Kabanata 39

54 2 0
                                    

Kabanata XXXIX
Feeling

Isang buwan akong walang balita sa Maynila. Isang buwan din kaming dalawa lang ni Lennox ang magkasama. Sinamantala namin ang isang buwan na iyon para sa aming dalawa. Ang anim na taon ng aming pagkawalay ay kulang na kulang ang isang buwan uoang mapunan no'n pero sadyang makukuntento ka na lang sa isang bagay sapagkat hindi mo kontrolado ang lahat. Hindi mo gamay ang mga mangyayari sa hinaharap.

Ang apoy na ngayon ay nag-aalab sa kadiliman ng gabi. Tanging ang sinag ng maliwang ng buwan ang tanging naghahari sa kalangitan. Ang simoy ng hangin na pinagsamang amoy ng dagat at ng kalikasan. Ang tunog ng bawat hampas ng alon ng dagat sa buhangin. Lahat ng iyon ay aming tanging kasama sa aming pag-iisa.

Saksi ang buwan sa aming pagmamahalan. Sa mapino at maputing buhangin, ang aming katawan na ngayon ay nag-aalab sa aming pag-iisa kasabay ng pag-aalab ng apoy na nagbibigay ng init sa amin panangga sa simoy ng malamig na hangin.

Ang kaniyang malambot na labi na ngayon ay nasa aking labi ay nagbibigay ng kakaibang pagnanasa. Sa bawat ritmo ng kaniyang pag-galaw ay gayon din ang kaniyang pagtama sa aking labi. Sa bawat pag-galaw ng kaniyang mga labi ay madarama ang kaniyang pagmamahal. Pinaghalong panggigil at pagiging aggresibo pero naroon ang kaniyang pag-iingat. Ang kaniyang marahas na pag-galaw sa akin ay kaakibat ng tamis sa bawat pagsambit.

Sa kaniyang prustrasyon ay ang humihiyaw na mga di mapaliwanag na mga salita. Mga salitang walang kapantay sa bawat ng matatamis ng kaniyang salita sinasambit kasama ang aking pangalan. Ang kaniyang paghiyaw at ng aking paghiyaw ay nag-uumapaw ma sensasyong nadarama. Ang pagnanasa na nadarama sa ilalim ng buwan ay walang kapantay.

Ilang marahas na pag-galaw pa at naabot ang sukdulan. Parehas naming tinatanaw ang tahimik at mapayapang kalangitan. Ang dilim na bumabalot dito at ang aming hubad na katawan na tanging manipis na tela ang nagsisilbing panakip sa aming kahubaran. Hindi ko aakalain na sa ganitong ka-simple na pamumuhay ako tanging sumasaya ng husto. Malayong malayo sa dating nakagisnan na buhay. Ang marangya at puno ng ka-elegante ang paligid. Namulat na mayroong tagapag-silbi sa bawat ng aking inuutos. Sa bawat pagkilos ay kaakibat ng mga milyong-milyong naka-subaybay at nakatingin. Maging prominente at disente upang hindi ikaw mapagsabihan.

Ganoon ang aking naging buhay sa loob ng labing-pitong taon. Ngayong dalawampu't-tatlo ng aking kaarawan. Ang aking tanging masasabi ay ngayon lamang ako naka-hinga ng panadalian. Iyong wala akong iisipin na responsibilidad at yung ako lang ang aking inaalala. Ngayon lang ako naging ganito kasaya at kasama ko ang aking kasintahan sa pag-salubong ng aking kaarawan.

"Happy birthday, baby.." Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Hindi niya nalimutan.

"Salamat. Akala ko nakalimutan mo na ang aking kaarawan." Ani ko habang naka-sandal sa kaniyang dibdib.

"Magagawa ko ba iyon? Tanging ikaw na nga lamang ang aking iniisip simula ng umalis ka ng araw na iyon. Wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan mo kung na saan ka man. Alam kong kailangan mong mag-isip at ng oras para sa sarili. Hinayaan ko ang sarili ko na bigyan ka ng panahon kahit gustong-gusto ko ng tumakbo pabalik sa iyo."

"Akala ko hindi ko kaya pero nakaya ko. Hindi dahil hindi na kita mahal kaya kita hinayaan kundi hinayaan kita para sa kapakanan mo. Nasaktan ka at kailangan mong maghilom at sa sandaling iyon ay kahit kailangan mo ako pero hindi ako makakatulong sayo kundi ang sarili mo. Mahal kita kaya hinayaan kitang umalis kahit pa na masakit iyon sa akin. Naiintindihan kita, ang sitwasyon natin. Kailangan mong tulungan mo ang sarili mong makabalik bagi ka bumalik sa akin. Hihintayin kitang bumalik sa akin  taon pa man ang abutin."

"Paano kong hindi ako bumalik ng araw na iyon? Paano kong umabot pa ng dalawang dekada? Paano kong may sariling pamilya na ako no'n?"

"Alam kong sa akin ka babalik. Hindi dahil sa nagmamayabang ako pero dahil alam ko. Dahil ang puso mo ay na sa akin na. Ako ang mahal mo, Auria. At hihintayin pa din kita kahit na may iba ka na. Hihintayin pa din kita may sarili ka ng pamilya. Hihintayin pa din kita dahil mahal kita. Mahal na mahal kita at handa akong hintayin ka umabot pa man ng ilang taon. Love is patient, Auria. And my love for you was unconditionally. Always remember that, baby." And he kissed my forehead.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon