Kabanata 21

59 1 0
                                        


Kabanata XXI
Pilipinas

Mag-uumaga na at ako lang ang mag-isa sa dalampasigan. Abot hanggang aking paa ang hampas ng alon ng dagat. Ang unti-unting papaangat ng araw sa langit. Ang kulay ng araw na humahalo sa kulay ng langit.

Umaga na at hindi na ako muling nakatulog pa. Mas pinili kong pagmasdan ang pag-angat ng araw.

Ibang saya ang naramdaman ko sa pag-angat ng araw sa langit. Nangangahulugang ang panimula sa araw na ito.

Hinubad ko ang aking sarong at mas piniling lumangoy sa dagat. Aking pinalutang ang sarili sa tubig at hinayaang tanawin ang kulay ng langit habang ito ay hindi pa gaanong masakit sa matang tingnan.

I tired to reach the sky and tasting the feeling of being bird. I've been wanted to fly like bird or a butterfly once I child, like a superhero flying in the air. Yung mga panahong inaalalayan ako ni papa na lumutang sa tubig, yung mga hawak niya na puno ng pag-iingat at puno ng senseridad na andiyaan lang siya at hindi niya ako hahayaan na bitawan at lumubig sa tubig.

Gusto kong alalahanin ang mha panahon na walang tumangkang gahasain ako, yung mga panahon na hindi ko pa alam ang lahat, yung Auria na inosente sa lahat ng bagay at ang tanging alam at pinapangaral ay makapaglaro sa madaming batang katulad ko dahil kahit kailanman hindi ko naranasan iyon. Nakakulong lang ako sa bahay, sa puder ng lola ko at ang tanging kalaro ko lang ay ang mga laruan ko maging ang mga katulong ay maging mailap sa akin.

Yung tanging inaalala ko lang ay ang pag-uwi ni papa, sa tuwing nakikita niya akong tumatakbo sa kaniya ay nagliliwanag ang kaniyang mukha at hahayaan akong maging kalaro siya. Yung panahon na akala ko ay mahal ni ama si ina. Sana naging ganoon na lang buhay ko, puro saya at walang inaalala. Maging ang araw na nakilala ko siya at nagustuhan. Yung naging madali para sa lahat ng nakapaligid sa akin na tanggapin ako at ang nanay ko. Yung mapayapang panahon na iyon, yung panahon na iyon. Yung hindi ganito na nagkahiwalay ang mga magulang ko, ang nanay ko ay may sakit, ako na naghihirap. Napapagod na akong tumakbo at mag-isip ng solusyon.

Ako ay umahon ng napagod na at pilit umakyat sa malapit na batuhan. Mukhang napalayo ang aking langoy at napunta ako sa may batuhan. Nang akala ko ay makakasampa na ako. Ang isang paa ko ay nadulas sa bato at dire-diretso ang aking pagkakahulog sa dagat. Sa aking muling paglusong sa tubig ay unting-unti nawalan ako nh lakas.

Unting-unti lumubog ang aking katawan. May kung anong pumipigil sa aking katawan. Bigla akong nawalan ng lakas umahon at lumangoy at mas pinili ng aking katawan na lumubog kasabay ng lahat.

Muling pumatak ang aking luha kasabay ng pagyakap ng tubig sa aking mukha. Unti-unti kong ipinikit ang aking mata at hinayaan ang sariling lumubog.

May narinig akong sumisigaw.

"Anak..." Ang tinig ng aking Lola Sita, Mom's mother.

Ina...

Sa natitirang lakas ko ay pinilit konv lumangoy sa pampang kahit alam ko na malayo ito mula sa aking kinaroroonan. Malapit ang batuhan sa akin pero delikado. Kailangan kong makapunta ng pampang.

Hingal na hingal akong napahiga sa buhanginan, nakapikit at pilit hinahabol ang aking hininga.

Pagod na pagod akong tumingala sa langit at inisip ang nangyari kanina. Muntik na akong mamatay kanina.

Muntik na.

Humagulgol ako ng humagulgol. Walang humpay sa pag-iyak. Muntikan na akong mamatay kanina! Muntikan ng hindi ko mapatunayan sa lahat. Ang pagmamaliit nila kay mama! Ang pagmamaliit nila sa kakayahan kong maging engineer! Ang makaharap ang lola at papa ko. Ang masilayan at maka-usap man lang si Lennox, lahat ng iyon ay muntikan ng hindi.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon