Kabanata 11

47 2 0
                                    


Kabanata XI

Nakasalubong ko ang mga kasamahan namin. Hindi ko na mahagilap pa si Yeon at Denver. Magkasama na iyong dalawa, nagchichikahan dahil biglang nawala ang baklang Denver matapos nakita namin na putok ang labi, years ago.

Nagpalit na ako at sinuot ang dala kong dress para pamalit. Natapos na ako magbihis pero hindi pa din ako lumalabas. Sumalampak ako sa sahig at nakatulala sa pintuan. Nakaramdam agad ako ng pagod pagkasalampak ko sa sahig.

Nang nahimasmasan na kahit papaano ay agad akong tumayo at inayos ang aking mga gamit at lumabas.

Nang nakalabas na akong dressing room ay nakita ko sa di malayuan sila Lennox at Shunyie na nag-uusap mukhang seryoso naman kaya hindi ko na inistorbo. Nasa bag ko ang cellphone ko at tinatamad na kuhain para i-text na lang sana si Lennox na mauuna na ako.

Nasa labas na ako pero wala pang taxi na dumadaan. Kung mag-grab naman ako ay malayo pa ang available, ayoko na mag-antay ng matagal dahil sa pagod.

Umupo na ako ng panglalaki sa aking kinakatayuan dahil sa pagod at pangangalay. Nabuhayan ako ng may natanaw na taxi, agad akong tumayo at pinara ang taxi ngunit may agad na humawak sa kamay ko na nakapara sa taxi at muntikan ng sumubsob sa may humila sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa taong humila sa aking kamay. Nagtama ang aming tingin. Ang kaniyang mga mata ay nagpupuyos sa galit ng nagtama ang aming tingin pero sa kabila nito ay ramdam ang pag-iingat sa kaniyang bawat pagkilos. Mas lalo lumalam ang kaniyang maitim na mata na nadagdag ng pagkamisteryoso at pagkasuplado, nagbibigay ng bigat sa bawat kaniyang pagtitig. Hindi ako sanay sa ganiyang mga titig niya, hindi din ako sanay na ganiyan siya kaseryoso. Ang kaniyang matangos na ilong na mas lalong nadepina ito, ang kaniyang mga labi na sadiyang mapula ay dumagdag sa kaniyang aura. Napalabi siya ng nakitang nakatingin ako doon.

Huminga siya ng malalim. Umangat muli ang aking tingin sa kaniyang mata na ngayon ay puno na ng sinseridad at pag-iingat.

"What are you doing?" He softly said. Nanatiling nakatingin sa kaniyang mata. Magiging isa na ito sa paboritong kong tingnan sa kaniya, ang kaniyang mga mata.

"Don't do it again." kumunot ang noo ko.

"Do what?" He just sighed. He held my hand.

"Let's go. Nilalamig ka na." Binalik ko ang tingin sa daan at nakitang nawala na iyobg pinara kong taxi. Wala na rin naman iying taxi kaya sumama na ako sa kaniya.

Tatlong linggo matapos ang pangyayaring iyon at ang pag-alis ni papa. Hindi pa rin siya umuuwi. Sana man lang tumawag siya kay mama o edi kaya sa akin kung may biglaang tawag, isa siyang sundalo kaya hindi namin kontrolado ang oras niya. Akala ko pa naman magtatagal siya para na lang sana kay mama.

Ilang linggo na lang ay makakapagtapos na kami. Lahat ng mga graduating katulad nila Jach at Lennox ay abala sa final exam at sa mga isu-submit na mga requirements. Ilang linggo din kaming hindi nagkita ni Lennox.

Ibang iba na din si Charrie sa dating siya. May mga kaibigan na rin siya ngayon at hindi na masyadong lumalapit sa amin. Mas maiging ganoon dahil iba ang pakiramdam ko sa kaniya.

Minsan napapaisip ako na lapitan siya at tanungin kung alam niya ba kung nasaan si papa. O baka naman na sa babae na niya? Ibang klase.

Last period na namin, bago pumunta sa last subject namin ay napadaan muna kami ng cafeteria para bumili ng inumin. Si Sonya na ang bumili ng inumin at nakipagdaldalan sa kakilala na napadaan. Bumaling ang lalaki sa akin at binati ako. Hindi ko naman siya kilala kaya nag 'hi' na lang ako at ngumiti pabalik.

Habang hinihintay sila matapos mag-usap ay iyon din ang pagkakita ko kay Charrie na kasama ang iba pa naming kaklase. Ito na siguro ang pagkakataon kong makausap siya.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon