Kabanata IXMaaga pa lang ay gising na gising na ako. Hindi makatulog dahil sa nangyari kagabi.
Maaga pa lang ay nagbihis na agad ako ng pang-jogging para naman kahit papaano ay naging handa ako para sa event mamaya. Malaking event ito para sa isang tulad ko dahil madaming mga sikat fashion designer at mga kikilatis dito sa event na ito. Malaking blessing ito para sa akin.
"Ma'am saan po kayo?" Tiningnan ko siya.
"Sa labas magjo-jogging lang. Babalik din ako para mag breakfast. Si mama?"
"Kakaalis lang po ni madam. Ang sabi niya po ay may kasama ka daw po kung magjo-jogging ka po ngayon."
"O sige. Salamat."
Pagkalabas ko sa labas ay mag tatlong bodyguard ang bumungad sa akin. Isang lalaki na nasa late thirties at yung dalawang lalaki naman ay sa tingin ko ang edad ay mga 25 o 26.
"Nainform po kami ni madam na nagjo-jogging po kaya tuwing umaga. Andito po si Kahil para samahan kayo." Sabi nung lalaki na ang edad ay nasa mga late thirties na.
"Ako nga po pala si Adolfo at ito namang isa namin kasamahan ay si Ricardo. Maasahan niyo naman po si Kahil na magbabantay sayo." Napangisi ako.
"Okay po kuya Adolfo. Iikutin ko lang po ang buong subdivision kung kailangan po sa report niyo para kay mama. Mga alas syete po siguro ay andidito na ako or twenty more." Tumango naman si kuya Adolfo.
"Sige po ma'am Auria, wala pong problema."
"Sige po kuya." Tiningnan ko naman yung Kahil bago ko sinimulan tumakbo.
Napansin ko na ang tahimik niya. Nasa likuran ko siya, tumatakbo din katulad ko. Nakabihis din kagaya ng suot ko at mukhang nainform nga talaga sila ni mama ng mabuti. Siguro kaya siya tahimik ay dahil alam niya kung ano ang agwat namin. Gusto ko man siyang kausapin ngunit ramdam ko na mailap siya, hindi ko na pinilit pa at tumakbo na lang ako
Ilang minuto na kaming paikot-ikot dito ng napagdesisyunan ko na magpahinga muna saglit sa parke malapit lang sa may subdivision namin.
Tiningnan ko ang aking kasama.
"You can sit here, Kahil. No worries." Mariin aiyang umiling.
"No, madam. I don't want to die, yet." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya
"Hindi naman ako mamamatay tao."
"I know Ma'am, but I know someone can." Napailing na lang ako sa kaniya. Weird.
"Okay. If that's your decision."
Agaran akong pumikit at dinama ang hangin. I smiled. Mas maganda sana kung kasama ko si Lennox dito.
Napalingon ako sa aking kasama ng tumunog ang kaniyang telepono. Siguro hinahanap na ako sa amin. Lumayo siya ng unti sa akin para masagot amg tawag. Nilingon ko na lang ang aking harapan at nilibot ang mga mata.
Pangalawang beses ko pa lang dito pumunta. Noong una ay kasama ko ang pinsan ko na si Yanna. Nasa states na siya kaya hindi ko na siya nakakasama.
Tumayo ako ng bumalik na si Kahil.
"Hinahanap na ba tayo?" tumango siya.
"Oh? Ganoon? Sige, tara na, baka mag-alala pa si mama sa akin."
Sinimulan namin ulit tumakbo papasok n subdivision patungo sa amin. Malayo pa alng ay nakita ko na ang kotse ni Lennox sa kanto. Binilisan ko ang pagtakbo.
"What are you doing here?" I asked.
"Goodmorning too, Auria." napailing na lang ako.
"Kumain ka na ba? Tara, sumabay ka na sa akin kumain sa loob." Aya ko naman sa kaniya. May tiningnan siya sa likod ko. Ginaya ko din ang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Love Of Dusk
Romance| C O M P L E T E D | BEAU SERIES #1: Auria Thaira, the daughter of famous actress and a soldier. The granddaughter of former senator and beauty queen. She hates her life, she needed to be well woman, having an etiquette at kung ano pang kahinahinan...