapatuyo ng buhok ko.

"Nako, Auria! Kilala kita. Alam kong naging kayo ni Lennox kaya huwag mo akong paglihiman! Matatampal kita e!" Natawa ako sa kaniya.

"Oo na! Oo na! Hindi na nga e. Hindi naman kami nagkabalikan. Nasaktan ko na naman kasi siya ulit." Kumunot ang noo niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Natatakot ako. Nakakatakot siyang mahalin." Napatampal naman siya sa kaniyang noo.

"Ay ewan, Auria! Mahal mo naman pero tinataboy mo. Huwag mong tabuyin ang kaibigan ko, Auria. Wawa naman iyon. Wala na ngang ginawa iyon kundi antayin ka sa iyong pagbalik e." Napatingin ako sa kaniya. Gulat sa sinabi niya. She just smile at me.

"Ayan na pala ang prinsesa! Ang tagal mo naman, Yeonissa. Grabe!" Yeonissa wearing a skyblue off-shoulder dress that ends on her thigh.

"Let's go?" tumango naman kami at lumabas na. Sabi ni Sonya ay inaantay na daw kami ni Kuya sa pangpang.

Inalalayan kami ni Kuya sa pagsakay sa bangka.

Habang sa biyahe ay panay ang pagkuha ng mga larawan sila Sonya at Yeon. Maski ako ay kumuha din ng larawan sa mga nagagandahan na mga tanawin. Hindi ako nakakuha ng mga larawan ng una dahil masiyado akong namangha sa mga tanawin.

"Kuhaan mo ako. Gandahan mo ng anggulo, ah?" Utos ni Sonya. Sinunod ko naman siya.

"Cavil. Kuhaan mo nga kami ng litrato." Walang nagawa si Kuya Cavil at sinunod ang gusto ni Sonya. Ilan pang shots ng bago kami nakuntento.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon